DLMG [11]

18 1 0
                                    

Riella's POV

Nasa bahay ako ngayon. Sa kwarto actually. Nagsstalk na naman ako sa kanya. Sino? Sino pa na. Si Kyle. Haha.

Sikat na sikat na talaga sya. Dumoble pa yata simula nung umalis ako eh. Tss. Kamusta na kaya yung lalaking yun? Kailan ko kaya sya ulit makikita? Destiny? Sus. Choice lang talaga natin palagi lahat. Bakit ba natin iaasa yung buhay natin sa destiny at fate na yan? Tss. Kung gusto mong maging masaya, gumawa ka ng paraan. Kung ayaw sayo, its either magpupursige ka o titigilan mo. At kung mahal mo, ipaglaban mo. As simple as that. Diba?

Kyle Nathaniel Sanchez Garcia. May pag-asa nga ba talagang mapansin mo ko? Ako na si Riam Z Cortez. Isang freelance model-slash-dancer-slash-music lover-slash-kyle lover este mahal na mahal ka. Ugh. Nakakabaliw ka grabe. Anong nangyare at nagging ganito ako kaadik sayo? Parang kailan lang galit na galit ako sa kanya ah.

Anyare? Readers, hm. What do you think? Ginayuma ba ko? Sheez. Yung utak ko yata nahulog na naman. Sandali at pupulutin ko lang. Argh.

Naiinis ako. Naiinis ako kasi di ko alam kung anong nangyayari sakin. Naiinis ako kasi nagustuhan ko sya. Nagustuhan ko yung taong sa tingin ko never magkakagusto sakin. Naiinis ako kasi ang gulo-gulo. Kasalanan mo to Kurt eh. Masyado mong ginugulo isip, kaluluwa, esophagus, lungs at puso ko. Urgh.

Makatulog na nga lang. \(-_-)/

Naging maayos naman yung mga sunod ko pang months sa school. I've met new friends na hindi ko pa rin ganun kaclose. At wala rin akong planong makaclose sila. Tss. Sumali rin pala ako sa acoustic at performing arts club. Pati sana sa volleyball eh, kaso naalala ko yung mga kasama ko kung sakali. Tsk. Those plastic and stupid girls. Minsan ko na silang nakasama nung elementary. Kinalat nila sa buong school na nilalandi ko yung coach namin kaya nagkagulo sa team. With me, being an innocent and kind-hearted girl nung bata ako, nagquit ako ng varsity para lang hindi na ganun lumaki ang issue.

Masyado akong api dati no? Kaya di nyo rin ako masisisi eh. At lalong hindi-hindi rin ako magsisisi. Gusto ko yung kung ano ako ngayon. No one can hurt me. 'Cause I never trusted myself with anyone since.

Aaminin ko din, hindi ako inosente ngayon. Dati oo. Pero ngayon? Nah. Minulat ko yung mata ko sa real world since then. Kasi kung hindi? I'd still be the same pathetic used girl. Kaya okay na ko ngayon. Alam din ni ate Riella to. Sabi ko naman sa inyo, wala akong tinatago sa kanya. Kahit ano.

I had dated guys already. Different kind of guys. Pero hindi yun para mahanap ko yung right guy para sakin or dahil malungkot ako ganito ganyan. Hindi ako katulad ng ibang mga babae. Ginawa ko yun para malaman yung iba't ibang klase ng lalaki sa panahon ngayon. There are many kinds of them. May mga masyadong mabait (tulad ko nung bata ako), may mga masyadong mayabang, may mga bolero, may mga plastic, pacool at iba pa. Flings to tell it to you directly. But boyfriend? Nah. I believe si Kurt ang magiging first boyfriend ko. So yun. Since nalaman ko yung iba't ibang klase ng ugali ng mga lalaki, dun ko sila madaling nahandle. Why would I do that? To give them their own opinion on what they did to girls. Mga lalaki kase, karamihan na ng mga yan. Mga madadaling sumuko. Mga madadaling magsawa. I just hope Kurt is not one of them. Kasi kahit anong sabihin ko, alam ko na hindi lahat ng lalaki pare-parehas. May mga natitira pa rin na mga once in a blue moon lang makikita ng isang babae. Yung tipong pag nagseryoso sayo, mararamdaman mo talagang ikaw lang. Di ko kailangang maramdaman yan ngayon. Pero kung si Kyle ang magpaparamdam, aba. Edi go. ;)


Don't Let Me GoWhere stories live. Discover now