Chapter 18

4.2K 90 10
                                    

A/N: After years lol. Nahihirapan din kasi ako pagsabayin pagsusulat tsaka studies. lol. sorry guys. 

--

Chapter 18: Everything's fine now. I guess..

Sofia Michelle's POV

Days, weeks, months passed. Nabinyagan na din ung kambal. It happened months ago. Si Baby Staniella (Cliche's daughter with other girl). Masaya na ang lahat. Si Zamy, Nakikilala na sya. Unti unti, Step by step. Nakikilala na sya and I'm proud of him. I'm super proud of him. My babies, Magcecelebrate na sila ng kanilang first birthday this week. Naalala ko pa nung unang silang nagsalita. Sobrang sarap pala sa feeling non. Nakakalakad lakad na din sila konting alalay lang malilikot kasi haha. Ang sarap pala maging magulang. Kahit na maging magulang ka ng maaga masaya padin. Kahit mahirap manganak, nakakapagod magalaga. Lahat naman yon napapalitan kapag nakita mo silang nakangiti. 

Gumulo man buhay namin nung mga nakaraang buwan nagiging matatag padin kami ni Hubby, Hindi padin kami sumusuko, at kahit kelan hindi namin 'to isusuko. Kahit anong mangyare, hindi ko isusuko si Hubby. Isipin ko na lang mga paghihirapan, at pinaghirapan namin dalawa kung susuko kami o siya. 

Cliche and Macy. Masaya silang dalawa sa buhay nila. They're perfectly fine with their two babies clicy and staniella. Masaya ako kasi kahit na may dumating din na gulo sa buhay nila kinaya nila. Wala din sumuko. 

Ganon naman ata sa love, Pag true love mo na maiisip mo nalang yung mga bagay na hindi mo dapat isuko. Kasi parang lahat nga ng pinaghirapan nyo mababaliwala lang. 

Nasa isang cake shop kami ni hubby, naghahanda kami para sa birthday nung kambal next week. Syempre kailangan bongga ung birthday party nila kasi 1st birthday nila yon. Nagtitingin kami ng design. May nakita akong isang cars na design na cake.

"Hubby, look pwede siguro 'to para kay zay no?" I asked him. Syempre kailangan ko padin ng approval nya. Sa mga ganitong party, pera nya na ang ginagastos namin. Hindi na kami umaasa kila mama at papa. Kasi sabi nga nya, meron na syang sapat na trabaho para buhayin kami at di naman ako nakaangal don kasi nga pinipilit naman nya kaya ayon. Umoo nalang ako. At masaya ako na kaya na nya maging independent hindi ung umaasa lang sya palagi kila mama at papa sa pag bibigay ng pera saamin. Tho, sila mama at papa din naman ung may gusto na bigyan kami ng pera. pero mabuti nga at napilit namin sila na huwag na muna. Saka nalang kapag nagkulang kami. 

"Yup. Pwede na siguro yan. Eto may nakita din ako para kay Zafie" Tiningnan ko yung tinuro nya. Maganda naman sya. Color pink sya and ung design mga princess. Sila snow white, cinderella, belle, aurora at ariel ung nasa design tapos mga naka wacky pa sila. Ang cute nga e. haha. Sabi ko nalang sakanya pwede na yon. Lumapit kami sa cashier at sinabi na namin ung order sabi din namin na sa tuesday naman ung party so tapos na kami sa cakes. Nakaorder nadin naman kami ng balloons, pati ung magccater okay nadin. I guess, Everything's fine now. Mga bisita nalang kulang.

Dumaan kami ni Hubby sa mall para man lang makapagbonding. Hindi nadin kami masyado nakakapagbonding kasi nga artista na sya at unti unti nakikilala. Busy schedule pinagkakaguluhan sa mall kaya hirap kami minsan mag gala. Pero ngayon okay naman wala masyadong tao sa mall. Siguro naisip nila magpahinga muna. hahaha. Hinawakan ni hubby yung kamay ko hhww ang peg. hahaha. Napatingin ako sakanya at nginitian ko sya. Ang swerte ko nga naman sa lalaking 'to.

"Hubby, uhm. Busy ka ba bukas?" Balak ko kasi sana ipasyal yung kambal pati ung mga kasambahay pati sya. Gusto ko lang naman makapagbonding yung mga yaya para hindi naman sila stress na stress. Para makapagbonding na din kami lahat.

This love will be Forever (NCP Book2- Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon