Chapter 23 ~Unconscious

105 45 6
                                    


[ MATTHIAS ARIAGON ]

"I'm.. I'm sorry po. I sneak here. I just.. I just want to see her and I'm about to leave.. Pasensya na po." Nakayuko ako habang sinasabi ko iyon. Hindi ako ready na makaharap siya at maliitin ulit ako like before. Like before when I'm in third year college and deeply in love with his daughter.

"Stay with her." Mahinahon na sabi niya at sabay talikod sa akin saka lumabas ng kwarto. Napatitig ako kay Lainerry habang may sumisilay na ngiti sa mga labi ko but still worried about her condition.

I'm smiling while dialing my phone and called someone.

"Pare. After six years ngayon lang ako sa'yo hihingi ng favor." I called to Kairos na hindi agad makuha ang ibig ko sabihin. Kahit ako hindi ko agad masabi sa kanya eh.

"Pare, okay ka lang ba?." I told him na nasa hospital ako. Medical City. Kahit ang floor at room number ay nasabi ko na sa kanya. "What's happening bro?!." He added.

"Please bring me a clothes. Maybe, uhhmm it's good for one week. I need to stay here. Someone as precious as diamond was lying in patient bed." Hindi ko masabi na si Lainerry iyon dahil ayoko rin na mag-alala sila.

"Okay. Okay. I got it." I heard Kairos sighed and doubting.

"Uh please. Huwag mo sabihin sa tropa. Ikaw lang nakakaalam nito. Okay?." I warned him.

"Okay!." He agreed at tsaka ko pinatay ang tawag. Hindi pala ako nagbilin ng pagkain. Pero okay lang. Oorder na lang ako later dahil maaga pa naman for dinner.

Hours had passed. Nakatitig lang ako sa mukha ng taong pinakamamahal ko. I prayed for her na magising na agad siya at malaman niya na andito lang ako sa tabi niya. Hindi ko na siya iiwan kahit kailan. Hindi na ako lalayo sa kanya. Nagsisisi ako na hinayaan ko siyang mawala sa paningin ko ng mga oras na iyon. Siguro kung ipinaglaban ko siya agad ay hindi humantong sa ganito. Hindi sana siya nakahiga ngayon na walang malay. Nakakalingkot na sa ganitong paraan kami magkikita pagkalipas ng mahabang panahon.

Sana pala nilapitan ko na siya noong nasa Palawan pa kami. Sana hindi ganito ang nangayari. Sana nakakausap ko siya. Oh my God. I really miss her. I want to hug her pero natatakot akong magalaw ang oxygen na nakakabit sa kanya. I'm afraid na tuluyan niya na akong iwanan. Ingat na ingat akong gumalaw na kahit ang paghinga ko ay pinipigilan ko para hindi maistorbo ang pagtulog niya. Pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi siya dampihan ng halik sa noo at hawakan ng mahigpit ang palad niya.

"Hindi na ako aalis sa tabi mo Laine.." Para akong baliw na nagsasalita mag-isa. Well, talagang mababaliw ako kapag may nangyari sa kanya na hindi ko magustuhan. Ilang oras na ang nakalipas wala pa rin si Kairos. Nakadalawang balik na rin ang doctor ni Lainerry na may nakabuntot na nurse. Sa una nagtaka sila kung bakit iba na ang babtay ni Lainerry at nakita ko'ng may sinagot na tawag. Hindi na nagtanong sa akin kung sino ako. Maybe her dad called her doctor.

It's almost 7 o'clock in the evening. Nagugutom na ako wala pa rin si Kairos kaya napagpasyahan ko na lang mag-order ng pagkain sa malapit na restaurant lang or fast food chain. I already ordered food when I heard a small knock on a door. Siguro 'yong doctor na naman ni Lainerry kaya hinintay ko na lang na pumasok.

I'm busy on my phone creating message for Kairos when the door opened. Iniluwa si Kairos. Then I closed my phone at sinalubong siya na may bitbit na...

"What's that!? Maleta?." Nagulat ako sa dala niya dahil nakilala ko ang medium size na maleta ko.

"And who's that?." Mahinang sabi nang boses niya. Hindi pa siya nakakapasok sa kwarto. Natulala siya sa babaeng nasa higaan. Pero mas nagulat ako ng may tumulak ng pinto. Isang tao. No tatlo. I saw Jeffrey, Andrew and Shaun standing outside with curious faces na nakikisilip sa likod ni Kairos.

"Tsismoso." I mumbled at natauhan si Kairos. Inilang hakbang niya lang papunta kay Lainerry. Tahimik naman na sumunod ang tatlo ko pa'ng kaibigan.

"Why are you? Why are you suddenly here with that girl?.. Is she Lainerry.. Pare???." Si Shaun ang may lakas na magtanong. Speechless si Kairos dahil nakilala niya naman agad si Lainerry.

"What happen?! Anong ginawa mo sa kanya Matthias?!." Mahina ngunit madiin ang boses ni Andrew. I sigh heavily. Napunta sa akin ang atensyon nila. Hindi rin sila mapakali ng mapagsino ang nakahiga at walang malay na babae. Si Jeffrey pumunta sa paanan ni Lainerry at itinukod ang dalawang kamay. Si Andrew lumapit sa bintana at sumandig doon. Nanatili naman nakatayo sa gilid ni Lainerry sila Kairos at Shaun. At ako nakatayo sa may pinto habang hinihila ang maleta na dala-dala ni Kairos.

"What happen?." Ulit ni Andrew.

"Accident. Car accident." I replied directly. Lingon sila lahat sa akin. Kaya kailangan ko na magkwento.

"Okay. Okay. Mas okay na iyong nandito kayo lahat para hindi na paulit-ulit. Pero, Kairos. Pare. Sabi ko huwag mo muna sasabihin sa kanila eh." Baling ko kay Kairos na walang balak magpaliwanag. Alam ko nasa utak niya kaya understandable naman.

"Nadatnan ko rin siya na ganyan na. Hinanap ko siya ng ilang araw at hindi ko mahagilap. Kaya nagpunta na ako sa building nila para magtanong at nalaman ko na naaksidente siya." I explain. Kahit ako hindi ko rin alam ang totoong nangyari talaga eh. Basta na lang ako napadpad sa tabi niya.

"How about his.. uhhh okay. Hindi na muna magtatanong. Her family allow you to stay here? Tapos nagpadala ka pa ng mga damit mo. So, walang magbabantay sa kanya. Anong drama mo Matthias?." It's Shaun. Matalino sila kaya kahit hindi ako umimik ay gets nila ang nangyayari.

"Her.. Dad told me to stay with her." I proudly say.

"Wow. Baka may binili lang tapos babalik rin naman mamaya nagpadala ka na ng maleta." Pang-aasar ni Jeffrey. Tiningnan ko naman ng masama si Kairos. Sabi ng good for 1 week lang. Hinakot na lahat ng damit ko.

"Okay lang ba siya?." It's Andrew. Halata namang nag-aalala tin sila. Doble nga lang sa akin.

"Yes. She's okay. Lumalaban naman siya." I answered doubtless.

"Good to hear. Dahil may naghihintay sa kanya." It's Shaun. "Anyway. Mapapagalitan na tayo. Tapos na ang pakiusap natin na ilang minuto lang tayo dito." Shaun added at doon ko rin lang napagtanto na hindi na nga pala visitor time. Sigurado dinaan na naman nila sa karisma ang mga guard sa baba.

"Tara na. Tara na. Balik na lang tayo bukas." Pagyayaya ni Andrew at talagang may balak silang bumalik.

"Bye, Miss Laine. Pagaling ka. Para sa kaibigan namin." Si Shaun naman na nagwave pa kay Lainerry. As if magreresponse ito sa kanya. "We miss you Lainerry." He added.

"Ingatan mo siya Matthias. Umayos ka." Jeffrey warn me with smile. Mga baliw talaga. Isa-isa na silang lumabas sa kwarto. I'm about to close the door when someone push it. Akala ko isa sa mga kaibigan ko. Baka may naiwan. 'Yong foods ko pala na inorder. Sayang hindi na nila nahintay. Isang bucket ng chicken from Jollibee pa naman ang inorder ko. Mas okay na rin para hindi ako magutom at hindi na ako lalabas para bumili ng makakain.

"Hindi ko na hahayaan na mag-isa ka lang baby. Hinding-hindi na. Aayusin ko na ang nasimulan natin noon." Nalaglag ulit ang mga luha ko. Awang-awa ako sa kalagayan ng pinakamamahal ko. Bakit kailangan pa mangyari ang ganito? Bakit humantong sa ganito ang lahat. Bakit ngayon lang kase ako nagkaroon lakas ng loob para hanapin siya? Bakit parang sinasadya ng pagkakataon ang lahat. Alam ko hindi pa naman huli ang lahat. Alam ko magigising siya at aayusin ko ang lahat ng dapat ayusin. Magiging matapang na akong harapin ang bukas para sa kanya na dapat pala noon ko pa ginawa dahil hindi naman inalagaan ng tama si Lainerry ng lalaking iyon.

Pinabayaan niya na magdrive mag-isa ang fiancee niya or ang asawa niya. Huwag lang siya magpapakita sa akin dahil hindi ko alam kung anong kaya ko'ng gawin para sa babaeng mahal ko. Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Lainerry. Kahit ang mga magulang ni Lainerry ay umiiwas rin na pag-usapan kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Hindi malinaw sa akin ang lahat. Tanging mga tauhan lang nila ang nakausap ko. Hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit naaksidente si Lainerry.


Z




Fall To Stranger CS3 ( COMPLETED )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora