Chapter 29

2.4K 75 12
                                    

Chapter 29: uh-oh

-

Wag basta basta naniniwala sa mga naririnig sa tabi tabi

-

Sofia Michelle's POV

"Zay Yoo, spotted with a blonde girl" 

"Zay Yoo and Blonde Girl spotted dating yesterday"

"Blonde Girl and Zay Yoo kissing in public" Ilan lang yan sa mga balitang lumabas sa TV, May mga pictures pa kaya hindi ko maipagkakaila na si Zam ngayon.

"Mowmmy, Why is dawddy kissing another girl?" Tanong ng anak ko sakin. Katabi ko sila ngayon sa sofa. Hindi ako makapaniwala. Totoong si Zamy nga 'yon pero hindi ko alam kung sino yung blonde girl na kasama niya. Kaya siguro nawala si Zam kahapon at hindi ko ma contact kahapon ay dahil busy siya. "Love pa ba tayo ni dawddy mowmmy?" Tanong ulit saakin ni Zafie. Napatango nalang ako. Tulad ng sabi ko, hindi ako maniniwala sa mga bali-balita hanggang hindi siya yung nagpapaliwanag sakin. 

"Come here babies" Lumapit sila saakin. "Oo naman, Love tayo ni Daddy. Hindi naman magagawa sa'tin ni Daddy yan diba? Daddy loves us so much kaya dapat si Daddy padin paniniwalaan natin kesa sa news diba?" Gusto ko maiyak pero hindi ko ipapakita sa mga anak ko na mahina ako. Hindi ako maniniwala sa news, Gawa gawa lang nila 'yon Sofia. Pero paano nila gagawin lang yon kung may mga kasamang pictures. Ugh.

Maya maya ay bumukas ang pinto ng bahay namin. Si Zam 'yon na halatang pagod na pagod. Pawis na pawis 'to halatang may tinatakasan or nagmamadali.

"Wife..." Sabi nito saakin. Nakaupo padin ako sa sofa namin hinayaan ko muna maglaro yung dalawa.

"Hindi ako naniniwala kahit may picture. Explain."  Sabi ko sakanya. Dahan dahan itong umupo sa tabi ko. He sighed. Kinakabahan ako sasabihin niya at parang anytime maiiyak ako, pero kailangan ko pigilan.

"That Blonde Girl is Nathalie.." Sabi nito kaya napatingin ako sakanya na may gulat. Nathalie na naman ano bang meron sakanila. "We date, and yes we kissed pero ginawa ko lang 'yon dahil sa isang dahilan" Parang ang sakit sakit naman nung mga sinabi niya. Ang ineexpect ko kasing sasabihin niya, si Nathalie lang may gustong halikan siya pero hindi 'we kissed' ang sinabi niya and it hurts. Napaiyak nalang ako hindi ko na napigilan. Niyakap naman ako dito bigla at parang nag panic

"Wife shh, Baby calm down. Hindi tulad ng iniisip mo. Hindi ko ginusto yung kiss na yon. I mean, oo pumayag ako na halikan nya ako I didn't pushed her away kasi baka magalit siya at may gawing masama sainyo. I'm sorry baby." Tumayo ako, magpapakaselfish muna ako, ayoko muna siya pakinggan. 

"Magpahinga na tayo." Tumayo ako "Zafie! Zay! Come here" Lumapit naman yung dalawa, hinawakan ko sila sa kamay at dinala na sa kwarto nila. Binasahan ko sila ng bed time stories ng napansing kong mahimbing na silang natutulog, umayos na din ako ng higa. Ayoko sa kwarto namin ngayon kailangan ko huminga at magisip.

---

A/N: SORRY SHORT UPDATED. ANO SA TINGIN NYO MANGYAYARE?? :))

This love will be Forever (NCP Book2- Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon