Chapter 19

3.9K 82 12
                                    

Chapter 19: Ruined (promise last na muna ng panggugulo ni Nathalie)

 Zecariah Yoo's POV

Nakasakay kami ngayon sa ferris wheel. Sumandal si Fia sa balikat ko. Ang weird nya talaga ngayong araw. Hindi sya ung parang Fia na madaldal yung ganon. Ibang sofia ang kasama namin ngayon. "Hubby" Tawag nito saakin. "hmm?" Sabi ko. Pumikit ako para maramdaman ko yung hangin. 

"Hubby, Can you promise me na ako lang mamahalin mo? Na kami lang magiging pamilya mo wala ng iba" Napadilat ako sa sinabi nyang iyon. Hindi ko alam pero kinabahan ako. Kinabahan ako sa mga posibleng mangyare.

"Oo naman, ikaw lang mamahalin at magiging pamilya ko. Hinding hindi ko kayo ipagpapalit" Humarap siya saakin. "Kayo lang ng mga anak ko. Pangako" Sabi ko sakanya. Niyakap ko sya at hinalikan ko sya sa noo. Pangako, Kahit na anong mangyare. Sila lang ang mamahalin ko. Sila lang ang taong mamahalin ko hindi magbabago yon. Kung mangyare man na may umagaw sakin sayo, Fia wag kang papayag. Kung mangyare man na may sumira sa pagsasama na tin gagawa ako ng paraan para tumigil sya hindi kita iiwan. Pangako.

Umandar na ulit ang ferris wheel at nakabalik na kami sa baba. Kay Macy kami ulit sumabay. Tahimik padin si Michelle. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagaalala. Nang makarating na kami sa bahay nagpaalam kami sakanila. At nauna na din. Dumerecho kami ni Wifey sa kwarto, nauna na syang nagshower at sumunod na din ako. Naghanda na din kami para matulog.

Niyakap ko ito. I don't know why. Gusto ko lang syang yakapin. "Zamy.." Sabi nito. Napapikit na ako. Siguro dahil sa sobrang antok. "I love you. Kahit sino mang babae magkagusto sayo hindi ko hahayaan na maagaw ka nila sakin" I love you more fia.

- Next Day, Tuesday, 7 am-

Maaga kaming nagising para maayos na agad ung mga kailangan namin ayusin para sa Birthday Party ng kambal. Ang bilis ng panahon. Isang taon na agad sila. Parang kailan lang nasa tiyan palang sila ni Sofia. Ngayon eto na, Isang taon na sila. Nagfile nga ako ng 1 week leave dahil na din gusto ko pagkatapos netong birthday party ng kambal ay makapagbonding naman kami 4 sa isang beach man lang. Kahit 3 araw lang. 

May mga nagaayos dito sa loob ng bahay. At meron din nagaayos sa may garden. Blue and Pink ung color. Syempre Princess at Prince naman ang theme. Sa may mga garden nakalagay ung ibang tables na may pink and blue clothings nadin. Tapos may mga balloons na nakakalat. Maganda sya. Hindi sayang yung pera na pinambayad namin. Maya maya lang din ay magsstart na yung party.

Lumapit sakin si Sofia. Nasa may garden kasi ako tiningnan ko yung mga nagaayos. Nagmumuni muni nadin. Haha. Ang bilis lang kasi talaga ng panahon. "Lalim ng iniisip ha" Inakbayan ko ito. 

"Ang bilis ng panahon no?" Sabi ko dito. Napangiti nalang sya sabay yakap saakin "Dati lang, Nerd ka. Dati lang hindi pa ako ang mahal mo. Inaasar lang kita dati hindi ko alam na sa dami ng magkakagusto sayo ako padin ang pipiliin mo. Tapos sa sobrang bilis ng panahon. Kinasal na agad tayo. Hindi naman sila nagmamadali ano? Hindi din naman tayo nagmamadali ano? Hahahaha. Pero kahit na ganon, kahit madami tayong pinagdaanan masaya padin. Masaya padin akong nakilala at minahal kita. Habang buhay ko tong aalalahanin. I love you Sofia" Sabi ko dito, Niyakap ko sya ng mahigpit. 

"Anong nakain mo ha? Hahaha. Hindi mo alam kung gano ako kasayang nakilala kita." Sabi neto at tumingin sakin. "Sobrang saya ko na ikaw ang nakatadhana para sakin. Sobrang saya lang talaga. Yung mga bagay na pinapangarap ko lang pinaramdam mo sakin. Pinaexperience mo sakin paano mahalin ng totoo. Pinaexperience mo sakin na may taong pwede kong makasama forever. I love you Zam, Always and forever" Ang sarap sa feeling nung ganito. Sana wala ng manira. Sana palagi nalang kaming masaya. Pumasok kami sa loob para asikasuhin

Time Check: 5:00 pm

Okay na ang lahat. Ready nadin ang kambal. Nagsisimula na din magsipagdatingan ang mga bisita. Si Sofia nagbibihis na at ako, nakabihis nadin. Ayos na ang lahat. Maayos na ang lahat. Sana hanggang matapos tong birthday party okay na. Nandito na sila Macy. Kasama ung dalawa nilang anak, pati sila Alyssa andito na din. Sila Mama, Papa, Umma, at Appa, andito nadin. Maski mga pinsan at pamangkin andito na. Halos andito na din lahat sa kamaganak namin. Konting kaibigan na lang din ang aantayin. 

Bumaba si Sofia, Suot nya? Isang Pink polka dots na dress. Simple lang pero ang ganda nya. Ang ganda din ng make up nya. Ang ganda nya sobra. Walang pinagbago. Medyo nagkalaman lang sya pero maganda padin sya at ang sexy nya. Ang swerte ko nga naman sa asawa kong to. Hindi nagbabago ang itsura. 

Nagsimula na ang party, Nagsalita na ung MC, nagsimula na din ung iba't ibang palaro para sa mga bata. Maya maya magkakainan nadin. Nagulat ako ng nagvibrate ng nagvibrate cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yon, Si Nathalie pala. Ano na naman kayang kailangan neto samin?

Lumabas ako ng bahay at sinagot ko yung tawag nya.

"Bakit?" Masungit kong pagkakasabi sakanya. Hindi ko alam kung ano na naman bang balak nya sakin ngayon? Hindi pa ba sya masaya na ginugulo nya kami ngayon?

(I heard, birthday ng kambal mo ngayon?) Sa tono ng pagsasalita nya alam mong may balak na syang hindi maganda.

"Yes. At wag ka naman manggulo" Sabi ko dito. Ayokong sirain nya ang birthday ng anak ko. Ayokong magulo ang birthday party na to.

(Hindi ko naman guguluhin wag ka magalala. Basta pumunta ka lang dito sa condo ko. Samahan moko magshopping kahit saglit) Sabi neto. Wala naman ako magagawa kundi ang sundin sya. Kasi sa ganong paraan ko lang kayang iiwas sa gulo ang pamilya ko. 

"Okay." Sabi ko sabay end ng call. Pumasok ako sa loob. Nilapitan ko si sofia para magpaalam sabi ko pinapatawag ako sa office may gagawin lang kako ako saglit. Nakakapagsinungaling ako sa asawa ko nito, na hindi ko naman dapat gawin. Niyakap ko sya at sinabi kong mahal ko sya kahit na anong mangyare. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala pa sila sakin. 

Sofia Michelle's POV

Nagpaalam sakin si Zam na aalis, Kung bakit? Yan ang hindi ko alam. Sana mali ang mga naiisip ko. 

This love will be Forever (NCP Book2- Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon