CHAPTER II

1.5K 50 2
                                    

"Tinawagan ka rin?" Tanong sa akin ni Gail ng matanggal ko na ang helmet ko, tumango naman ako bilang sagot at inayos na ang uniporme ko.

"Ano sa tingin mo?" Tanong pa niya habang naglalakad na kami papasok ng departamento.

"Sa tingin ko, panibagong kapaguran nanaman to" Nasagot ko lang sa kaniya

Nang makapasok na kami sa loob ay kaniya kaniya ng bati sa amin ang ilang mga kasamahan namin sa trabaho.

"Magandang umaga mga tenyente"

"Magandang umaga" Sabay na bati namin ni Gail sa kanila. Lumapit naman ang isang bagong pasok na pulis sa amin dalawa ni Gail para ibalita ang hindi namin inaasahan na balita.

"Sir" Pagsaludo pa niya kaya sumaludo rin naman kami ni Gail.

"Kanina pa kayo hinihintay nila Hepe at Kapitan, nandoon sila sa conference room kasama si Heneral Santiago" Pag rereport pa niya kaya napatingin naman sa akin si Gail.

"Salamat, Toreliza" Pagsalamat ko at sumaludo rin ng sumaludo siya.

"Si Heneral Santiago nasa bayan ng Isidro?" Nagtatakang tanong sa akin ni Gail, tumango naman ako

"Kahapon pa siya nandito, dumalaw lang sa bahay para kamustahin ako at sabayan akong kumain, ang akala ko naman, balik Maynila na siya kanina" Sagot ko kay Gail habang papunta na kami ngayon sa conference room. Nang makapasok na kami ay sumaludo na kami sa mga opisyal at ganon din naman sila sa amin ni Gail.

"Mukhang importante talaga 'to at sumadya pa ang heneral" Nasabi ko na lang at umupo sa bakanteng upuan na nandoon, ganon din naman si Gail at inabot na rin niya sa akin ang isang folder.

"Isa ang bayan ng Isidro sa mga kilalang lugar na may kinalaman sa droga at ayaw na ayaw ko na ang bayan na pinagmulan ko ay masasangkot sa mga ganitong isyu" Medyo galit ng usap ni Sir Dad kaya napatango na lang naman ang hepe namin dito sa departamento.

Habang tinitignan pa rin namin ni Gail ang folder na naglalaman ng iba't ibang report, diyaryo at mga dokumento patungkol sa laban kontra droga dito sa bayan ng Isidro.

"Ang totoo niyan heneral ay may ilang mga buy bust na kaming isinagawa, giniit na rin namin ang ilang mga sangkot pero lahat sila takot magsalita" Usap pa ng kapitan namin dito sa departamento, na si kapitan Rivera.

Ininom ko naman ang kape na nasa harap ko at naitaas ko na lang ang dalawang kilay ko ng biglang tumingin sa akin si Sir Dad.

"Hmm?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano sa tingin mo ang dapat na gawin para malinis tong dumi rito sa bayan na kinalakihan mo, tenyente Gabrielle?" Seryosong tanong niya sa akin kaya napaayos naman ako ng upo.

"Sa tingin ko dapat ang mga gobyerno sa bayan na ito ang dapat munang linisin" Suhestiyon ko sa kanila. Taka naman silang mga tumingin sa akin kaya napainom naman ulit ako ng kape.

Mahabang habang diskusyon sa umaga nanaman 'to, tenyente.

"Kataka-taka naman kasi na wala ni isa sa mga opisyales ng pamahalaan sa bayan ng Isidro ang nakikipag ugnayan sa lahat ng departamento ng pulisya sa bayan na ito" Dagdag na usap ko pa sa kanila.

"Sinasabi mo ba na may posibilidad na may mga opisyales ng pamahalaan ang prumoprotekta sa mga drug dealers dito sa Isidro?" Paninigurado pa ni Gail sa akin kaya tumango naman ako.

"Posible talaga yon at hindi lang sa pamahalaan mismo, maari ring dito mismo sa departamento natin o sa ibang departamento ng pulisya sa bayan na ito ang protektor ng mga dealers na yon, kaya ganon na lang din siguro kung pumalpak ang mga operasyon natin kasama ng mga PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency)" Sagot ko sa kanila, agad naman tumayo si Sir Dad at isa isa kaming hinarap.

"Gusto ko malinis niyo ang bayan ng Isidro laban sa mga utak at protektor ng mga nagdadala ng illegal na droga sa bayan na ito sa lalong madaling panahon" Seryosong usap niya habang nagpalakad-lakad na nakatingin sa amin.

"Gusto kong malinis niyo ang kalat na ito na walang iniisip na mababanggang ni sinoman makapangyarihan sa lugar na ito, mapapolitika man yan o pulisya mismo" Maawtoridad na sabi pa nito kaya napatango naman na kami pare-pareho.

"Sana sapian tayo ni Cardo Dalisay para matapos na natin tong kaso na ito" Bulong pa sa akin ni Gail kaya agad din naman akong napatingin sa kaniya.

"Kaya nga e, para matagpuan ko na rin Alyanna ko" Bulong ko pa sa kaniya, natatawa naman siyang yumuko kaya agad din naman akong umiwas ng tingin bago pa kami makita ng mga mas nakakataas na opisyales na nasa harap namin.

"Natagpuan mo na iyon sayo, kaya nga lang doktora ang Alyanna mo, Santiago, hindi reporter" Bulong pa niya kaya napailing na lang naman ako.

"Sana sa susunod na balik ko rito sa lugar na ito ay may magandang progreso at magandang report na kayong maihaharap sa akin Hepe" Usap pa ni Sir Dad sa Hepe namin dito sa departamento habang palabas na sila ng Conference Room, agad din naman kaming hinarap ni Gail ng kapitan dito sa departamento namin para kausapin.

"Asahan niyo, bukas na bukas kating kati nanaman yang si hepe na ipatapos sa atin yang pag iimbestiga sa mga pulis na protektor at mga politiko na posibleng sangkot sa illegal na droga dito sa Isidro" Usap pa ni Kapitan Rivera kaya napatango na lang naman kami ni Gail bilang pang sang ayon.

"Mick? Paano kung sangkot sa isyu na ito yung kapatid mo?" Biglang tanong sa akin ni Gail. Agad naman akong napaisip sa sinabi niya

"Si konsehal Cloie ba? Hindi ba anak ng dating mayor yon na si Mr. Delgado? Paano mo naging kapatid si Konsi?" Takang tanong pa ni Kapitan Rivera sa amin.

"Magkapatid kami ni Konsehal Cloie Dale sa nanay, tatay niya si Dating mayor Delgado habang ang tatay ko naman si Heneral Santiago" Sagot ko kay Kapitan Rivera. Tumango naman siya at seryoso pang humarap sa akin.

"Paano kung ikaw na lang ang mag imbestiga sa mga Delgado? Mas mapapadali ka roon dahil kapamilya mo naman pala ang mga yon" Suhestiyon pa niya kaya napaisip naman ako.

"Hindi ko sila kapamilya, close kami ni Cloie bilang kapatid at ng nanay ko bilang mag ina pero malayo pa rin kami sa pagiging pamilya" Nasabi ko na lang kay Rivera kaya napatango na lang naman siya ng maintindihan niya ang pinupunto ko.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo, Mickenzie Gabrielle Santiago. Paano nga kung sangkot ang mga Delgado sa pagproprotekta o hindi kaya sila rin mismo ang utak ng droga dito sa Isidro?" Tanong pa ulit ni Gail kaya napatingin na lang naman ako sa kaniya.

"Edi sangkot sila, gaya ng iba ay dapat lang sila managot sa mga kasalanan na ginawa nila at kung dumating man ang araw na mapatunayan natin na sangkot nga sila ay masisiguro ko na wala silang proteksyon na aasahan mula sa akin" Sagot ko na lang sa kaniya kaya nakatanggap naman ako ng palakpak mula sa kapitan namin.

"Anak ka talaga ng heneral, pero alam niyo, sa tingin ko kailangan na muna natin pare-parehas na uminom sa darating na linggo, binyag ng anak ko, hihintayin ko kayo parehas doon" Usap pa niya at binigay ang imbitasyon sa amin dalawa ni Gail bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Alak nanaman.

AMARITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon