Chapter 39

41.7K 1.3K 193
                                    

Date uploaded: 5-21-15


Chapter 39


Red


Tumilapon ang chaka doll kong uncle dahil sa lakas ng pagkakasapak ko sa kanya. Sa sobrang taas ng adrenaline ko ay hindi ko man lang naramdaman ang sakit sa kamao kong tumama sa mukha nya. Gantihan lang ito. Kailangang magmukhang talong din ang mukha nya! Parang punong-puno ako ng lakas, at ang gusto ko lang ay pagbayaran nitong sira-ulong ito sa pagkakapatay sa ate ko! Sinundan ko sya sa pinagbagsakan nya.


"Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko nakilala ang ate ko! Halang ang kaluluwa mo na dapat sinusunog na sa impyerno!" Nakahandusay sya sa semento at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko sa kanya. Akala nya siguro ay lalamya-lamya pa ako dahil sa kundisyon ko. "Gusto mo pa akong idamay sa kahibangan mo? Gagamitin mo pa akong pain sa erpats ko? ANG KAPAL NG MUKHA MO!"


Aapakan ko sana ang mukha nya nang gumulong sya at nakaiwas. Sa Paggulong nya ay hinila nya ang binti ko at natumba ako. Tumama ang bali ko sa tadyang sa simyento na pinagbagsakan ko. Pero hindi ko ininda ang sakit at mabilis akong nakatayo.


Nakatayo na din sya at pareho naming tinitimbang ang isa't isa.

Nauna akong kumilos at sinipa ko ang mukha nya, pero agad din naman syang nakaiwas. Pero kahit na naiiwas nya ang mukha nya, tumama pa din ang paa ko sa balikat nya at nakita ko sa mukha nya na nasaktan sya.


Hindi ako tumigil at sinugod ko ulit sya. Malaki sya pero mas mabilis ako. Mas mahina man ako ngayon dahil sa mga pinsala na ng katawan ko, hindi pa din sya nakakaligtas sa mga suntok at sipa na pinakakawalan ko.


Nakakaganti din sya, dahil marunong din sya ng kung anong martial arts. Nagpapalitan kami ng suntok at sipa, pero napaurong ako ng tamaan na naman ang tadyang ko. Halos mapasigaw ako dahil sa sakit! Pero sandali lang, hindi ordinaryong suntok ang ginawa nya. Mas may kirot pa akong nararamdaman. Hinawakan ko ang parte na tinamaan nya, at tama ang hinala ko, nagdudugo ito!


Napangisi sya at ipinakita nya ang patalim na hawak nya. Loko-loko talaga 'to! Ang dugas! Alam nyang hindi sya mananalo sa akin ng mano-mano kaya naglabas na sya ng patalim!


Pinanliitan ko sya ng mata. Akala nya, masisindak nya ako dyan? Nagkakamali sya. Sanay akong lumaban ng walang dalang armas. Kutsilyo lang 'yan.


Pero medyo delikado ang lagay ko dahil nakakaramdam na ako ng panghihina. Mukhang umeepekto na sa katawan ko ang mga nawawala sa 'king dugo. Idagdag pa lakas na napakawalan ko sa paglaban sa kanya.


Niyugyog ko ang ulo ko para bumalik ang adrenaline ko. Hindi pwedeng manalo itong Chaka doll na 'to! Sya ang dapat na bumagsak dito dahil sa ginawa nya sa pamilya ko! Dapat na isipin ko ang pamilya ko, na kung hahayaan kong makalabas sya dito ng hindi baldado, guguluhin pa nya si erpats. Paano na si Tita Shiela at si prinsesitang Chloe na magiging parte na ng pamilya? Hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili nila. Kaya kailangang masigurado ko na hindi na sya makakapanakit kahit kailan.


Hawak ko ang tadyang ko habang iniikutan namin ang isa't isa. Palilipasin ko lang sandali ang sakit, at alam kong maya-maya lang ay babalik na ulit ang lakas ko. Kailangan lang akong mag-focus.

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon