IX. The Jeje Guide to Moving On

2.4K 89 21
                                    

IX. The Jeje Guide to Moving On / EmpanadaMan

kuya, may mahal pu aq. kasu mukhang hindi pa pu siya nakaka-muv un sa ex nya. panu pu yun? tnx pu.

•••••

     Dahil total ay mukhang hindi ka naman galit sa letrang u ay tatawagin na lamang kitang Yu. 

     Ang una mong dapat gawin ay bumalik sa eskwela at mag-aral ng alpabeto. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na may nag-eexist na letrang o doon.

     Ang dapat na nag-eexert ng effort sa ganitong sitwasyon ay ang hibang mong minamahal. Huwag kamo niyang talunin si Dra. Belo bilang bayani ng mga babaeng shunga at putotoy lang ang habol sa pag-ibig. Move on, move on din kamo kapag may time siya.

    At ikaw Yu, kung naka-move on ka na rin sa pagiging jejemon, ay dapat na tulungan mo siya along the way. Aliwin mo siya. Dalhin sa beach at iiyak ang lahat sa dagat (teleserye ba ito?). Dalhin mo sa tuktok ng bundok at doon ay sabay n'yong isigaw lahat ng nararamdaman n'yo. Tumalon na rin kayo kung trip n'yo.

     Samantalahin mo ang pagkakataon tutal mapagsamantala ka naman talaga somehow. Isigaw mong mahal mo siya.  Mag-jerjeran kayo sa Sagada.

     You, exhibitionist Yu.

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon