Chapter 51

25.1K 218 46
                                    

[a/n paki play yung song throughout the update *tears* ;(( ]

KRISTOF'S POV


"bye.." yan nalang yung nasabi ko ng pagkababa niya ng sasakyan. at unti unti lumakad papalayo sakin ang babeng pinakamamahal ko.

 Oo aaminin ko na masaya ako ngayong araw dahil nakasama ko siya. Pero magiging masaya nga ba kung alam kong baka huling beses na namin magkakasama ng ganon?

Bago ako umuwi sa bahay namin.. may taong kailangan pa akong maka usap. For the first time, I'll talk to him. And I will be asking a big favor.

Minsan pala totoo din na kung sino pa yung mga taong kinamumuhian mo..sila pa yung sa huli na pwedeng makatulong sayo.

Sa likod ng school, dito ko naisipang magkita kaming dalawa. Tahimik dito,walang masyadong nagpupunta dahil parang bangin na ito kung titignan.

"Kris." at pagkatapos naupo lang siya sa tabi ko at naghagis ng isang can ng beer.

"I dont drink.." ako

"I think you need that one. Parang alam ko na din ang dapat nating pag usapan."siya.

Naupo lang siya sa tabi ko. Ilang minuto ding tahimik lang kaming dalawa. Di ko din kasi alam kung saan ko sisimulan at paano.

"Mahal mo ba siya talaga?seryoso ka sa nararamdaman mo sa kanya?"panimula ko.

"Hindi ko gagawin ang lahat ng to kung hindi ko siya mahal.Im willing to do everything for her.Ikaw ba?mahal mo talaga siya?kasi sa nakikita ko hindi mo kayang i sacrifice ang lahat para sa kanya." siya.

"Wala kang alam..kaya wag kang magsalita ng tapos" ako.

"I know that there's something going on between the two of you even before I asked her to be my girlfriend. Im not numb, I know that she loves you so much." siya.

Halos mabitawan ko ang hawak ko nung marinig yun mula sa kanya. Alam niya?! Pero,paano?saan?.

Pinilit ko munang itago yung mga tanong na yun sa sarili ko,hindi na yun ang mahalaga sa ngayon.

"Alam mo naman pala pero pinipilit mo pa din ang sarili mo sa kanya?"

"Simply because I love her and yes I know Im too selfish for what I have done. Pero hindi ko yun pinagsisihan,kasi sa nakikita ko ngayon,alam kong mas kaya ko siyang protektahan kaysa sayo" 

Gusto kong magalit sa sarili ko. Tama naman siya,mas kaya niyang protektahan si Melody kysa sakin na hindi magawang i give up ang lahat.

"Pumayag ako kahit na alam kong napipilitan lang siya sa akin. Kahit na alam kong ikaw ang mahal niya at kahit na alam kong niloloko lang niya ako. Kahit isang reklamo,wala siyang narinig sakin. Kasi alam ko,wala naman akong karapatan magreklamo dahil unang una may mali ako. Ipinilit ko yung mali,pero ano bang magagawa ko? Mahal ko eh,kahit magmukha akong tanga,wala akong pakielam" siya.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon