CHAPTER 38

21 3 1
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 38

PAGMULAT pa lang ng mata ni Crisha ay narinig na niya ang nasa paligid niyang may naiyak at tumawa. Una unang namulatan niya ang puting kisame, puting ilaw, puting kurtina, at iba't ibang uri ng kagamitang panggamot ng isang paseyente. Ginalaw niya ang kamay na para bang may gusto siyang hawakan at naramdaman niya agad ang isang kamay na parang nangungulubot na. Napapakurap pa siya dahil feeling niya pagod na pagod ang mata niya sa pagpikit.

"M-mommy...."

Mahinang boses an kumawala sa kanya pero sapat pa din yun para marinig siya ng nasa paligid niya at ang kamay na nakahawak sa kanya ay agad na humigpit ang pagkakahawak. That means that's her mom hands.
Luminga siya at nakita niya ang mommy niyang umiiyak na nakangiting nakatingin sa kanya.

"W-Wreizz...."

Hinahanap niya agad si Wreizz. Ang buong akala niya kasi palalayain siya nito sa kagustuhan niyang palayain siya pero hindi kaya heto siya, bigla na lang siyang nagising sa katotohanan na walang mangyayari sa kagustuhan niyang lumayo kung ayaw din naman ng puso niya.

"He's on his way anak. For now, pagaling  ka muna. Hmm? I miss you my princess." Saad ng ginang sa kanya.

"My princess. Your dad is here."

Mahinang iniaabot niya ang kamay sa daddy niyang nasa likuran ng mommy niya. Nasasaktan siyang makita ang magulang niyang umiiyak ng dahil sa kanya.
Hinawakan ng Daddy niya ang kamay niya at hinalikan pa 'yun at naramdaman niyang may tumulong tubig dun. Umiyak din ito katulad ng mommy niya.

"K-kuya..."

"I'm on your left side bunso." Evriod said. Dahan dahan naman na lumingon siya sa kaliwa niya mula sa pagkakahiga at napangiting tinignan niya ang kuya niya. Mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at hinalikan siya sa noo. May binulong pa ito sa kanya.

"Wreizz is all yours but can you please do me a favor? Pretend that you're not awake."

Kahit mahina pa din siya ay nagawa niyang matawa sa binulong ng kuya niya. May plano ata 'to. Maya maya pay may napansin siyang pamilyar na mukha. Napakaganda nito at halatang halata ang pagiging malamig ng awra nito. Parang hindi friendly pero nakakaintimidate. Sa isip isip niya.

"Your... familiar..."

Bumulong naman agad sa kanya ang kuya niya na ang babaeng 'yun ay ang mismong mommy ni Eiver.

"I'm glad your okay now. Sir, Mom.." wika ng babaeng pamilyar at tumingin sa magulang niya bago lumabas ng kwarto niya.

"Mommy, Daddy bakit ang lungkot niyo pa din? I'm okay now." Nakangiting tanong niya sa magulang.

"Wala kang idea anak kung gaano kasakit ang makitang nahihirapan ka kaya patawarin mo kami ng Daddy mo na sinukuan ka namin." Umiiyak na Saad ng mommy niya.

"We're sorry baby. We're sorry for giving up on you. We're sorry na hinayaan naming mawala ka samin." Umiiyak na din na turan ng daddy niya.

Hindi niya maintindihan, ano bang ibig sabihin ng mga ito? Siguro halata sa mukha niyang naguguluhan siya kaya humigpit ang hawak ng mommy niya sa kamay niya.

"Sumuko na kaming pamilya mo, patawarin mo sana kami anak. Pero nakumbinsi kami ng taong 'yun. Sumuko kami anak na mawawala kana samin, na ayaw na naming mahirapan ka kaya Gusto kong ipatanggal ang support machine na siyang nagdudugtong ng buhay mo pero dahil sa kanya, hindi siya sumuko. Hindi ka niya sinukuan halos lumuhod siya sa harapan naming lahat para lang huwag namin ituloy ng Daddy mo ang pagpirma. Mahal na mahal ka ng taong 'yun anak. Kaya magpagaling kana."

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now