Chapter 11

263 13 1
                                    

    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    

Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pagtitig sa labas ng masama.

"Itigil mo na nga lang ang sasakyan at bababa na ako."

Naramdaman ko ang paulit-ulit na pagsulyap niya sa akin. "W-What?"

Lumingon ako sa kan'ya, naiinis. "Bababa na ako! Kung ito kapalit ng pagligtas mo sa akin sa cheater na 'yon, itigil mo na ang sasakyan at wala kang mapapala!"

Umawang ang bibig niya. "A-Ano bang sinasabi mong kapalit ng pagtulong ko sa 'yo?"

Umirap ako, natatawa sa pagmamaang-maangan niya. "Iniligtas mo ba ako sa lalaking 'yon para mapapayag akong maging fuck buddy?! Sa tingin mo, makukuha ako nang gano'n kadali lang??? Ang mga lalaki talaga, hindi gagawa ng mabuti nang walang kapalit!"

Tumawa siya, hindi rin makapaniwala sa narinig. "Wait, wait! I think you misunderstood me. Wala akong hinihinging kapalit sa 'yo. I was just, like, proposing a business. It's a win-win situation, you know? You get to be pleasured without being with different men and I get the same from you."

Umirap ako. "Ayaw ko! P'wede ba, Sir Hunter? Matagal nang tapos ang bedroom negotiations natin. Itigil mo na 'yan dahil hindi ako papayag! I won't be a fuck buddy to someone I already fucked twice. Hindi bale sana kung nauna mong p-in-ropose ang pagiging fuck buddy kaysa sa two-night stands, eh. Nawiwili ka naman yata. Sa tingin mo mapapapayag mo ulit ako nang gano'n kadali?" I scoffed.

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Paulit-ulit akong napapairap sa kawalan dahil sa kalokohan nitong boss ko. Akala ko pa naman, tapos na itong usapan namin tungkol sa sex! Hindi ko naman akalaing ganito na pala ang gusto niya!

"I just don't understand. What's wrong with me? Akala ko ba, magaling talaga ako?"

I scoffed. "Hindi dahil magaling ka, magpapakama na ako nang paulit-ulit sa 'yo. Tandaan mo, boss kita. And yes, I am drawing the line here, Sir Hunter. Ayaw kong magkaroon ng issue na nagpapakapokpok ako sa boss ko para sa promotion o dagdag na sweldo. I know I'm not doing this for that, but I hope you'll get me. Working in a corporate world, maraming tsismis ang kumakalat kahit na hindi totoo."

Tumawa siya nang mahina. "Then, I won't promote or give you a salary increase if that's what you want. You can even make a list of terms and conditions, Areeya. Payag ako."

I sighed in frustration before turning to him. "Sir, ayaw ko. Baka mamaya, isipin pa ng iba na nasarapan ako masyado sa 'yo kaya na-promote ang something natin into fuck buddies!"

She chuckled. "Eh 'di sabihin mo ako ang nasarapan sa 'yo. Tutal, ako naman itong nagpo-propose ng idea, ako naman ang may gusto, eh 'di sabihin mong ako ang nasarapan. After all, totoo naman."

Umirap ulit ako sa kan'ya. "Ayaw ko nga, okay? Tama na yung minsang pinagbigyan kita, Sir Hunter. Hindi tayo magiging fuck buddy ever." I scoffed. "Ang dami-daming iba d'yan, mas magaling pa sila sa akin! Bakit ba ako ang naisip mo? Bakit sa akin mo ginagawa ito?"

Under His SheetsWhere stories live. Discover now