DLMG [24]

14 1 0
                                    

Riella's POV


After nila akong pagtulungan (dahil nakisali na rin sa asaran si yabwiset at pinipilit na bagay naman daw kami kaya okay lang), nagset na sila dito sa terrace. May lamesa sa gitna, may mga foods at alcoholic drinks na rin. Sila lang iinom. Ugh. Oo, umiinom ako minsan pero hanggang isang bote lang ako. Or minsan kalahati lang. Dahil mabilis akong malasing. Madaldal pa man din ako.


Oo nga pala, kasama namin si tita Janine. Ganito ang sitting arrangement.


Ako - Kyle - Tita Janine

|——————-|

|——————-|

Kuya Wilsen - Bam


Grabe lang, pagkalagay na pagkalagay ng mga drinks, naka-tatlong shots na agad si Bam. Lasengga ang baboy. Tss


Nung medyo tumagal tagal na yung inuman nila, nainip na ko ng unti-unti. Di kasi ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila. Feeling ko sabit ako. Ugh


Feeling ko din unti-unti na ring nalalasing si kurt. Nagiging clingy na eh. Namumula na rin yung mukha nya pati parang nang-aakit yung mga mata nya. Ugh. Ano ba to.


Nakakaakbay sya ngayon sakin. Kanina ko pa nga inaalis eh, kaso binabalik nya rin agad. Paulit-ulit kaming ganun, aalisin ko tapos ibabalik nya hanggang sa nagsawa ako at hinayaan ko nalang.


Ginulo-gulo ko ang buhok nya, tapos aayusin ko ulit tapos guguluhin ko na naman. Bigla kong pipisilin yung mga pisngi nyang mamula-mula na. Grabeeeee. Sobrang nakaka-inip.


"Inip na inip na asawa mo Kyle ah." Pang-asar na sabi ni tita Janine samin.


Bigla naman syang napatingin sakin. Nakadikit yung ilong nya sa pisngi ko at halos idikit nya na rin yung labi nya. Ugh. Tunog manyakis na yata ako.


Tumingin naman ako kay tita na parang nanghihingi ng tulong, pero tinawanan nya lang ako. Huhuhu T_T Wala na ba akong kakampi dito? Baka ako mismo ang mangrape dito sa lalaking to eh. Aish. Mababaliw na yata ako.


"Laro tayo ng truth or dare." Tinignan ko si kuya Wilsen and I mouthed 'thankyou'.


"Osige osige. Spin the botle tayo ah?" Pagsang-ayon naman ni tita at Bam. Si Kyle? Ay ewan. Masyadong nageenjoy sa balikat ko. Akala yata unan.


Si tita yung unang nagpaikot ng bote. Huminto yun sa tapat ni Bam. Nagdare sya at ang dare sa kanya? Gumulong-gulong sa tapat ng bahay. At dahil lasing sya, agad naman syang umoo at gumulong nga ang utu-uto. Grabe. Hahaha


Nagpatuloy yung truth or dare namin hanggang sa tumutok yun kay Kyle.


"Truth" Sabi nya agad kahit wala pang nagtatanong. Akala ko nga hindi nya napansin na sa kanya huminto yun eh.


"Ako magtatanong. Okay. Para sayo Kyle, anong pinagkaiba ng true love sa puppy love?" Diretsahang tanong ni tita Janine sa kanya.


"Puppy love, yung parang crush crush langn infatuation. True love naman, si Riella. Diba asawa ko?" Ang ayos ng sagot. Takte ang galing nyang pamulahin ang mukha ko sheeez.


"Kinikilig si Riella oh. Namumula yung buong mukha." Pang-aasar ni Bam sakin. Sabay taas baba pa ng kilay. Grabe lang. Ako nalang ba palagi?



Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now