II. Maglandi ay 'Di Biro

6.9K 160 40
                                    

II. Maglandi ay 'Di Biro / EmpanadaMan

Ang tagal na panahon ko ng single. Eons na siguro. Baka fate ko na 'to. Ang hindi makahanap ng partner in life dahil panget ako. #Huhubells

•••••

     Itatago na lamang kita sa pangalang Fina. Pinaikling Finakapangit dahil guilty pleasure ko talaga ang manakit ng feelings at dumurog ng self-esteem.

     Kung inaasahan mong sasabihin ko sa 'yong maganda ka at hindi pangit dahil: una, walang pangit na ginawa ang Diyos at nagtataka ka kung sinong lasing na tripper ang lumikha sa 'yo; at pangalawa, subjective ang kagandahan, pwes, nagkakamali ka nang big time.

     Hindi ako ang guidance counselor n'yong petiks pa sa school director. At mas lalong hindi ako ang nanay o ang ninang mong walang pamasko kaya uulanin ka na lang ng plastic greetings.

     Matuto kang tanggapin kung ano ang hitsura mo kahit alam nating pareho kung gaano kahirap. Titingin ka pa lang sa salamin parang gusto mo nang basagin. Naubos na ang family size n'yong pulbo, oily ka pa rin. Tinunaw mo na lahat ng sabong pampaputi at hinalo sa Bicol Express like some gata in disguise, sindilim pa rin ng gabi ang kutis mo.

     Sumusubo ang buhay, Fina. Life sucks sa ingles.

     Pilitin mo na lang mag-excel kung saan ka magaling. Hindi man n'on mapunan ang insecurities mo, at least, may maipagmamalaki kang meron na baka wala sila.

     At para matapos na ang nobelang ito, itanim mo sa kung saan mo pwedeng itanim na, panget ka na nga, nagmumukmok ka pa, ano na lang ang mangyayari sa buhay mo? 

     Isaisip, isapuso, at isagawa ang ating mahiwagang kasabihang, talo ng malandi ang maganda. Again, talo ng malandi ang maganda.

     Go for the gold—en hotdog!

Natuto Kang Lumandi, Magtiis Ka sa HapdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon