Chapter 33

1.9K 67 26
                                    

Chapter 33

Would you still believe in forever if he can't remember you?


Sofia Michelle's POV


Hindi padin ako umalis ng hospital. Hanggang sa dumating ang magulang ni Zam andito padin ako at umiiyak. Lumalabas lang ako kapag may gusto akong bilhin. Umiiyak sa sakit dahil kinalimutan nya ako. Kinalimutan nya kaming pamilya niya. Ang sakit pero alam ko sa puso niya. Ako padin. Kami padin ng kambal ang mahal na mahal nya.


Sabi ng doctor, he experienced post traumatic amnesia. It occurs after a traumatic brain injury and in that case daw the injured person is unable to remember events pero sabi din ng doctor na it can be short term or long term. Pinagdadasal ko na sana short term lang at sana bumalik agad.


Natutulog si Zamy ngayon. Kaming dalawa lang ang dito ngayon. Lumapit ako sakanya at tinabihan ko siya. Hinawakan ko kamay nya at hinalikan ang likod ng palad nito.


"Bakit hubby? Bakit sa dami ng pwede mong kalimutan ako pa?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko mapaluha. Mali, napaiyak. Wala na akong pake kung magising ko ba sya o kung may pumasok. "Bakit hubby? Bakit Zam? Wake up and tell me why." tuloy padin ako sa pagiyak. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Pagbangon ko ng ulo ko ay nakita ko si Zam na nakatitig sakin. Nginitian ko sya pero sya nanatiling nakatitig lang sakin.


"Kamusta? Okay ka na ba? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba?" Sunod na sunod na tanong ko sakanya pero iling lang ang naisagot nito sakin. Pumunta ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko.


"Sino ka ba talaga?" tanong nito sakin habang nakatingin sa tv. Tumingin ako sakanya at nginitian ko siya.


"Ako, Ako si Sofia Michelle Park-Yoo. Your wife, the mother of your two children. The one you promised to be with forever." Sabi ko dito, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko mapaluha. Umupo ako sa chair na katabi ng hospital bed.


"Kung ganon, bakit hindi kita maalala? Bakit kahit konti lang wala akong maalala satin?" Parang binibiyak puso ko sa narinig kong iyon.


"Nagkaron ka daw ng traumatic amnesia gawa ng accident na nangyari. Hinahanap na kung sino may kagagawan non, and I'm praying na sana bumalik na ung ala-ala mo" Sabi ko dito. Kumuha ako ng orange at tinanggalan yon ng balat. Sinubuan ko pa siya hindi naman ito umangal.


Zecariah Yoo's POV


Sorry wife, but I need to do this.


———-

HAPPY FIRST DAY OF SCHOOL TO ME LOL AND FOR EVERYONE ALSO. FIRST DAY OF COLLEGE KO KAYA NAGUPDATE AKO KAHIT SOBRANG SHORT LANG. SORRY SUPER SHORT LANG. GOODLUCK FRESHIES! <3


This love will be Forever (NCP Book2- Ongoing)Where stories live. Discover now