DLMG [16]

20 1 0
                                    

Sumama ako.

Pano hinde? Alangan magpakaloner ako sa bahay. Walang tao sa bahay. Si mama pumunta sa bestfriend nya. Si daddy? Bumalik na sya sa Korea. Matagal na. Yung tatlo kong kuya, hm. Si kuya Ric at Rem, nasa Cebu. Ojt ni kuya Rem, si kuya Ric naman nagtatrabaho as Engineer. Si kuya Ren, ayun photoshoot na naman. So, no choice diba? Ayoko nga mag-isa sa bahay. Ugh.

Nasa kanto ako ng bahay ni Bam. Papunta na daw sila ng mga kaibigan nya.

Nays. One of the boys talaga sya kahit kailan. Mga barkada nya halos lalaki. Hm.

May kasama syang dalawang lalaki, yung isa nakabalot ng twalya yung katawan. Mainit kasi eh, maputi pa man din to. Si kuya Wilsen yung isang lalaki. Mabait yan, hehe. Nakilala ko sya sa mall guesting nina Laimer noon. Na guest din pala si Kyle. Ugh. Di alam nila Laimer na kilala ko si Kyle, since di na rin naman nya ako kilala, right? Yun. Di ko alam na kasama pala si Kyle sa guesting nila. Pinilit lang kasi ako ni Laimer na pumunta eh. Ewan ko sa kanya. Nakasama ko rin si kuya Wilsen noon, masaya naman sya kasama.

Balik tayo sa story. Haha

So yun, nadescribe ko na rin ba sa inyo si Bam? Hm. Mas matangkad sya sakin ng konti, medyo may katabaan din. Short hair, medyo malaki yung mata, medyo makapal yung labi nya, pimples all over her face.  Yep.

"Sorry kanina wale ah? Puyat din kasi kami kagabi eh. Anong oras na kami nagising grabeee." Ako pa magaadjust? Nah.

"Kuya Wilseeeeeeen!" Tawag ko sa kanya. Ngiting-ngiti naman sya. Aba. Good mood ah. Hahaha

"Sisihin mo si Kyle, Riella. Ang batugan nya. Haha" Sht. Kyle?

"Anong ako? Sisihin nyo si Bam. Aba, di rin naman kayo agad nagising ah?" Fck. Ngayon ko lang nakita. Si Kurt pala yung nakataklob ng twalya. Urgh. Sht. Sht. Sht.

"Ako na. Sige na. Tara na nga." Sabi ni Bam. Medyo malayo pa pala yung lalakarin namin. Buti nalang may paying ako. Tss

Nagulat ako nung bigla namang hinablot ni Kyle yung payong. Ugh. The same arrogant guy. Tsk. Kunwari pang pinapayungan ako, hinahabol ko sya eh. Ang bilis ng lakad. Tsk.

"Hoy  Kyle ! Ang feeling close mo no?" Oo nga. Tsk.

"Wale! Kyle  nga pala. Di mo sya kilala diba? Bagay kayo. Hihihi" Bagay? Kung sigurong yung dati pa to, kinilig-kilig na ko ngayon eh. Baka nga naglulupasay pa ko sa sahig. Ugh.

"Tsk. Syempre bagay kame. Gwapo ako, maganda sya. ;)" Ang yabaaaaaang. Alam kong maganda ako. Pero ikaw gwapo? Tss.

Pero aaminin ko. Nagmatured sya lalo tignan. Maputi pa rin sya, may kulay yung buhok nya, pula. Singkit pa rin, the same old guy I had been in love with.


Don't Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon