Chapter 13 ~she's aggressive

115 50 2
                                    



[ MATTHIAS ARIAGON ]


"I love you too, Baby and I'm craving you all night and day."


That girl! Buti na lang wala siya sa harapan ko. What does she mean na craving? Whooah bigla naman nanayo ang balahibo ko sa sinasabi niya. Pero ignore ko lang dahil nagrereview rin ako at madaming projects ang kailangan ko pang tapusin. Kapag natapos na ang lahat nang ito saka ko siya sisingilin. Dami niya nang utang sa akin. I'm just joking. Haha.

Finally after nang finals ay nagkaroon ulit kami nang oras. Her parents went to Zamboangga kaya ako ang kasama niya araw-araw. Kuya Noel told me about last night na kailangan mag-aral ni Lainerry magdrive nang sasakyan kaya suggest ko kay Kuya Noel na ako na lang magtuturo sa kanya dahil marunong naman ako kahit wala akong sariling kotse. Minsan pumapalit rin ako kila Shaun magdrive sa tuwing may pinupuntahan kaming malayo.

"They bought you a house?." Hindi ako makapaniwala sa kwento ni Lainerry habang tinuturuan ko siyang magdrive sa loob ng subdivision nila. Kaya pala wala siya sa sarili nang mga nakaraang buwan dahil iyon ang nasa isip niya.

"Anong problema? Bakit ayaw mo?". Alam ko naman ang pinupunto niya pero naisipan ko pa ring sabihin iyon.

"Hayys. Hindi ko alam anong binabalak nila. Nakakatakot kapag ganito ang mga kilos nila eh. Alam kong may susunod pa dito." Pagmamaktol ni Lainerry.

"Negative naman nito. Pasalamat ka na lang dahil may sarili ka nang bahay. Astig nga iyon eh. Walang makikialam ng buhay mo." I try to cheer her pero nakakalungkot rin naman talaga ang mag-isa sa bahay at sa buhay.

"Hey. Slowly. 20 lang dapat ang speed mo." Nagulat ako nang biglang bumilis ang pagmamaneho niya nang sasakyan. Nagbago na naman ang mood niya dahil sa pinag-uusapan namin.

"Careful, Laine." Hindi naman siya mahirap turuan. Alam niya na rin naman ang mga parts ng sasakyan eh at kung paano i-maneuver ito. Kaya dalawang linggo lang ay kampante na akong nakaupo sa shotgun sit habang nagdadrive siya. Without seat belt pa.

"Magseat-belt ka. Labas tayo." Saad nang girlfriend ko na mukhang may naisipan biglang puntahan.

"Hala. Date ba toh? Kita mo naman oh nakapang-bahay lang ako." Inirapan niya ako dahil ganoon rin naman siya naka-jogger lang at crop-top na kanina ko pa pinagsasabiha na magpalit dahil kitang kita ang pusod na nakakawala ng tino sa isip ko. Hindi siya nagpapigil porket marunong na siya magdrive. Galing marikina nagmaneho siya papunta sa direksyon ng bahay namin. Tiningnan ko siya pero tahimik lang siya nagmamaneho at pangiti-ngiti pa. Akala ko hahatid niya ako dahil hapon na rin naman noon pero nilampasan niya ang crossing papunta sa bahay at tuloy-tuloy hanggang sa nakarating kami ng Sta. Lucia Mall.

"Nakakangalay. Ikaw muna." Napangiti ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan para makipagpalit sa akin.

"Ngalay. Kunwari pa e. Natatakot ka lang magpark. Haha." Pang-aasar ko dahil totoo naman. Ilang beses niya nabundol ang poste ng parking area. Hindi pa siya masyado magaling magpark kaya ako na ang nagdrive.

After namin magpark ay sumakay na lang kami ng elevator para sa taas na foodcourt kumain dahil masyadong matao sa baba.

"Saglit. Wala akong wallet na dala." Naalarma ako habang kinakapa ang bulsa ko.

"Nahulog sa sasakyan. Maya mo na kunin." Sabi ni Lainerry habang nakapulupot sa braso ko at pangiti-ngiti sa akin. Tsaka naman bumukas ang elevator, hinila niya ako papunta sa foodcourt at isa-isang tiningnan ang mga food stalls.

"Gusto ko itry ang sisig dito. Sabi nila Mairi ay masarap daw. Ikaw? Ano gusto mo rice ka din ba?." Tanong sa akin ng maganda kong girlfriend.

"Hindi ako rice pero ikaw ang gusto ko." Bulong ko sa kanya at siniko niya ang tagiliran ko.

Fall To Stranger CS3 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now