CHAPTER XXXVIII

1.1K 58 13
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

Bigla naman nagring ang telepono ko kaya agad ko naman iyon kinuha sa bulsa ko para sagutin ito.

"Kapitan Rivera"

"Nakuha ko na yung report tungkol sa raped case ni Mr. Delgado at nakakuha na rin ako ng iba't ibang mga impormasyon tungkol doon na pwedeng makatulong sa mga kasong isasampa natin sa ama ni Konsi Delgado" Usap niya sa kabilang linya. Napatango na lang naman ako

"Kailangan ko kayo rito ni Perez, lalo ka na dahil may mga bagay ka rin kailangan malaman" Dagdag pa niya, kaya awtomatiko naman nagdikit ang mga kilay ko dahil sa pagtataka.

"Sige, kapitan, pupunta na kami riyan sa headquarters" Aniya ko pa bago tuluyan ibaba ang telepono.

Taka naman napatingin sa akin ang mag nobyang si Gail at Madison kaya napatayo na lang naman ako palapit kay Sherryl.

"May impormasyon na raw na nakuha si Kapitan tungkol sa rape case na sinampa noon kay ni Mr. Delgado kaya kailangan niya tayo ngayon sa headquarters" Aniya ko kay Gail kaya tumango na lang naman ito.

Hinalikan ko naman na muna si Sherryl sa noo niya para magpaalam at tinapok ko naman na muna si Madison sa balikat niya bago tuluyan lumabas ng kwarto.

"Ingat kayo!" Paalala pa ni Madison kaya napatango na lang naman kami ni Gail.

Pagkarating sa headquarters ay agad kaming kumatok sa opisina ni Kapitan Rivera at bumungad sa amin ang isang matandang lalaki.

"Sir!" Pagsaludo namin ni Gail kay Kapitan Rivera habang sumaludo rin naman siya sa amin.

"Siya si Ka Roger, siya ang dating tauhan ng mga Delgado" Pakilala ni Kapitan Rivera sa matanda kaya napatango naman ako.

"Ito ang ilan mga report na nakuha ko sa presinto kung saan nagsampa si Mrs. Delgado" Usap ni Kapitan na siyang kinabigla ko talaga.

"Mrs. Delgado?" Takang tanong ko kay Kapitan Rivera.

Saglit pa siyang natigilan din pero agad din siyang tumango at sabay na binigay ang isang papel.

"Ibig sabihin, tama nga ang hinala namin na si Mrs. Delgado ang nirape niya at si Cloie ang bunga nito" Aniya ni Gail.

"Tama ka roon, Tenyente Perez" Biglang usap ni Ka Roger kaya lahat naman kami ay napalingon sa kaniya.

"Ang alam ng lahat ay si General Santiago ang nobyo noon ni Mrs. Delgado hanggang sa nabalitaan na lang namin noon sa mansion na sinampahan nga ng kaso ni Mrs. Delgado si Mr. Delgado ng rape" Dagdag pa ni Ka Roger.

"Kung ganon, bakit hindi nila napakulong si Mr. Delgado? Tsaka paanong nangyari na silang dalawa ang kinasal?" Takang taka na tanong ko kay ka Roger.

"Isa lang ang masasabi ko, mula noon at mapa hanggang ngayon ay makapangyarihan na talaga ang pamilya ng mga Delgado, kaya maswerte akong nakalaya ako mula sa pagsisilbe sa kanila noon" Sagot ni Ka Roger kaya napahinga na lang naman ako ng malalim.

"Tenyente! Kapitan!"

"Pasensya po sa abala pero tumawag po kasi si General Santiago, pinapatawag ho si Tenyente Santiago" Biglang usap ni Torreliza kaya hindi naman na ako nagdalawang isip na lumabas na ng opisina ni Kapitan Rivera.

"Nandon daw po siya sa bahay mo, tenyente" Usap pa ni Torreliza kaya napatango na lang naman ako at dire-diretsong lumabas papunta kung nasaan ang motor ko.

Pagdating sa bahay ay nadatnan kong nasa labas lang ang kotse ni Sir Dad kaya alam kong hindi rin magtatagal iyon dito. Agad naman akong pumasok sa loob at nadatnan ko lang naman siyang nagkakape na sa kitchen area.

"General" Pag saludo ko. Halata naman ang pagkakagulat sa mukha niya ng tawagin ko siyang heneral pero hindi ko na lang naman iyon pinagtuunan ng pansin.

Sumaludo na rin naman siya kaya agad na rin akong umalis sa harap niya para kumuha ng beer.

"Tungkol sa kasong rape na sinampa ni Mrs. Delgado kay Mr. Delgado" Paninimula ko kaya gulat na gulat naman siyang napalingon sa akin.

"Bakit wala kang nagawa para ipakulong noon si Mr. Delgado? Bakit hinayaan mong mapunta si Mrs. Delgado sa gagong tao na yon?" Tanong ko sa kaniya kaya napapailing naman siyang tumayo.

"Huwag mo ng balikan ang tungkol sa mga bagay na yon, Mickenzie" Seryoso na rin usap niya kaya napailing na rin ako.

"Hindi pwedeng hindi balikan yon, dad"

"Dahil si Mr. Delgado ang mastermind sa iba't ibang gulo rito sa Isidro, siya rin ang druglord dito sa bayan na kinalakihan natin pareho"

"ANO?!"

"Kaya paanong hindi ko babalikan ang mga kasong sinampa sa kaniya noon kung maari ko yung magamit para tuluyan na siyang mabulok sa kulungan ngayon"

"Masyadong makapangyarihan ang mga Delgado, Anak" Biglang usap niya kaya napailing na lang naman ako.

"Makapangyarihan kasi walang naglalakas loob ng lumaban sa kanila"

"Lumaban ako! Pinaglaban ko ang mommy niyo!" Biglang sigaw na niya kaya bahagya pa akong natahimik.

"Oo, nirape siya ni Delgado dahil gustong gusto niya ang mommy niyo pero hindi sapat ang ebidensya namin noon kaya hindi namin siya maipakulong kulong. Ayaw niya tigilan ang mommy mo kaya tinakas ko ang mommy niyo at si Cloie palayo sa taong yon, pinili na namin noon magpakalayo-layo hanggang sa dumating ka na rin sa buhay namin pare-pareho"

"Pero ilan buwan lang ang nakalipas mula ng mailuwal ka ng mommy mo ay nadatnan din kami ng mga Delgado"

"At pinagbantaan pa kaming papatayin nila ang Mommy mo at si Cloie kung patuloy pa rin akong makikipagkita sa mommy at kapatid mo" Usap pa ni Daddy kaya hindi naman na ako nakasagot.

"At nadatnan nila kami dahil nakita nila kami sa hospital kung saan ka pinanganak" Dagdag pa niya kaya napatitig na lang naman ako sa kaniya.

"Hindi niyo naman siguro ako sinisise sa nangyari, hindi ba?" Natanong ko na lang sa kaniya.

"Hindi, syempre hindi"

"Pero siguro kung hindi kami naging mapusok at hinayaan na muna namin na si Cloie na lang muna ang maging anak namin noon ay siguro

"Siguro ano?"

"Siguro ay magkakasama pa kaming tatlo at hindi kami nadatnan ng pamilya Delgado na pamilya na ngayon ni Cloie at ng mommy mo" Sagot niya na siyang kinabigla ko talaga.

Buong buhay ko inisip na bunga lang ako ng pagkakamali dahil nga may ibang pamilya ang mommy ko at nabuo ako, pero talaga pa lang bunga ako ng pagkakamali dahil mula pala talaga ng maisilang ako ay naging hadlang na ako sa pamilya na dapat meron ngayon ang Sir Dad ko.

"Siguro nga ho"

"Huwag ho kayong mag alala, babawi ako"

"Sisiguraduhin ko hong mababawi ko ang pamilyang nawala sa inyo"

AMARIWhere stories live. Discover now