I Dreamed A Dream

1.5K 55 21
                                    

I Dreamed A Dream

     Hello kuya!!! May friend ako.. Humihingi ng advice sakin.. Sabi nya.. May crush daw sya sa isang politician.. Ewan ko.. Ang weird nga nya eh. Andami nyang gugustuhin, yung malabo pa nyang maabot.. Kuya ano b dapat sabihin ko sa kanya para itigil na nya ang kahibangan nya?

***

     Ngayon ko na-realize na marami talagang mga pakialamerang kaibigan sa mundong ito. Ang cool, cool lang.

     Kagaya ng kaibigan ni Dilda sa previous chapter ng kwentong ito, gusto kitang pasalamatan b3h #2 dahil buong-puso at walang pag-iimbot mong dinulog sa'kin ang problema ng kaibigan mong itago na lang natin sa pangalang Dreamer. Joke lang. Ano sosyalin lang? Nenabells na lang para cool.

     Medyo nakaka-relate ako dito kay Nenabells dahil may crush din akong politician. You know, Risa Hontiveros. Eh kasi naman 'di ba, ang ganda niya at ang talino pa. 'Yon nga lang, hindi talaga siya manalo-nalong senador. Hindi ko alam kung may sumpa ba sa kanya o talagang mas maganda lang si Nancy Binay kaya tinaob siya nito nang sobra. Epitome na yata si Risa ng you really can't have it all. Maganda. Matalino. Pero laging pumapalya sa senate attempt.

     Wala namang problemang magkaroon ng crush sa kahit na sino. Ordinaryong tao pa man 'yan o pulitiko o holdaper o siga o gangster. Kasi once na tinamaan ka, 'yon na 'yon eh. Wag lang to the point na habang naka-mini skirt ka, Nenabells, naka-hanging blouse at may stainless na earrings na hanggang bewang with matching lipstick na parang puputok na yung labi mong black ang natural color, ay masasabi mo ang mga katagang, "Wala akong pakialam kung may asawa na siya. Basta, aanakan niya ako, anyhow. HAHAHA!!!" Things like that.

     At bilang successor ni Confucius, ang wise words lang na maipapayo ko sa napaka-mind wrecking na kasong ito ng kaibigan mo, b3h #2, ay ang huwag mo siyang pipigilan sa gusto niya. Masaya kayang magkaroon ng kaibigang hibang. Pramis.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon