Chapter 24 ~Intruder

96 34 4
                                    

[ LAINERRY ESCAMILLA ]

Four months after my accident. Jourem was busy for his business tour or meetings or whatever, wala akong pakialam sa kanya o sa mga pinag-gagawa niya dahil ganoon na rin naman siya sa akin. We have different lifestyle though nakatira kami sa iisang bubong. I know he's busy pursuing his first love that supposed to be his bestfriend. I still remember it. At naaawa ako sa kanya. Our life are both complicated kaya hinahayaan na lang namin ang isa't-isa. Bibihira na rin siya umuwi sa bahay. Ngayon ko narealize na halos isa or tatlong beses  sa isang buwan na lang siya natutulog sa bahay. Parang may kakaibang nagbago na hindi ko maipaliwanag.

Kahit ang sarili ko ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Siguro dahil ito sa aksidente ko. Hindi ko alam ang nangyari noong mga oras na tulog ako. Pero sure naman ako na hindi ako pinabayaan ng parents ko dahil mahal nila ako at kawalan ako sa kanila. Malaking kawalan ako sa kompanya.

And there's something about my Dad. He change. He'll never ask where I am or what I'm doing with Jourem. It seems wala na rin siyang pakialam sa akin. Hindi na siya nagbabanggit tungkol sa kasal namin ni Jourem. Maybe, they're just busy kaya wala silang oras para sa bagay na iyon. Sigurado magugulat na lang ako soon dahil may pinaplano na naman sila. And I'm not scared anymore dahil may alas ako about Jourem at iyon ang gagamitin ko para hindi matuloy ang plano nila.

It's almost twilight. My sleepy eyes made my feet walking too fast reaching my room specifically my bed. I want to lay down, hugging my pilows and do nothing. Just sleep.

When I entered my room. Pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin. Or maybe guni-guni ko lang at minsan talaga nangyayari ang ganoon na may biglang dadaan na pamilyar na amoy tas may maalala kang tao or lugar or pangyayari. And it was happen to me now. It's impossible if he's here. My clandestine love affair. Or maybe one sided love na lang dahil nakalimutan niya na ako.

That smell was him pero imposible dahil ilang taon na siyang walang paramdam sa akin. Guni-guni ko lang iyon. Pero nang tuluyan na akong nakapasok at isinara ko na ang pinto I was surprised ng mahagip ng gilid ng mata ko ang isang imahe sa sulok ng aking kwarto. Ramdam ko na may tao doon pero hindi ko expect na si Matthias iyon. At siya nga. Biglang nagkamalay at bumilis ang tibok ng puso ko na kanina lang halos maglupasay na sa lungkot at mamatay na.

"Why are you.. here!?." Nagulat ako. God! It's almost six years tapos sa ganitong paraan kami magkikita muli? I'm not expecting it yet not ready.

"You're sneaking in my house.?." I asked. He smiled sweetly on me habang iginagala niya ang mata niya sa kabuuan ng kwarto ko. He is different now, physically but his smile and smell was still the same. Also the way he looks at me was never change. He is Matthias but in a matured looks. His arms was huge, he is wearing blue shirts kaya hindi ko makita ang puso niya kung ako pa ba ang tinitibok nito. Tumangkad siya at mukhang naging makisig ang tindig. I'm sure naging busy siya sa trabaho dahil napabayaan niya na ang makinis na mukha niya pero he still my handsome Matthias. He's just smiling at me.

"Wanted ka dito.. Baka may makakita sayo." Sabay iniladlad ko ang gold na kurtina sa bintana, baka may makakita sa kanya. Kakilala pa naman ni Daddy ang pumalit na guard dito sa subdivision. Hindi ba siya natatakot na madatnan siya.

"You said long time ago I'm always welcome to your life..?." Nakapatong ang siko niya sa katabing kabinet.

"I said life not house, not room. Baka mapahamak ka sa pinaggagawa mo." Kalmadong sabi ko but my heart was about to jump and hug him but I'm calming my self. For God sake. It's long six years! Tapos dito pa siya magpapakita sa kwarto ko. Just calm Lainerry dapat galit ka sa kanya dahil tiniis ka niya ng mahabang panahon. Pero bakit parang walang poot o galit sa puso ko.  'Ganoon mo siya kamahal Lainerry' my mind says.

"So this is you now, inside your room." At pangiti-ngiti pa siya na sinisipat ang mga bagay na magulo sa loob ng kwarto ko. Pati sa higaan ko. Hindi pa naman ako naglinis kanina. Well, hindi lang kanina. Ayoko talaga maglinis dahil wala na akong oras at masyado na akong tinatamad sa buhay. Nagkalat ang books, papers, tissue, my clothes, undies. Sobrang kalat at sobrang gulo. Kaya inaabot ko ang mata niya para takpan ng palad ko, pero hindi ko maabot dahil hinahawakan niya ako. He's taller than me dati pero tumangkad pa siya ng konte --hanggang shoulder na lang ako. Natatawa siya sa ginagawa ko. I saw his cute mole again na isa sa mga dahilan kung bakit nasilaw ang puso ko. I miss him. I miss his dark eyes, unruly hair, ang simple niyang mukha and his pointed nose at ang kayumangging kutis na bagay sa royal blue niyang shirt. She's manly now.

"Nahihiya ka? Don't be shy baby.. It's okay. Hindi mababago ang nararamdaman ko para sayo kahit pa ipakita mo man sa akin lahat ng worst side mo." He said while smiling. Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ulit ang boses niya. Siguro dahil nagsasawa na rin ako na palagi na lang mag-isa araw-araw. And I miss him so much kaya nagbago agad ang mood ko. Ganoon ko siya gustong makita at makasama.

"Kainis.. If you were him, perfect na sana.." I whispered then he slowly grab my arms and hug me. Nasa sulok pa rin siya ng kwarto ko nakatayo doon. He's hugging me tight at sumandal pa siya sa pader while saying.

"I miss you Lainerry." He says. Then gave me a smack but deepen kiss. At tuluyan ng natunaw ang kalungkutan sa puso ko. Again, I'm in his arms so I feel safe and comfy. Akala ko hindi ko na siya makikita. That accident when I'm in  hospital bed. I'm in delirious about his presence. I heard him talking beside me. Pero sigurado guni-guni ko lang iyon.

"I'm back. Finally, I'm ready to fight for us. If you still need me 'dito na ako. Kung gusto mo nang kausap I'm ready to listen. You can borrow me anytime Laine.." Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. I miss him that much. Ramdam ko pa rin ang pagmamahal at respito niya sa akin. And what does he mean na hihiramin ko siya? Bakit? May nagmamay-ari na ba sa kanya?

"I know." I sighed with hesitant. "Sige na alis ka na. Baka maabutan ka pa ni Jourem." Tinutulak ko na siya palabas ng pinto. Hindi ito tama. Ayoko lang na hiramin siya. He's mine.

"No I won't. I want to stay with you. Kaalis niya lang diba? At two weeks siyang mawawala." Malungkot ang mga mata niya na kanina lang ay nagniningning.

It's because any moment magigising kami sa realidad. Nakatali na ako at hindi ko magawang suwayin ang parents ko dahil ibinibigay nila ang kailangan ko at naging mabuti silang magulang para sa akin at hindi ko alam kong ako pa ba ang nasa puso niya.

"Don't live life in such a difficult way Laine. Give yourself a break." Sumandig lang siya sa nakasarang pinto habang pinagmamasdan ako. Umatras ako until I reached the edge of my bed then I hardly sat.

"Your life became easier pag ako na lang ang inisip mo. Soon I will kidnap you here and take you home." He said with serious tone.

"This is my home Matt." I heavily sighed. Lumapit siya sa kama ko at walang atubiling nahiga. Umiwas ako.

"Come here. I will be your pillow. This is what we used to do since when you're not feeling well. C'mon Laine.. I'll make you sleep." I lay down beside him while staring him and his arm was my pillow. Parang baliktad ata. Siya iyong inaalagaan ko dati.

"I miss this baby." He muttered. Then he kiss my forehead, tiningala ko siya and I kiss back but on his lips. I don't care if he still love me or not. I want him to know that he still have me, na siya pa rin ang mahal ko.

"Stop it. That's not what I wanted." Nakangiti siya habang sinasabi iyon sa akin. "You need me that's why I'm here. Now, calm yourself and go to sleep." I pout my lips habang natatawa siya. Nahiga ako ng ayos habang nakayakap sa kanya. After a decades our feelings still the same. Our love never change.

Z

Fall To Stranger CS3 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now