Chapter 19

59 2 0
                                    

[Archibald Maven Macapia]
-Gising na si Jiyoh!

-Seen mo plis!

Nag-init ang sulok ng gilid ng mata sa nabasa. Natutuwa lang dahil gising na sya. Mabilis kong inanunsyo kay kuya na gising na si Yorish. Pumayag naman syang puntahan namin ito kaya agad kaming umalis. Pumasok na agad ako sa kotse para puntahan sa Hospital si Yorish. Pagkapasok ni kuya nagtanong sya bigla sa'kin.

"May gusto ka ba kay Yorish?" Tanong nya. Kahit nagulat ay hindi ako nakapagsalita.

Hindi nya narin pinansin ang tanong nya, dahil alam nya na ang sagot dahil sa pamamagitan ng pagtahimik ko

"May kinalaman si Jayson sa pagkamatay ng kaibigan ko, at kailangan natin syang puntahan"

Biglang tinigil ni kuya ang sasakyan.

"I won't agree with this"

"Why?"

"Masyadong delikado 'yan. Paano nalang kung sinadya iyon?"

Napatitig ako sa kanyang mata. Hindi nya talaga ako mapapayag na puntahan si Jayson. Mukha ding basugalero iyon, lalo na't kaaway iyon ni Yorish. Buti nalang at nagkaayos na sina Karl.

"Kakausapin ko lang sya tungkol sa sinabi nya kila Sheena. Wala na akong gagawing iba"

Napakamot nalang sa kilay si Kuya na parang hindi ko sya titigilan sa pangungulit.

"Sasama ako sayo"

Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi nya. Hindi ko lang ipinakita, dahil ang kasiyahan nawawala din agad lalo na sa akin. "Unahin muna natin bisitahin 'yung kaibigan mo"

"Correction, hindi ko sya kaibigan"

Napatikhim pa ako at diretso lang ang tingin. Nakikita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng dalawa nyang kilay habang diretso lang din nakatingin sa daan.

Ano kaya ang nasa isip nya? Oh god. Bakit ko ba kas sinabi na hindi k sya kaibigan?! Mukhang iba ang nasa isip ni kuya! Nanatali nalang ako kunwari na walang iniisip.

Pagabi na kaming nakarating sa Skyline para bisitahin si Yorish. Bumili pa kami sa market ng prutas para ipasalubong sa kanya. Umiiwas ako ng tingin sa mga student nurse na panay tingin sa likod ko, kung saan nakasunod sa akin si kuya.

Tumikhim nalang ako at napatigil sa pinto. Nahihiya akong magpakita sa kanya. Magagalit ba sa akin sila nanay Tessie? Parang ayaw kong pumasok, pero kailangan kong makita ang kalagayan ni Jiyoh. Napatingin ako sa kamay na humawak sa balikat ko.

"You can do it. I'm here for you" He said.

Napapikit ako at huminga nang malalim. That's right Redgie. You need to face Yorish and thank for everything.

Pagkabukas ko nang pinto. Tumambad sa akin ang nakasandal na Yorish sa hospital bed. Nakabenda ang kanyang ulo. Kinakausap nya ngayon si Karl, kasama ang lola't lolo nya. Naramdaman nya ang presensya ko kaya napalingon sya sa amin. Natigilan sya nang makita ako at hindi makapaniwala katulad ko. I miss him so much.

Gusto ko syang yakapin, kahit pinipigilan ko ang aking sarili. Namiss ko yung ngiti nya at pambobola sa'kin. Hindi ko na tuloy alam ang nangyayari sa'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo papunta sa kanya. May pag-iingat ang pagyakap ko sa kanya.

"Redgie...Dumating ka" Hindi nya makapaniwalang sabi

"Ngayon ka lang ba talaga nagising?" Tanong ko nang bitawan ko na sya.

Umiwas sya nang tingin. "Ang totoo nyan. Kahapon pa"

Hindi na ako kumibo at tinignan sya nang masinsinan. Nakatingin din sya sa akin na parang may binabasa sa mukha ko. Hanggang sa biglang tumibok ang puso ko nang ngumiti sya sa'kin.

She's Pretty (2022)Where stories live. Discover now