Chapter 11

56 2 0
                                    

"Pupuntahan mo sya sa bahay nila?" Hindi makapaniwalang tanong ni Karl, habang naglalakad kami papunta sa room.

"Oo"

Kukunin ko sana ang bag ko sa kanya nang ilayo nya ito. Napatigil tuloy ako sa paglalakad ganun din sya.

"Bakit ka naman pupunta dun? Iniisip ko tuloy kayo na"

I don't know why if how many i rolled my eyes with him. Humalukipkip akong tumingin sa kanya. Siya naman ay parang timang na naghihintay sa sasabihin ko.

"Bibisitahin ko lang sya dahil meron lang akong ibibigay sa lola nya" paliwanag ko sa kanya. Napalayo ang mata nya na parang may iniisip.

"Si Nanay Tessie?"

"Uhh yun nga" sagot ko nalang kahit ngayon ko lang nalaman ang name ng Lola ni Yorish.

"Anong ibibigay mo sa kanya?"

Nilabas ko ang camphor na ginagamit ko kapag masakit ang pangangatawan ko. Minsan ginagamit ko rin sa sakit ng ulo ko kapag pumuputok na ang ugat ko sa mga kaingayan ng mga kaklase ko. Ipinakita ko sa kanya iyon. At napatango rin sya.

"May nangyari ba sa kanya?" Nag-aalala nyang tanong.

"Oo, sabi sa akin, habang nagpupunas sya ng bintana sa itaas, bigla daw nasira yung upuan at nahulog sya"

Tumagilid kaunti ang ulo ko nang makita sa kanya ang labis na pag-alala sa lola ni Yorish.

"Gusto mo bang sumama sa akin? Mukhang malapit ka sa lola ni Yorish"

"Hindi ako sasama" Sabay iling nya. Kukunin ko sana sa balikat nya ang bag ko nang ilayo nya mismo balikat nya.

"Dahil ba kay Yorish? Mapapatawad ka naman nya kapag nag-apologize ka" sabi ko sa kanya at naglakad nalang ulit. "Ang taas kasi ng pride nyong dalawa" Dagdag ko pa kasabay ng pag-irap sa mata ko

"Oo nga pala, hindi pa tayo tapos sa usapan natin kung bakit galit na galit ka sa kanya"

Ginulo nya lang ang maiksi kong buhok. Nainis naman ako at binalik sa gilid ang manipis na bangs ko.

"Daldal mo ngayon ah" Hindi nya makapaniwalang tanong.

"Che! Dyan ka na nga" Iniwan ko na sya at tumakbo pataas sa room. Tinawag nya ako at tumakbo narin.

Hingal na hingal kami pareho pagkarating ng 3rd floor. Napaupo pa kami sa sahig, dahil parang sumali kami ng track 'n field.

"Wait lang...Putcha nauuhaw ako" Hirap na hirap nyang bigkasin.

"Wala...pa tayo...sa taas" ako din nahihirapan na.

"Ikalma mo....Bakit kasi tayo tumakbo?" Nangingiyak nyang sambit

"Andyan na si Ma'am!" Mabilis akong napatingin sa itaas nang marinig na ang sigaw ng isa naming kaklase. Ang next subject namin ay English. Ang strikto naming subject teacher!

Hinawakan ko ang kwelyo ni Karl na nakahiga ngayon sa sahig. Pinilit kong makatayo habang hinihila ang kwelyo nya para tumayo na din sya.

"Tara na, andyan na si Maam Quezon!"

Napatayo naman sya kahit labag sa kalooban nya. Nanginginig ang tuhod naming nakaakyat sa apat na palapag. Gulo ang buhok at pawis narin. Bakit naman kasi 4th floor pa ang naging room ko!?

Sabay kaming napatumba sa sahig nang makapasok sa room. Halos matulog na si Karl at ako ay hinanap si Maam Quezon na nakaluhod.

"Oh, anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Vice.

"A-andito na ba si maam?" Mahina kong tanong.

"Wala pa naman"

Naningkit ang mata ko. "Joke lang ni Oasis yun"

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now