CHAPTER 35

20 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 35

Gulo gulo ang buhok ni Crisha ng madatnan siya ng kaibigan niyang si Keit sa kanyang boutique. Hindi na sila nawalan ng komunikasyon ni Keit pagkatapos ng gabing hinatid siya noon ni Wreizz. Kaya ng makita siya ni Keit na ganun ang ayos, Magulo ang buhok, kalat kalat na mga gamit niya sa pag guhit, at higit sa lahat ang hitsura niyang mistulang bruha. 'Yung kakatakas lang ng mental hospital. Naiiling sa kanya ang kaibigan pero patuloy pa din siya sa pagguhit. Nilagay niya pa ang isang lapis sa buhok niya para lang gawing tali ng buhok niya kaya ang nangyari, para siyang naka messy bun hair.

"Naligo ka pa ba Crish? Bakit binagyo itong boutique mo. Akala ko pa naman bagong bukas to bat yata binagyo?" Naiiling na tanong ni Keit para lang mapansin siya ni Crisha pero wala pokus pa din ito sa ginagawang pagguhit.

"Hello, may kausap ba ako dito?" Winagayway pa ni keit ang kamay sa harapan ni Crisha at saglit itong tumingin sa kanya at ngintian sya.

"Ganun lang? Slight smile lang? Hindi mo ko kakausapin?"
Naiinis na tanong ni Keit.

Biglang natigilan sa pagguhit si Crisha at nag angat ng tingin sa kaibigan niya. Parang siraulong napaiyak na lang sya kaya nataranta naman ito at niyakap na lang siya para patahanan siya. Ilang linggo na siyang ganito, ilang linggo ng nakasarado ang boutique niya, hindi niya muna pinapasok ang mga trabahante niya dahil ayaw niyang may makakakita sa kabaliwan niya.

Masisiraan na yata siya ng ulo sa pagkakabroken hearted niya. Nagtataka siya bakit hindi na maubos ubos ang pag iyak niya and the worse part, wala siyang ganang kumain. Araw araw isang tinapay lang ang kinakain tapos tubig tapos. Kung mamamatay ba siya mawawala na ang pananakit ng puso niya? Hindi na siya masasaktan.

"Ano bang nangyari bakit ba palagi kana lang umiiyak, hindi na normal yan ah." Alalang tanong nito kaya mas lalo siyang naiyak.

Ang hirap kasi ng bawat galaw niya may magpapaalala sa kanya about sa nangyayari sa kanya. At mas gusto na lang niyang walang kakausap sa kanya para hindi niya maalala na di siya okay. Gusto lang talaga niyang magpokus sa trabaho niya.

Sobrang pag aalala ni Keit sa kaibigan kaya kahit awang awa siya ay wala siyang magagawa para tulungan ito. Hinahagod lang niya ang likod nito ng mapansin niyang nakatulog na'to sa pag iyak kaya napabuntong hininga siya. Napangiti siya ng malungkot dito. Noong makilala niya ito napakacheerful lang nito na para bang hindi na mawaglit sa mukha nito ang geniune smile pero ngayon, puro na lang malungkot at iyakin ang makikita. Masyado itong nainlove to the point na wala na itong tinitira sa sarili.

"Pakatatag ka Crish. Lahat ng bagay may rason. Wag kang susuko." Bulong na lang niya sa tulog na kaibigan. Nasa ganung sitwasyon silang magkaibigan ng biglang may dumating na lalaking hindi niya kilala kaya napakunot noong tumingin sya dito.

"Sino ka?" Agad na usisa niya.

"Ikaw ang sino ka. Anong  nangyari dito?" Maangas na tanong nito.

"Obviously broken hearted. Sino ka nga kasi?"

"Persistent ka miss. Kuya niya ako, so ano may itatanong ka pa?"

"Pangalan?"

"Ikaw sino ka ba kung makausisa ka, kala mo madam."

"What?"

"Maganda ka sana kaso bingi ka. Tabi nga, iuuwi ko na siya."

At hindi na nga nakapagsalita si Keit dahil basta na lang nito binuhat ang kaibigan niyang tulog. Napaawang ang bibig nya sa ginawa ng lalaki.

"Alam kong gwapo ako pero iuuwi ko na siya, kung hindi ka busy pakisarado lang ng boutique pagkaalis mo, thanks."

Sabi nito at tuluyang umalis. Napapadyak siya sa Inis dahil hindi niya nalaman ang pangalan ng lalaki. Okay, Crisha mentioned na may isa itong biological kuya pero marami itong kuyang tinatawag pero kuya kuyahan lang. Kaya nababadtrip siyang hindi niya nalaman. Pano na lang kung kinidnap pala ang kaibigan niya? Edi kasalanan niya. Napapailing sya sa Inis pero para lang masigurado ang kaligtasan ng kaibigan niya ay mabilis na sinarado niya ang boutique at pumara ng taxi para sundan ang kotse nung lalaki.

--

Nagising  na lamang si Crisha na masakit pa din ang ulo. Hindi niya alam kung bakit nananakit ang ulo niya pero bumangon pa din siya dahil kailangan niyang tapusin ang groom suit ni Wreizz. Ngayon ang deadline niya kaya kailangan niyang tapusin ang dapat tapusin.  Napatingin pa siya sa kwarto at napansin niyang hindi niya kwarto 'yun. Anong nangyari at bakit siya napadpad sa kwartong 'yun?

"Gising na ang prinsesa." Biglang salita ni Geolk na nagkakape papasok ng kwarto.

"Bakit ako nandito?"

"Tulog."

"Paano ako nakarating dito?"

"Binuhat ka."

"Pwedi ba Geolk magpakatino ka nga ng sagot!"

"Gagawin ko yan kung magtitino ka din."

"Matino ako!"

"Talaga lang ha? Ngayon ang deadline sa wedding gown ni Chloe at Groom suit ni Waithern.."

"Oh tapos?"

"Tapusin mo yun as soon as possible."

"Bakit?"

"Photographer  ako malamang trabaho kong ipicture ang dalawa."

"Tsss."

"Sungit mo na naman."

"Masanay ka na."

Wala siya sa mood makipagbiruan dito kaya tumungo na lang sya sa banyo. Dinaig pa niya ang uminom ng alak kagabi at nagkahang over siya ngayon. Epekto ba'to ng walang katapusang pag iiyak niya?

"Hoy lumabas kana diyan sa banyo, mag agahan kana dito."

Narinig niya pang sigaw ni Geolk sa kanya.
Excited ata tong makasal 'yung dalawa samantalang  siya, parang gusto niyang mapostpone. Nakakainis!
Dahil wala siyang extra clothes  sa unit ni Geolk ay nagpahatid muna siya sa unit niya para magpalit bago dumiretso sa boutique niya. Nang nasa tapat na silang magkaibigan sa boutique niya ay sandali naman siyang natigilan. Ang sakit ng ulo niya.

"Ayos  ka lang?"

"Masakit lang ang ulo ko, pwedi bang pakibilhan ako ng gamot sa sakit ng ulo?"

"Pano di sasakit yan panay ang pag iyak tsk. Sige na, pumasok kana at bibilhin na kita ng gamot. Baka gusto mo pa magpabili ng fries na favorites mo?"

"Kung dika tamad sige."

Napangiti  siya ng marinig ang fries. Namis din niyang kumain niyon, pano ba naman busy sya masyado sa pag iyak. Papasok na sana siya ng boutique niya ng biglang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang ang kuya niya 'yun. Napansin naman niya si Geolk na umalis  na sa harapan  niya kaya sinundan niya lang ito ng tingin.

"Kuya napatawag ka?"

"Rish..."

Natigilan siya sa boses. Tinignan niya ulit ang cellphone  at ang numero naman ng kuya niya ang tumawag. Ano ba tong iniisip niya.

"It's me babe. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.."

Rinig  niya ang boses nitong napakalungkot. Hindi na siya pweding magpakarupok pa. Tama na. Nagdesisyon na nga siya eh. Ibababa na sana niya ang cellphone ng matanaw niya si Wreizz sa kabilang kanto kaya naman napaiwas siya ng tingin dito.

"Ano bang ginagawa mo at nasa iyo ang cellphone ni kuya?"

"I love you. Ayokong makasal sa kanya. Sagot mo lang ang mahalaga sakin ngayon."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"Kung mahal mo pa din ako hindi ko itutuloy ang kasal."

Napalingon siya sa gawi ng binata  at nakita niyang nakatitig lang ito ng diretso sa kanya. Wala itong pakialam sa paligid at naalarma naman siya ng bigla itong mag umpisang maglakad. Kumabog  ng sobrang lakas ang dibdib niya sa ginawa ng binata. Nakikita niyang Paroon  at parito  ang mga sasakyan.

"Wreizz ano ba! Tumingin ka sa dinadaanan mo!"

Natatarantang turan niya at dahil hindi nakikinig ang binata sa kanya ay nagkusa na lang siyang mabilis na naglakad palapit dito kaso saktong may parating na kotse sa gawi ni Wreizz kaya hindi niya alam pero mabilis na tumakbo siya at puwersahang tinulak sa kabilang kalsada si Wreizz bago niya naramdaman ang sobrang sakit ng katawan niyang bigla na lang tumilapon sa kung saan.  Masyadong mabilis ang pangyayari dahil in just a blink, nabangga siya ng kotse na para bang magic. Ang mahalaga sa kanya naligtas niya si Wreizz at ang tanging nag aalalang mukha ni Wreizz lang ang nakita ng mata niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Tbc

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now