Chapter 05

292 6 0
                                    

      Kinabukasan, umagang-umaga, pumunta ako sa condo ni Daisy para hanapin yung lintik na polo na 'yon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  
  
Kinabukasan, umagang-umaga, pumunta ako sa condo ni Daisy para hanapin yung lintik na polo na 'yon. Sure naman akong afford ko rin kung ano man 'yon, hindi ko alam bakit sinabi ko pa na ibabalik ko.

Sana pala, binayaran ko na lang.

"Bakit mo ba kasi hinahanap?" nabubulol na sabi niya habang nagtu-toothbrush. "Akala ko ba, itinapon mo na dahil hindi naman na kayo magkikita?"

Saan ko ba kasi itinapon 'yon? Basta sa pagkakatanda ko, itinapon ko na 'yon!

"Nasaan yung mga basura? Naglabas ka na ba?"

Inginuso niya ang gawi ng kusina kung saan nakaipon na ang mga trash bags. Hindi naman din makalat si Daisy—kami lang talaga ni Tanya tuwing nandito kami—kaya kaunti lang ang laman ng bawat plastic na nandito.

Naglakad ako papalapit doon saka binuksan isa-isa ang mga trash bags. Hinalukay ko 'yon isa-isa kahit na karamihan, mga pinaghiwaan ng kung ano-ano at amoy bulok na ang nasa loob.

"Bilhan mo na lang, hindi naman siguto aabutin ng sobrang mahal 'yon, gaano man siya kayaman," sabi ni Daisy nang matapos nang mag-toothbrush at lumapit sa akin.

Binuksan ko na ang ikatlo at huling trash bags at mas mabaho ito kompara sa dalawang nauna!

"Fuck!"

Tumawa siya. "You know I love cooking! Natural lang na nand'yan ang mga pinaghiwaan ko ng kung ano-ano!"

"You shouldn't let these trash pile up inside your unit!"

"Hindi ko lang naasikaso dahil may mga work tayo at, remember, nag-alaga ako ng lasing at may malalang hangover kinabukasan? I was about to threw them all away today but you came and do that."

Hindi ko na inintindi pa ang paliwanag niya. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang long sleeve na hinahanap ko. Puno na ng mantsa 'yon mula sa toyo at kung ano-ano pang pinagtatapon ni Daisy dito. Ang baho na rin, sobra!

"Tingnan mo nga kung anong brand."

Napalunok ako bago tiningnan ang likod na collar nito. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pamilyar na brand na alam kong imposible na gastusan ko in this lifetime.

"Ralph Lauren," I said in horror, looking helplessly at Daisy.

"Fuck," she said, biting her lower lip.

"A Ralph fucking Lauren!"

Oras na makuha ko ang long sleeve polo, dumeretso ako sa condo ko para labhan at subukang alisin ang mga mantsa. It was no help because the stain has already settled down on  the fabric and it's not coming off anymore. Natatakot naman akong kuskusin aggressively dahil baka masira at lalo akong masiraan ng bait para maghanap ng pambayad dito.

Buong araw ng Sabado, wala akong ibang ginawa kung hindi lutasin ang problemang ito. I even went to different laundry shops near my place to ask them help regarding the stains but they said that if the stains will be removed, may maiiwan pa rin na mga bakas and worst, kukupas ang kulay ng tela dahil sa bleech na gagamitin.

Under His SheetsWhere stories live. Discover now