CHAPTER 24

15 2 0
                                    

❝THE CHANCE'S❞
written by Leiwrites

CHAPTER 24

Napatakbo si Crisha ng makita ang mga kuya kuyahan niyang nag uumapaw sa kagwapuhan. Sobrang namis nya ito at dahil sa tatlong taon na lumipas ay ngayon nya lang nakita ang pagmumukha ng mga ito. Una unang nayakap nya ang kuya Neith niyang may hawak pang banner na may Welcome Back Bunso at dahil sa ginawang pagyakap niya dito ay medyo nagulat pa ito at inialis ang kamay sa pagkakayakap dito. Sina H, Creill at Chance naman ay agad na kinausap ang magulang niya samantalang si Aether ay panay usisa kay Evrio kung nasaan si bunso. Tawang tawa naman ang magulang nya sa expression ni Aether. Atat na atat itong makita sya kaya naman napacross arm siyang sinamaan ng tingin ang kuya Neith nya.

"Miss, fan ba kita?" Parang hindi sya nakikilala ng kuya Neith nya kaya sa Inis nya ay kinurot nya ito sa tenga. Napaaray naman ito at agad na nilapitan niya ang atat na atat na si Aether.

Hinawakan nya ito sa braso at parang natulala  naman sa kanya si Aether at sinabi agad na

"Alam kong gwapo ako miss, pero may asawa na ako kahit pa maganda ka hindi ako maakit, tumabi ka muna hinahanap ko pa ang bunso namin."

At dahil naiinis na sya ay kinurot nya din ito sa tenga kaya napaaray din ito at dahil sa lakas ng pagkakaaray nito, napatingin ang ibang kaibigan ng kuya niya sa kanya. Narinig niyang napamura ng malutong ang kuya H niya at agad na nilapitan sya. Habang ang iba'y napatulala pa.

"What the fuck, bunso is that really you? Dalagang dalaga kana talaga." Mabilis na hinila sya nito at niyakap ng sobrang higpit.

"Teka... si Crisha  ka ba?" Tanong ni Neith na hindi agad nakaget over sa kurot nya.

Magsasalita na sana sya ng mabilis na may humila sa kanya at mahigpit na niyakap, ang kuya Aether nya pala.

"Bunso namin bumalik kana buti na lang at taong tao kana ngayon, miss na miss ka ng napakagwapo mong kuya." Matapos sabihin ni Aether yun ay napataw na lang sya at nagsisimurahan ang iba pa niyang kuya bago sya nito pinakawalan at isa isa na ngang niyakap ang mga kuya kuyahan.  Natatawa sya sa reaksyon ng kuya Aether nya, kahit kailan talaga abnormal talaga. Naisisingit talaga ang kagwapuhan.

"Grabe tita, ano bang pinakain nyo kay bunso at naging taong tao na sya?" Nang aasar na tanong ni Aether ng nasa loob na sila ng Van.

Nagsisiksikan na lamang sila dun habang ang kuya Chance nya ang driver. Para daw tipid sa gasulina sabi ni Aether kapag sinundo sila. Napagitnaan sya ng mommy nya at ng kuya Aether nya.

"Ikaw talaga iho, kumain lang naman yan ng kanin kaya naging tao." Sakay naman ng mom nya sa kalokohan ng kuya Aether  nya.

"I never expected tita na ganyan pala ang magiging itsura ni bunso, pwedi ng ligawan kay gandang dilag." Pagpupuri ni Neith.

"Iho kung may manligaw sa prinsesa ko, dadaan muna sakin." Sabad ng daddy nya.

"Naku tito, pati samin dadaan din muna." Sagot agad ni Neith.

Kung ano anong pinag usapan nila hanggang sa dumating na sila ng Lock Village, nasurpresa pa silang mag anak ng may hinandang welcome party ang asawa ng kuya Chance nya at talaga namang sa mismong bahay pa ng kuya niya ginawa ang event. Nagkamustahan lang sila ng mga asawa ng kuya kuyahan niya hanggang sa naisipan na nilang kumain sabay sabay.

Kung ano anong topic na ang pinag usapan nila at ang hapunang yun ay punong puno ng kasiyahan. Sobrang saya niyang makita ang kaibigan ng mga kuya niya pero meron pa din talaga syang gustong makita. Matapos ang kainan nila ay nag excuse muna sya sa ate Cecaurus niyang magpapalit lang sya ng damit. Masyado pang mahaba ang gabi para sa party. Ang daddy at mommy niya ay sobrang tuwang tuwa sa presensya ng mga kaibigan ng kuya niya.

THE CHANCES (COMPLETED)Where stories live. Discover now