CHAPTER 30

27 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 30

GALIT na napatakip ng bibig ang dalagang si Chloe ng makitang naghahalikan ang dalawang taong pinilit niyang sirain mula pa noon. Sinikap niyang huwag makagawa ng ingay para hindi siya mapansin ng dalawa. Sobrang nagagalit siya sa katotohanang unti unting nawawalan na ng saysay ang mga ginawa niya para kay Wreizz. Bumalik lang ang bruhang Crisha sa buhay nila ni Wreizz heto na naman siya, naaagawan na naman siya. Okay na sana ang relasyon nila ng binata pero bakit pa bumalik ang ex nito? Ang sakit sakit ng dibdib niya sa eksenang nakita. Bumalik siya ng condo ng binata dahil nakalimutan niya ang handbag niyang naihagis niya kanina sa pakikipagtalo sa binata, dahil aware siyang may dinalang babae si Wreizz sa condo nito. Aware siyang sa loob ng tatlong taon na nakasama ito ay hindi na talaga naiiwasan ang pagtatalo nila dahil sa mga babae nito. Hindi niya alam na may ikakalala pa pala ang pagiging lapitin ng babae dito kaya sa Inis niya, ng makita ang rubber shoes na yun  ay hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Nasasaktan siya, ang dami na niyang ginawa para dito pero matatanggap naman niya kahit sino pa ang babae nito wag lang ang Crisha Hauker na 'yun pero wala, nasaksihan niya ang dapat na hindi niya masaksihan. Napakatanga niya. Kahit na nawala ang alala ni Wreizz alam niyang may nararamdaman pa din ito sa ex nito. Anong  laban niya sa first love nito samantalang siya, pilit lang na nakikipagsisiksan dito at pilit inaagaw ang atensyon pero hindi naman siya magmamahal ng ganito sa lalaki kung hindi siya nito hinayaan na maramdaman niyang maging importante dito. She really hate her!

"Hindi ikaw ang pweding tumapos sa inumpisahan ko Crisha dahil ako mismo ang tatapos. Magpakasaya ka na muna ngayon."

Galit na boses na kausap niya sa sarili ng makasakay ng kotse niya. Kung meron mang may karapatan na magmamahal kay Wreizz siya 'yun! Nagawa nga ng babaeng 'yun magpakamatay at saktan si Wreizz maging ang desisyon nitong umalis sa bansa ay ginawa pa din nito para lang saktan si Wreizz. Napakawalang hiya talaga. Hindi niya kailanman ibibigay si Wreizz kahit na anong mangyari. Magkamatayan na.

Mabilis na pinatakbo niya ang kotse pauwi sa unit niya at ng makarating ay patakbong tinahak ang elevator hanggang sa marating na niya ang mismong unit niya, tumungo siya agad  sa cabinet niya at mabilis na hinanap ang USB na sinadya niyang itago  sa loob ng tatlong taon.

"Hindi ko aakalain magagamit pala kita. Akala ko hindi na, buti na lang hindi kita naitapon." Nakangising demonyo na kausap niya sa sarili. Tumingin siya sa salamin kung saan nakita niya ang mukha niya.

"You're messing up with a wrong person, Crisha Hauker. Kung hindi man mapapasakin ang taong mahal ko mas lalong hindi ko hahayaan na mapapasayo siya."

At humalakhak na tila ba naghahasik siya ng dilim.

--

Napabitaw sa mukha ni Wreizz ang dalagang Hauker habang naghahalikan sila dahil sa bigla itong nawalan ng malay. Nilukob na naman siya ng pag aalala sa nakita. Agad na binuhat niya ang dalaga pahiga sa kama niya't tarantang hinanap ang cellphone na tinawagan ang kaibigan niya. Ayaw man niyang ipaalam sa kapatid nito pero kailangan. Gusto niya din malinawan sa mga bagay na nalalaman niya nitong mga nakaraang araw na pananakit ng ulo niya.

Evrio was his incharge doctor ng mawalan siya ng alala kaya kailangan niyang malaman ang dapat niyang malaman. Kahit mahihirapan pa siyang tanggapin 'yun. Try harder to cure yourself. Naalala niyang wika ni Kihl.
Lahat ng taong nasa paligid niya ay pakiramdam niyang may alam at walang nagsasabi sa kanya ng mga dapat niyang malaman dahil sa kondisyon niya. Pero ngayon, matapos ang sobrang pagkatakot na mawala sa kanya si Crisha ay mas lumakas ang kagustuhan niyang malaman ang lahat kung anong nangyari noon, at kung bakit sila nagkakasakitan ng dalaga ng ganito.

Kanina habang nakikipagtalo siya kay Chloe nangangamba siyang magkaharap ang dalawa knowing that Chloe isn't typical woman dahil mabilis itong manakit ng babaeng nakakasama niya. Kaya ng makitang wala sa kama ang dalaga ay nakahinga siya ng maluwag pero wala, nabuko pa din siya ni Chloe dahil sa sapatos ng dalagang Hauker. Nilibot nito ang buong kwarto niya maging sa banyo kaya ganun na lang pangangamba niya ng makita sa ilalim ng bathtub ang ulo ng dalaga. May kutob siyang narinig ng dalaga ang pagtatalo nila ni Chloe kaya hinihila na niya palabas si Chloe bago pa sila magkabukingan. Pero naiinis siya dahil ang hirap patahimikin ng pagrerebelde ni Chloe kaya wala siyang ibang nagawa kundi halikan ito sa labi para tumahimik na at umalis. Napatigil naman niya ito kaya sweet na ulit itong nagpaalam. Nang makapasok ito ng elevator ay mabilis na bumalik siya sa unit niya at dali daling iniahon sa bathtub ang walang malay na dalaga. Matinding kaba ang bumalot sa kanya na para bang hindi niya kayang mawala ito sa isang iglap lang. No fucking way!

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now