CHAPTER XLII

1K 48 12
                                    

Kinagabihan ay nakarating na rin si Mickenzie sa isang resort na siyang nakalagay na lugar sa imbitasyon na binigay ni Gail sa kaniya.

Agad naman nakilala ng mga tauhan ni Cloie ang tenyente kaya ang ilan bodyguard na nito ang siyang sumama sa tenyente kung nasaan ang kanilang amo.

"Okay na ako rito, salamat" Usap ni Mickenzie sa isang bodyguard ni Cloie kaya napatango na lang naman ito bago tuluyan iwan ang tenyente mag isa.

"Pasensya na, ito lang ang kayang kong gawin para mabawasan kahit papaano yang sakit na nararamdaman mo" Biglang usap ng tenyente sa kaibigan architect ng takpan nito ang mga mata ng kaibigan.

Sa lahat ng imbitado ay tanging si Mickenzie ang bukod tanging huling nakarating sa resort kung saan ang siyang lugar na nakalagay doon sa imbitasyon.

Kaya ang pangyayaring naabutan niya ay ang pangyayaring inaasahan na niyang mangyayari.

Ang makita ang kapatid niyang luluhod sa harapan ng taong mahal niya.

At ang makita ang kinang ng singsing na suot suot nito at kinang ng mga ngiti ng mga ito.

"Please, Mickenzie, pumikit ka para sa akin" Nasabi na lang din ng architect kaya agad naman siyang sinunod ng tenyente.

Napamulat at napabitaw na lang na lang ang tenyente sa pagtatakip ng mata ng kaibigan ng marinig na niya ang ingay ng fireworks na ngayo'y masayang pinapanood ng mga mahal nila sa buhay.

"Pabagal-bagal kasi kayong dalawa" Biglang usap ng kaibigan nilang professor sa kanilang dalawa.

"Sana naman natuto na kayo, na kapag may isang bagay kayo na dapat sabihin sa isang tao, dapat ay sabihin niyo na at hindi na dapat ninyo pinapatagal pa" Usap pa ng professor kaya napatango na lang naman ang dalawa.

"Yes Prof!"

Makalipas lang ng ilan minuto ay nagbabalak na agad umalis ang tenyente pero wala naman na siya nagawa ng bigla na laman siya tawagin ng kapatid niya.

"Gab!" Napalingon na lamang siya rito at ngumiti.

"Congrats!" Bati ng tenyente kaya napangiti na lamang ang konsehal.

"Salamat, salamat" Sagot nito at huminga ng malalim.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong na ng konsehal kaya wala naman na nagawa ang tenyente kundi ang tumango.

Nang makarating na sila sa isang bench ay agad na naupo ang dalawang magkapatid.

"Kailan niyo balak magpakasal?" Tanong ng tenyente sa kapatid.

"Next week" Simpleng sagot ng konsehal kaya guat naman napatingin ang kapatid niya sa kaniya.

"Hindi naman halata na nagmamadali kayo, no?" Nasabi na lang ng tenyente.

"Gab, may mga bagay talaga na hindi na pinapatagal, lalo na kung yung pagkakataon ay nasasayo na, so bakit ko pa patatagalin, diba?" Natatawang usap na lang ni Cloie kaya napatango na lang naman si Mickenzie.

"Galit ka ba sa akin?" Biglang tanong ni Cloie sa kapatid.

"Anong klaseng tanong yan?" Natatawang tanong na ng tenyente sa kapatid.

"Wala naman, ang dami kasing nangyari noon nakaraan tsaka bigla ka na lang nawala nitong nakaraan linggo" Sagot ni Cloie sa kapatid.

"Ahh ayon, wala na yon, nainis lang talaga ako kasi parang ang gulo gulo ng utak mo non, hindi naman kasi tama na dadalawin mo na lang basta basta si Sherryl habang nandon din ang nobya mo, hindi rin tama na doon ka magwala at mang gulo"

"Nasaktan mo pa tuloy ang nobya mo" Sagot ng tenyente kaya napayuko na lang naman ang konsehal.

"Pasensya na talaga, pasensya na rin sa mga nasabi ko non sayo, hayaan mo hindi na mauulit yon dahil malinaw na sa akin ang lahat"

"Kaya sana wag kang mawawala sa espesyal na araw para sa amin ni Amari" Nakangiting usap na ni Cloie.

"Oo naman, kasama mo ko sa lahat, di ba nga?" Nakangiti na rin usap ni Mickenzie sa kapatid at inakbayan na niya ito.

"Alam ko yon, kaya nga sana samahan mo rin akong maghintay sa fiancé ko sa altar non, sana nasa likod kita ng mga oras na yon dahil ikaw lang ang pinaka malapit sa akin dahil ikaw ang kapatid ko Mickenzie" Seryoso ng usap ni Cloie kaya saglit pang natahimik si Mickenzie.

"Hindi mo naman siguro ako hahayaan mag isa, di ba?" Nag aalangan pang tanong ni Cloie.

Napangiti na lang naman si Mickenzie at napailing.

"Hindi, sasamahan kita, nasa likod mo lang ako palagi" Nakangiting sagot ni Mickenzie kaya tuwang tuwa naman siyang niyakap ng kapatid.

Lingit naman sa kaalaman ng magkapatid ay nakatingin ang ilan sa mga taong mahal nila sa buhay, kung yung iba ay tuwang tuwa sa pag aayos ng magkapatid ay ang iba naman ay nag aalala pa rin sa kaibigan nilang Tenyente.

"Ngingiti ngiti lang yan pero nasasaktan na yan, dapat talaga doon na muna siya kila Stanaiah e" Usap ni Janie sa mga kaibigan.

"Nandon siya kila Stanaiah?!" Gulat na tanong ni Madison, nakangiti naman tumango ang doktor.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Alam mo naman pala" Takang tanong ni Gail sa kaibigan.

"Madaldal ka kasi, mabuti na't hindi mo alam para makapag pahinga rin yan kaibigan mo kahit papaano" Sagot ni Janie kaya napatango na lang naman ang tenyente.

Hindi naman nag krus ng landas ang doktora na si Amari at ang tenyente na si Mickenzie dahil sa kabi kabilang mga mahahalagang taong indibidwal nilang nakakausap. Tanging sulyap at tanaw na lamang ang ginawa ng tenyente sa tuwing nalalapit sa kaniya ang doktora at mapa hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang nilalayo ang sarili niya mula sa doktora.

"Hindi ka ba muna magpapaalam kay Amari?" Tanong ni Sherryl sa kaibigan. Umiling naman na ang tenyente.

"Ikaw ba? Nagpaalam ka na ba sa kapatid ko?" Tanong din ni Mickenzie sa kaibigan at kagaya niya ay umiling lang din ito.

"Hindi na, tama ng tinupad ko ang mga pangakong dating binitawan ko sa kapatid mo" Sagot ni Sherryl.

"Pangako?"

"Oo, pinangako ko kasi na lagi akong nasa likod at paligid niya sa mahahalagang araw sa buhay niya at mahalaga sa kaniya ang araw na ito" Sagot ulit ni Sherryl sa kaibigan.

Napahinga na lang naman ng malalim si Mickenzie.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na ikakasal na kapatid ko, hindi ko rin akalain na hindi sayo" Napapailing na usap na lamang ni Mickenzie.

"Hindi sa akin at sa taong mahal mo pa" Natatawa na lang na usap ni Sherryl kaya natawa na lang din ang tenyente.

"Bagal mo kasi e!" Biro na ng tenyente sa kaibigan.

"Ikaw kaya!" Aniya pa ni Sherryl kaya sabay na lang naman silang natawa at napahinga ng napaka lalim.

Handa na nga ba kami?

Handa na nga ba kaming makitang ikakasal sa isa't isa ang mga taong mahal namin.

AMARIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz