CHAPTER THREE

456 16 0
                                    

I tried to forget what I saw, but it always got me thinking and asking myself, ‘Ano’ng ginagawa ni Russel doon sa oras ng trabaho?’.

Maybe he had to buy something, pick up something — I could go on and think about any excuse, but I'm afraid.  Alam ko na hindi ko dapat siya pag-isipan ng masama dahil lang doon, pero hindi ko maiwasan na mag-overthink.

I sat on the front porch, my eyes looking straight into the busy street where cars pass by. Tahimik lang ako habang hinihintay ang pagdating ni Russel, kahit pa gulong-gulo ang isipan ko at hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

To be honest, I am afraid. Alam kong napapangunahan na ako ng takot, at dahil doon ay nagiging clouded na rin ang isipan ko. Kahit na hindi ko gusto ang pakiramdam na ito— ang pakiramdam na para kang tina-traydor, ngunit hindi ko magawang iwaksi sa isipan ko ang nakita ko kanina.

And maybe, the problem is because before I met him, I have lost faith in love. Hindi rin nakakatulong na galing ako sa isang broken family, kung saan buong buhay ko ay hindi ko alam kung saan nga ba ako dapat lumugar sa buhay ng mga magulang ko. It always felt like I was begging for love and attention.

What happened to our family left me so heartbroken, that I'd probably shatter into million of pieces if I experience it again. Nanlamig ang buo kong katawan nang sumagi sa isipan ko ang bagay na kinatatakutan ko— paano kung iwanan din ako ng taong mahal ko?

I shook my head. Calm your thoughts, Zahara, saway ko sa sarili ko.

Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Hindi gagawin ni Russel sa akin iyon. We promised to love each other in front of the Lord. Alam kong hinding-hindi niya babaliin iyon.

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na ugong ng kaniyang sasakyan. Mabilis akong tumayo at tumungo sa gate upang buksan iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin mula sa loob ng kaniyang sasakyan. Gumilid ako sa gate upang makapasok ang kaniyang sasakyan.

Mabilis niyang pinatay ang makina ng kaniyang sasakyan at bumukas ang pintuan ng kaniyang driver's seat. Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap at binaon ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. He hugged me tighter, and when I caught a whiff of his familiar masculine smell, I immediately felt comforted.

"I miss you, love," I murmured against his hard chest.

I felt his hand moving, gently stroking my back. I felt him press his lips against my head and whispered, "I miss you all the damn time, love. Kung puwede nga lang na kasama kita sa bawat segundo at minuto ng bawat araw. But then I know, even when I am with you, I will still miss you."

Napangiti ako nang wala sa sarili dahil sa kaniyang sinabi. It's always his words that gives me assurance. Alam kong hinding-hindi ako ipagpapalit ni Russel. He loves me as much as I love him— or maybe more.

"I love you," bulong ko.

"Mahal din kita, Zahara. Palagi." He smiled.

Magkayakap kaming pumasok sa loob ng bahay. Ano mang agam-agam na tumubo sa puso ko kani-kanina lang ay dagling nawala. Wala ni bahid ng pag-aalala o pagdududa na natira sa puso ko. It's like all the weight had been lifted, making me feel a little lighter.

Dumiretso si Russel sa kuwarto para magbihis, habang ako naman ay naghanda ng hapunan namin. Habang naghahapunan ay nagkakuwentuhan pa kami katulad ng lagi naming ginagawa. Most of the time, we talk about our days at work— and for me, in the house. But not today.

"How did your meeting went?" He asked.

Tumingin ako sa kaniya at sabik na nagkuwento. "It's good, love. I have a new client. Although hindi ko pa nakikita personally iyong bahay. I have only seen the design and the plan. Malaki iyon, kaya kailangan kong pagbutihin ang trabaho ko roon."

Love And MiseriesWhere stories live. Discover now