Chapter 08

62 4 0
                                    

"Tumigil ka nga! kinikilabutan ako sa sinabi mo"

Umiwas ako ng tingin, at napalalim ang iniisip. Hindi ko lubos maisip, kapag nagkagusto sa akin ang kumag na yun. Ang baba ng standards nya, kung ganoon.

"Feel ko lang naman. Hindi naman ako papayag magkagusto sayo yun" Bulong nya sana na naging malakas rin.

"Hah?" Rinig ko naman. Trip ko lang.

"Wala...B-bakit naman sya magkakagusto sayo? Ang pangit ng taste nya hah" Nakita ko pang umirap sya sa hangin.

Ako ang dapat magmaldita dito! Pagkatapos nyang sabihing maganda ako nakaraan, ngayon babawiin nya. Sipain ko kaya sya dyan, para namang ginawa nyang expiration ang mukha ko!

"Dyan ka na nga, paepal"

Tumayo na ako at iniwan sya roon. Nagpahangin lang naman ako, para maibsan ang dagundong ng puso ko, dahil sa pag-uusap namin ni mommy. Napangiti ako nang maalalang niyakap nya ako, at niyakap ko rin sya pabalik.

Tinanggal ko rin ang ngiti ko nang sabayan ako ng isa mag-lakad. Binilisan ko pa, pero mahahaba ang biyas nya, kaya nahahabol nya rin ako.

"Nasa panahon naba tayo ni Rizal?" Tanong nya, dahil sa suot ko. Hindi ko nalang sya pinansin. Bahala sya magsalita riyan.

Naramdaman ko ang mahinang patak ng ulan. Napalaki ang mata ko at naghanap agad ng masisilungan. Walang masyadong masisilungan dito sa park kaya sa malaking puno nalang. Namatay ang nakapalibot na lights sa puno dahil lumalakas ang ulan.

Napayakap ako sa sarili, dahil gininaw ako sa lamig ng hanging ulan. My gosh! Paniguradong hinihintay ako ni mommy. Chineck ko ang kamay kong wala ng plastick ng medicine. Nanlaki ang mata ko, dahil nalimutan kong may binili ako for mommy!

Hatid na kamalasan o Hatid na katangahan. Alin man dyan ay binubuo ng aking katawan.

"Yung medicine ni mommy!"

Tatakbo na sana ako pabalik nang hatakin ako ni Karl.

"Ang lakas ng ulan, gusto mo magkasakit?!"

Natigilan ako nang matantong may point sya. Paano kung sumunod ako kay mommy magkasakit? At hindi pa gumaling hanggang Lunes? Nakakapanghina pa naman kapag walang pera. Nagkibit balikat nalang ako, at babalikan nalang mamaya.

Napatingin pa ako sa uluhan ko nang ilagay nya ang kanyang jacket na pula, may tatak naman iyong straw hat ni Luffy.

"Nababasa ka parin" Aniya habang inaayos ang jacket nya sa ulo ko.

Hindi dapat ako nagpapadala sa kanya. Malaking syang apoy sa bandilang pula.

"Thank you" Pagpapasalamat ko sa kanya. "Mahilig ka pala sa One piece?" Tanong ko pa.

"Wala akong time manood ng ganyan" sagot nya. Tumango nalang ako sa kanya. "Sa hindi ka maniniwala. May ini-istan akong kpop group" Proud sya ng sinabi nya iyon.

Tinignan ko sya ng hindi makapaniwala. Si Archibald Maven, ang sigang basugulero ng Eliezabeth Highschool, ay lumambot sa kpop? Gusto ko sana syang tuksuhin, kaso tinatamad ako magsalita.

"Ano pala pinakagusto mo?" Tanong ko. Syempre marami din ako nuh.

"Treasure" sagot nya. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Sino bias mo?"

"Ikaw" sagot nyang nag-pairap sa akin. "Hindi nya gets" bulong nya sa kanyang sarili.

"May sinasabi ka?"

"Wala!"

"Seryoso, sino nga?"Nakakawalan ng pasensya itong kausap ko ah! Buti nalang talaga at interesado ako sa topic namin ngayon.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now