XVI. Reyna ng Sablay

1.6K 69 6
                                    

XVI. Reyna ng Sablay / EmpanadaMan

Ano kase. These past few days nakokornihan nako sa sarili ko. Palpak parati. Parang kakambal ko na kasablayan sa buhay. Yung feeling na konting patawa lang natatawa ka na ng sobra dahil sa kagustuhan mong sumaya nagiging mababaw ka na. Nakakaggo lang eh. Ano ba maipapayo mo sa akin? T.T thanks in advance. Lablab

•••••

     Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, Lablab, hindi kasagutan ang pag-inom ng Liquid Sosa, pagkain ng Racumin, at pagsinghot ng putok ng katabi mo sa jeep. Maging ako ay nagdaan na sa gan'yang stage ng buhay—ang pagiging emo.

     Pakiramdam mo pasan mo ang mundo at ikaw na ang pinakamalas na taong iniluwal ng kipay ng nanay mo. Na walang nagmamahal sa 'yo kundi ang sarili mo lang. Na pati pagtawa mo inaasa mo na sa iba, minsan pilit na pilit pa.

     Yes, tangina talaga.

     Ang maipapayo ko lang sa 'yo, Lablab, tama na ang kanonood ng telenovela. Tama na ang kakikinig sa gothic music. Tama na ang pagpapaka-senti sa mga kanta ni Ed Sheeran, Christina Perri, at Adele. Pumunta ka ng McDo, umorder ka Happy Meal, kunin mo 'yong box, at gumawa ng party hat. Pumunta ka ng Jollibee, umorder ka ng bucket meal, ubusin mo lahat ng chicken, at gamitin mo 'yong bucket pang-refill ng ketchup.

     Makulay ang buhay sa sinabawang gulay. Maraming nagmamahal at nakaka-appreciate sa 'yo. You just have to see things better now, okay? May brighter side ang mundo, just in case feeling mo naka-grayscale ang sa 'yo.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon