CHAPTER XXV

1.1K 38 3
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Minsan ko na tinanong si Cloie tungkol sa DGD pero tinanggi niya na hindi niya alam ang tungkol doon" Usap ko kay Gail at Kapitan Rivera.

Nandito kami ngayon tatlo sa opisina ko dito sa headquarters, iniiwasan namin magpulong palagi sa conference room para makasiguradong pribado pa rin ang imbestigasyon namin sa kasong hawak namin pare-pareho.

"Imposible rin naman na hindi pa niya napapansin ang kakaibang meron sa mga tauhan ng daddy niya, lalo na't nasa iisang bahay lang sila at alam na niya na ang mga DGD ang mga sindikato rito sa bayan na pinamumunuan niya"

"Mga sindikato na minsan na rin nilagay ang buhay niya sa alanganin" Usap pa ni Kapitan Rivera, kaya napatingin naman na kami sa mga litrato ng mga tauhan ni Mr. Delgado na inimbestigahan namin ni Gail nitong mga nakaraan araw.

"Pero, kapitan, maaari rin talagang wala siyang alam"

"Dahil gaya nga ng sinabi mo, siya mismo ay inatake rin ng mga tauhan ng daddy niya at nagawa pa siyang ipapatay sa mga tauhan nito" Biglang usap ni Gail kaya sabay naman kaming napatingin sa kaniya ni Kapitan Rivera.

Nakinig lang naman ako sa usapin nila at pilit na inaalala at pinag aaralan ang mga kinikilos ng kapatid ko nitong mga nakaraan.

Pero ang tanging naaalala ko lang ay ang pagiging busy niya sa panunuyo kay Doktora Amari matapos niyang ipagamot ang braso niya rito. Silang dalawa lang ang madalas na magkasama nitong mga nakaraan lalo na ng tuluyan na nga siyang sagutin ni Doktora.

Maaari ngang walang alam si Cloie sa mga illegal na gawain ng daddy niya dahil kagaya na lamang ng ginawang pagbabanta ng daddy niya sa pamilya at mismong kay Sherryl ay wala siyang kaalam-alam. At ang katotohanan na pati siya ay nabiktima mismo ng sariling tauhan ng daddy niya ay talaga naman masasabi mona maaari rin talagang wala siyang kaalam-alam.

"Ano sa tingin mo, tenyente Santiago?" Biglang tanong ni Kapitan Rivera kaya agad naman akong umayos ng upo.

"Ayokong magbigay ng konklusyon sa ngayon, masasabi kong wala siyang alam pero masasabi ko rin na maaari ring meron"

"At isa pa, ayokong akusahan ang sarili kong kapatid na wala akong hawak hawak na sapat na katibayan at ebidensya" Dagdag na usap ko pa sa kanila kaya napatango na lang naman sila.

Matapos ng ilang linggong pag iimbestiga ko ay ngayon ko na masasabi na tama ang hinala ko.

Tama nga ang hinala ko na ang Dating Mayor at ama ng kapatid ko na si Mr. Delgado ang utak ng mga sindikato rito sa bayan ng Isidro.

Sa ngayon ay may mga hawak na kaming mga ebidensiya na magpapatunay na siya nga ang may kagagawan ng lahat ng krimen dito sa bayan na ito pero kailangan pa rin namin makahanap ng mas matibay na ebidensiya laban sa kaniya.

Ebidensiya na hinding hindi na niya malulusutan pa.

"Boss J! Huwag naman ho sana madamay pa ang kapatid ko rito oh" Nasabi ko na lang nang mapatingala ako sa ulap pagkalabas na pagkalabas ko ng headquarters.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, sangkot ang ama ng kapatid ko sa iba't ibang klase ng krimen at may posibilidad ngang may alam siya sa likod ng mga mangyayari rito sa Isidro.

Posible rin naman wala dahil siya nga mismo ay nagawang ipapatay ng sarili niyang ama.

Posible rin naman alam niya at tinatago niya lang dahil sa hindi sa malaman na dahilan.

AMARIWhere stories live. Discover now