XIII. Love Moves in Mysterious Ways

2.1K 77 31
                                    

XIII. Love Moves in Mysterious Ways / EmpanadaMan

Kuya? Pano mo po malalaman na inlove ka sa kanya kung sa chat lang kayo nag-cha'chat tapos hndi kayo nagkikita?

•••••

     Pasensya ka na at medyo palyado ang creative genes ko ngayon kaya wala akong maisip na ipangalan sa 'yo maliban sa Hullaballoo.

     K.

     Ang ganitong klase ng problema o experience ay sobrang common na bunsod na rin ng masaganang pagputok ng teknolohiya. Isang uri ng pagputok na buong-puso nating sinasalo, nakanganga pa habang nakapikit. Sarprisa.

     May mga naglipana ng messaging apps na pwede mong i-send ang 'yong hubad, semi-hubad, kinda-hubad, at hubad na hubad na mga larawan para aliwin ang partner mo sa Saudi. Pwede mo na ngang i-record ang mga "uhhhh," "ohhhh," yeaaaah," "pfffft" via mobile apps at i-send sa 'yong anonymous chatmate na si BBC_69.

     In short, ang paglalandi sa panahon ngayon has no limits. Always within your reach. Never too far away.

     Seriously, ayokong isara ang utak ko sa mga posibilidad sa sitwasyon na gaya ng sa 'yo, Hullaballoo. Dahil maging ako, ang napakagwapo at sopistikadong si Christian Grey, ay nagkaroon din ng experience gaya ng sa 'yo.

1. Magaan ang loob ko sa kanya. I mean, siguro dahil na rin sa hindi ko siya kilala personally kaya nagagawa kong magkwento ng kung ano-ano. Minsan nga nagpaturo pa 'ko ng assignment.

2. Magkapindutan kami hanggang madaling araw. Estudyante ako at nagtatrabaho naman siya sa isang BPO company. Hindi sugar mommy ito, okay. She was nineteen at that time at ako naman ay nine. Joke, seventeen. Sariwa. Used but not abused. *insert mapang-akit na kindat here*

3. Tapos nag-move on kami ng mga one step higher, giraffe size. Gusto raw niya akong maka-usap. Shit, paano kapag hindi niya nagustuhan ang boses ko? Paano kapag pinakanta niya ako? And the list went on. Gano'n ako ka-conscious at that time. Ni hindi ko nga naisip na hindi naman niya ako kilala personally. Walang exchange of personal information na nangyari. Sa maikling sabi, tamang landi lang.

4. Naging habit namin ang magtawagan. Ang magtanungan kung kumain na ba ang isa't isa na parang all day long ay 'yon at 'yon lang ang ginagawa namin.

5. Hanggang sa dumating sa point na gusto na niyang makipagkita sa 'kin. Nag-aassume na ako ng mga panahong 'yon. Shit buhay ako dito 'pag nagkataon and other related evil shits na lahat ay ako lang ang magbe-benefit. #Mangga #Manggagamit

6. But the problem was on me, kahit pa sabihing marahil ay may nararamdaman na rin akong espesyal para sa kanya, hindi pa ako seryoso ng mga panahong 'yon. Naglalaro. Nag-eeksperimento. Call me words pero I'm being truthful. Kung meron mang mga lalaking nagseseryoso sa edad na fifteen to eighteen, o minsan nga hanggang twenty pa, saludo ako sa inyo.

     We never had the chance to see each other. Wala na rin kaming communication after that unfateful day. But the thing I've learned from that experience, minsan you can't help but fall in love (or confide) sa taong nakakaintindi ng issues mo sa buhay, sinasakyan ang trip mo, at nagagawa kang patawanin in one way or another.

     Dahil ayon na rin sa ating philosopher of the day na si Nina, love moves in mysterious ways.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon