Love # 09: Beware

408 8 0
                                    

[STACIE JAIDE YOUNG'S POV]

Another week passed by at ngayon ay magsisimula na ang midterm exams namin.. Every semester eh may dalawa kaming major exams.. the MIDTERM EXAMS and the FINAL EXAMS..

Malapit ng mag-start and first class kaya dumaan na agad ako sa may locker ko to get some of my things na gagamitin mamaya..

Pabalik na ako sa room ng maramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa akin mula sa likuran..

"Bitawa—"

"One.." narinig kong sabi n'ya kaya natigilan ako..

Tss.. Hinayaan ko lang s'yang magbilang..

"Two.. Three.. Four.." ewan ko.. isang linggo n'ya 'tong ginagawa sa akin at medyo nasasanay na din ako.. naaasar nga ako kung minsan eh..

"Five.. Six.. Seven.. Eight.. Nine.. Nine.. Nine.. Nine.. Nine.." katulad n'yan.. dinadaya..

"Ten.. Bitaw!"sabi ko at bumitaw naman s'ya.. "Akala ko ba ako ang bibilang?" sabi ko sa kanya..

"Madaya ka minsan eh.. Kasunod ng one mo ay eight.." sabi nito at ngumiti sa akin.. nagsalita ang hindi madaya -__- "I'll see you later.." at ginulo n'ya ang buhok ko..

Tsk.. Naglakad na din s'ya papunta sa classroom n'ya at naglakad na ako papunta sa room..

Pumasok ako sa room at umupo sa tabi ni kuya na busy sa pagbabasa.. mabuting estudyante eh.. kaya nga presidente ng student council.. 

"Stacie.." tawag ni kuya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.. 

"May nagpapa-abot.." sabi n'ya at iniabot n'ya sa akin ang isang papel..

I opened the paper kasi nakafold 'to into half..

        Beware, princess..

        XOXO 

Nanaman? Sino bang nagbibigay nitong mga sulat.. Hindi ko naman maintindihan..

Siningit ko na lang sa libro ko yung papel at naghanda na para sa klase..

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

"Grabe.. nalula ako sa exam.." reklamo ni Ria habang nandito kami sa may field..

Nandito kami para magpahingin.. katulad ng sabi ni Ria.. nakakalula yung exam..

Well, okay lang naman para sa akin kasi pinag-aralan ko naman pero di pa rin maiiwasan na di maging sigurado kasi syempre mahirap nga talaga yung exam..

Naka-upo lang kami sa may bench at nagpapahinga ng konti bago magsimulang mag-aral muli..

"Nakakagutom.." sabi ni Ria..

"May dala akong pagka—" naputol yung sasabihin ko ng mapansin kong di ko pala nadala yung lunchbox ko..

Pag exam week kasi pinapadalhan kami ni mommy ng pagkain na s'ya mismo ang nagluto.. favorite ko lahat ng luto ni mommy, ang galing kasi n'ya.. I mean, titingnan n'ya lang minsan kung paano lutuin yung pagkain tapos kaya na n'yang gawin.. she's really amazing..

Ayun nga, pinapadalhan n'ya kami ng pagkain para in case kailangan talaga naming mag-aral eh makakakain pa din kami..

"Stacie?" tawag ni Ria sa akin..

"Nakalimutan ko pala.. iniwan ko muna sa locker para di masyadong mabigat yung dala ko.." sabi ko sa kanya.. "Kunin ko muna ha.." sabi ko at tumayo para pumunta sa building kung nasaan yung mga lockers.

A Taste of Love [YWFF Book 2 - Stacie's Story]Where stories live. Discover now