CHAPTER 39

17 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 39

Nang ma-discgarge sya sa hospital kung saan doon nagtatrabaho ang kuya niya ay maraming mga staff doon ang natuwa na mabuhay siya. Isa daw 'yung malaking milagro dahil umabot sya ng walong buwan nakaratay sa hospital at heto siya't masayang masaya pa. Hindi na siya hinayaang patirahin ng parents niya sa condominium unit niya dahil daw sa malapit na din daw ang panahon  na maghihiwalay silang mag anak kaya nagtatakang nagtanong sya sa mga ito pero hindi siya nito sinagot kaya binalewala na lang din niya 'yun.

Nasa leaving room lang sila. Nanood dahil bored  na bored  siya ng araw na 'yun ay naisipan na lamang niyang mag movie marathon at dinamay niya pa ang dalawang lalaking sobrang halaga sa kanya. Ang kuya niya at si Wreizz. Wala ang parents niya dahil may mahalaga itong pinuntahan.

Ang kuya Evrio niya ay panay lang ang paglilikot ng kamay nito sa hawak na laptop at pasimpleng sumusulyap sa screen ng TV at siya naman ay nakaupo lang sa sofa habang kumakain ng chichirya. Habang si Wreizz naman ay hindi siya tinabihan sa mahabang sofa, nakaupo ito sa solong sofa at may hawak na cellphone. Hindi na niya kinibo ang dalawa since wala siya sa mood mangulit at bored na bored lang talaga sya. Maya maya pa'y nakarinig sila ng kumatok pero hindi nila pinansin. Pero umulit na naman hanggang sa magsalita ang kuya niya.

"Bunso pakibukas nga nung pinto kung sinong tangna yung nasa labas." Inis na utos ng kuya niya sa kanya.

"Eh bakit ako? Andyan naman si Wreizz oh" sabi niya at itinuro si Wreizz na ngayon ay nakatingin ng seryoso sa kanya.

"Why me?"

Aba uminglish pa. Lupit a. Arte  pa ng accent.

"Malamang wala kang ginagawa eh."

"Meron."

"Ano naman? Wala ka ngang ginagawa diyan kasi nakatingin ka lang naman sakin."

"Exactly. Yan ang ginagawa ko, ang titigan ka."

Bigla siyang natameme sa sinabi nito pero natigil lang yun ng may kumatok na naman ng pinto. Inis na Inis na tumayo siya at nasulyapan niya pang tumawa sa kanya si Wreizz. Sinamaan niya 'to ng tingin. Pagkabukas niya ng pinto tumambad sa kanya ang kuya Aether niyang nagpaka macho stand pa kaya natawa siya pero mabilis din na yumakap dito.

"Finally, after 123456789 years napagbuksan din ako ng pinto." Wika ng kuya Aether niya at inakbayan sya.

"Hoy Stifiore! Alisin  mo yang kamay mo!" Biglang singit  ni Wreizz ng makita ang pag akbay sa kanya ng kuya Aether niya.

"Oh, andito ka pala anong ginagawa mo dito?" Pambabalewala nito sa warning ni Wreizz  sa kanya kaya parang batang nag bineletan niya ito.

"The fuck, anong klaseng hangin ang nagdala sayo dito sa bahay ko?" Biglang tanong ng kuya Evrio niya kay Aether.

Bago nito sinagot  ang kuya niya ay inagaw nito sa kanya ang chichiryang kinakain kaya naman inalis na niya ang kamay ng kuya Aether niya sa balikat at bumalik ng sofa para maupo. Magkatabi sila ng kuya Aether niya ng biglang umupo pagitna si Wreizz.

"Anong hangin ba kamo ang nagdala sakin dito? Baka utot hahaha." Pilosopong sagot ni Aether kay Evrio.

"Fuck you."

"Ano kasi pre,  pweding umutang?"

"What the hell? Ano umutang? May pera ka naman bat ka pa uutang? Gago." Singit ni Wreizz sa dalawang kaibigan.

"Hindi pera uutangin ko bobong ermitanyo."

"Hoy Kuya Aether! Boyfriend ko yan! Respect please." Sigaw niya dito kaya naiiling na nagsorry ito at nagroll eyes naman agad kay Wreizz kaya natawa sya. Hindi na siya nag eenjoy sa palabas sa TV kundi sa dalawang nasa tabi niya lang.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now