DLMG [5]

24 1 0
                                    

Simula nung makalaban ko sa basketball si yabwiset eh bwiset na bwiset na bwiset na bwiset talaga ako sa kanya. Woah. Di na nakakagulat di ba?

Nakita ko rin pala yung official page nya dahil wala pala talaga syang fb since palagi din naman daw nabablock pag gagawa sya. Oops. Di ako stalker nya ah? Ayoko nga maging katulad nung mga kaklase kong tanga na fan nya. Sus. Kung sanang mabubusog ako nyan eh.


Grabeeee. Inip na inip ako buong araw. Wala kasi sila kuya eh. May sari-sariling lakad. Kami ni mama lang nasa bahay.

"Di ka ba aalis ngayon bi?" Sabi ni mama sakin. Oh. Masanay na kayong be, bebe or bi yung tawag sakin sa bahay. Ako sanay na sanay na. Haha. Pano ba naman kase, simula bata ako yun na tawag nila sakin. Masyado kasi akong binebaby dito sa bahay namin eh. Bunso kase lalo na't only girl pa. Pero yae na. haha


"Good suggestion ma. Gagala lang ako sa park." Sabi ko kay mommy.

"O sige. Ingat ka ha." Sabi naman nya. Naks. Walang baon? hihi

"Sige po."


Dumiretso naman ako sa park. Madaming naglalarong bata. Umupo nalang ako sa bench. Mas okay na naman to kesa maagnas ako sa bahay. Kidding.


Habang nagmumuni-muni ako, may nakita akong dumating na lalaki sa playground. Sinalubong naman sya ng mga bata dun na parang sobrang saya nila na makita yung lalaki. Di ko makita yung mukha nung lalaki, masyado kasing malabo mata ko eh. Mataas grado ng mata ko kaso ayaw akong bilhan ng salamin dahil di sila naniniwalang malabo talaga mata ko. Gulo no? Kaya nyo na yan. So back to the story. Nakita ko na talagang nakipaglaro pa yung lalaki sa mga bata. Ang saya nila tignan. Minsan nalang yung mga lalaking ganyan ah. Sa panahon kasi ngayon na sabi nga ng mga matatanda 'generation z' yung mga lalaki ngayon eh mga baliw sa video games okaya sports, okaya pambababae. I agree.


Pero sa nakikita ko ngayon, parang hindi naman lahat. Kasi meron pang natira na naturuan ng maayos. Chos. Pero seryoso. Nakakaturn-on sa lalaki yung mahilig sa mga bata di ba?


Habang pinagmamasdan ko sila, napansin kong umiiyak yung isang batang babae. Nadapa yata o ano. Sinusubukan naman syang patahanin ng mga kalaro nya pero ayaw nya. Dumating naman yung lalaki na binuhat sya. Maya-maya din tumatawa na ulit yung batang babae dahil iniikot-ikot sya nung lalaki. Di ko napansin na napalapit pala sila sakin. Dun ko lang nakita yung mukha nung mabait na lalaki na nakikipaglaro sa mga bata.


Kaaaaaaaaayl?!




Sh*t. Buti nalang sa isip ko lang nasigaw yun. Ugh. Buti nalang din di sya napatingin dito. Argh.


So mahilig pala sya sa bata? Tss. Infairness, di halata ah. Hahaha


Tinignan ko ulit sila. Sobrang carefree ng aura nya ngayon. Parang ang sarap nya titigan. Yung tipong kapag ngumiti sya, parang nakakagaan ng loob? Ay ewan. Ang hirap i-explain. Basta yung nakikita kong Kurt ngayon parang iba sa nakita at nakalaro ko last time.


Ano ba to. Nahahawa na rin yata ako kina Kristel, Monica at Jake. Haayy. Maka-uwi na nga.


Hm. Kyle Nathaniel Sanchez Garcia. Why are you so mysterious to me?


Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon