DLMG [7]

18 1 0
                                    

Riella's POV

"Jieeeeeeeeeeeep! Wag ka na kasing aalis eh. Huhuhu." Hinila-hila pa yung damit ko sabay hagulgol. Alam nyo naman siguro kung sino yan diba? Ang babae bipolar na mas matanda naman sakin. Ayan nagwawala.


Nasa airport nga pala kami ngayon. Uuwi na kasi kami sa Pilipinas. Kaya ayan si ate Riella pasinghot-singhot pa kuno. Nakakahiya nga rin kasi pinagtitinginan kami dito. Para pa man din syang bata. Haaayy. Sanayan nalang talaga. Tutal magka-ugali kami. Kami lang talaga nagkakaintindihan. Haha


"Titoooooo! Titaaaaaa! Iwan nyo na po kasi si Riella eh. Huhuhu." At ang baliw nagmakaawa pa sa parents ko. Hahaha. Para namang may magagawa sya.


"Ano ba Riella. Babalik pa naman kami eh. Be, kausapin mo nga tong bestfriend mo at nang matigil sa kakangawa." Natatawang sabi ni daddy sakin. Grabe naman talaga tong si ate Riella oh. Di na nahiya.


Nilapitan ko naman agad sya. Sabay tingin nya sakin. Yung tingin na kaming dalawa lang nagkakaintindihan? Lumapit ako sa kanya sabay maluha-luhang umakap sa kanya.


"JIEEEEEEEEEP! Ayaw kitang iwan. Huhuhu. Pero pano na tayo pag di ako nagtrabaho? Pano na yung mga pangarap naten? Tiis-tiis nalang muna. Makaka-ahon din tayo. HUHUHU!" Takte. Nakakahiya man pero kailangan kong gawin to para makabawi man lang ako sa kanya. Grabe. Halos lahat yata ng tao ngayon dito sa airport nakatingin samin eh. Haayy. It's now or never.


"Pero ate, *huk* p-pano na *huk* ko pag w-wal*huk*a ka. Huhuhu." Sagot pa nya. Pfft. Iniisip siguro ng mga nakakakita samin, nababaliw na kami. Wala eh. Ganyan talaga kami. Masanay na kayo. Bwahahaha


"O tama na yan girls. Alis na tayo be. Baka malate pa tayo." Sabi naman ni daddy.


Tinigilan na naman namin ni ate Riella yung drama namen. Takte. Di ko na napigilan yung tawa ko.


"Hahahahaha"

"Hahahahaha"

Sabay pa talaga kami ni gf na tumawa kaya ayan, pinagtinginan na naman kami. Ang saya talaga pag yung bestfriend mo, mahal na mahal ka no? Na hanggang sa kalokohan suportado ka pa rin. Haha




Finally. Haayy. Nandito na rin kami sa Pilipinas. Pauwi na kami ngayon sa bahay. Back to princess life na naman ako. Nandyan na naman sina kuya eh. Hihi. Sabagay, ano nga ba naman ginagawa ko sa Korea? Ganun din pala.


Masaya naman nung pagdating namin sa bahay. Ang saya saya nila kuya nung nakita nila kami. Graduation kasi ni kuya Rem at Ren next week eh. Kaya nga umuwi kami, espesyal din yun para sa parents namin diba? So yun. Pag dating namin sa bahay nandun lahat ng mga tita at tito ko. Naging parang reunion na rin pala kasi halos kompleto kami ngayon. Pati pala yung mga kapatid ni mama na nasa ibang bansa din ay umuwi.


Magiging masaya din kaya yung buong vacation ko dito? Hm. Siguro.

Sana din, makita ko ulit si Kyle. Sana.


Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now