Ito Na Naman Tayo- 23rd April

3 0 0
                                    


Ito na naman tayo

Para bang walang masasabi ang mundo

Para bang hindi na mapigilan ang bumubugso

Para bang hindi natin alam na mali ito

Pilit bumabalik sa isa't isa

Pero kapag nariyan na

Wala tayong napapala

Kundi sakit sa puso at gabi-gabing luha.


Ito na naman tayo

Hindi ka pa ba nagsasawa?

Hindi ka pa ba nagsasawang masaktan?

Hindi ka pa ba nagsasawang saktan ako?

Hindi ka pa ba nagsasawa sa katotohanang hanggang dito lang tayo?


Ito na naman tayo

Bakit kailangan mong magpakita muli ng mga motibo?

Lahat ng salitang lumalabas sa iyong bibig ay para bang pakiramdam ng tubig na tumutulo

Sa aking katawang naghihintay at nananatiling nakareserba hanggang sa dulo

Alam na alam mo kung anong gagawin para bumalik ako, para bumalik tayo

Pero alam na alam ko na ngayon kung anong gagawin para hindi na ulit mahulog

Sa bitag ng pambihirang pagmamahal at alaga mong pagdating sa dulo ay pananakit mo

Natuto na ako, kailangan mo na lang ulit pagtrabahuhan nang doble kung anong maibibigay ko.

Cards and StarsWhere stories live. Discover now