CHAPTER XI

1K 49 4
                                    

CLOIE DALE'S POV

"Una na ako, dadaanan ko pa si Mickenzie sa presinto para kamustahin siya" Usap ko pa kay mommy

"Ikamusta mo na lang din ako sa kapatid mo ah" Sabi pa niya bago ako halikan sa pisnge.

Nang palabas na ako ng bahay ay nakasalubong ko pa naman ang daddy ko, napangisi na lang naman siya ng makita ang braso ko kaya napaiwas na lang din naman ako ng tingin.

"Yan ang napapala mo, napaka hina mo talaga kahit kailan" Usap pa niya, napakunot naman ang kilay ko at inis siyang hinarap.

"Binalaan na kita, konsehal, pero hindi ka nakinig, hindi ka sumunod sa akin" Napapailing na sabi niya

"Kahit kailan hindi ako susunod sayo" Nasabi ko na lang pero para bang isang biro lang ang sinabi ko sa kaniya para tawanan niya lang iyon at bahagya pang lumapit sa akin.

"Talaga? Masasabi mo pa kaya yan kung makita mo na kung ano ba ang mga nakalagay sa mga papel na ito?" Dagdag pa niya kaya napatingin na lang naman ako sa mga papel na hawak niya.

At nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang mukha ni Mickenzie doon.

"Bakit pinaiimbestigahan mo si Mickenzie?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Naiingayan na kasi ako sa mga mamamayan mo rito sa Isidro, puro Santiago na lang naririnig ko" Usap pa niya na para bang inis na inis talaga siya.

"Hindi ba pwedeng pangalan mo naman? Delgado naman? Huh? Cloie Dale?" Galit na talagang usap pa niya sa akin.

"Kapatid ko si Mickenzie at proud ako sa mga nagagawa niya, kaya kahit ano pang sabihin mo diyan, hindi mo mababago yon" Nasabi ko na lang sa kaniya.

"Delgado ako, Cloie, Delgado ka rin, alam kong alam mong lahat ng gusto ko makukuha't mababago ko" Galit na galit na usap niya.

"Walang Santiagong sasaya hanggat nabubuhay ako, kaya nga pinalaki at pinakain kita rito sa pamamahay ko para sundin ang mga iuutos ko!" Sigaw pa niya, maglalakad na sana ako palabas ng bigla ulit siya magsalita.

"Kung talagang ayaw mong may mangyari sa kapatid mo, susunod ka sa lahat na ipag uutos ko" Pahabol pa niya bago tuluyang pumasok sa loob.

Napahinga na lang naman ako ng malalim at dire-diretso ng lumabas ng bahay.

"Gab? San ka?" Tanong ko ng sagutin na ni Mickenzie ang tawag ko.

"Papunta akong hospital ngayon, bakit? Okay ka lang ba?" Tanong niya pa sa kabilang linya

"Oo, okay lang ako, doon na lang tayo magkita, ingat ka" Bilin ko pa sa kaniya

"Okay, sige. Mag iingat ka rin" Sagot pa niya bago ibaba ang linya. Agad naman akong nagpahatid sa hospital para sa pagmomonitor na rin ng braso ko.

Nang makarating kami sa hospital ay nakita ko naman na siyang pababa na ng motor niya at doon ko lang napansin na hirap din siyang igalaw ang braso .

"Naks! Sibling Goals!" Sabay naman kaming napatingin ni Mickenzie sa nagsalita at doon namin nakita ang kaibigan namin magkapatid na si Architect Sherryl Malaia Gomez.

"Architect!" Bati ni Mickenzie sa kaniya at bumeso pa rito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Architect!" Bati ni Mickenzie sa kaniya at bumeso pa rito.

"Nabalitaan ko naman yung nangyari sa inyo pero hindi ko naman nabalitaan na bagong hilig niyo na palang magkapatid na saktan yang mga braso niyo" Napapailing na sabi niya.

Si Sherryl ang unang babaeng minahal ko noon pa man pero lahat ng pagmamahal na yon ay nabalewala simula ng mas piliin niyan tuluyang umalis at iwan kami rito sa bayan ng Isidro kaysa ang manatili na kasama kaming dalawa ni Mickenzie.

"Ano? Mag stay ka na ba rito?" Nakangiting tanong pa ni Mickenzie rito, ngumiti rin naman ito at tumango.

"Ayos! Mukhang kailangan ko na tuloy madaliin ang mga kasong hawak ko para naman safe tong pag stay mo ulit dito sa Isidro" Usap pa ni Mickenzie.

"Pwede mong madaliin pero sana huwag mo na ipapahamak ang sarili mo, Mickenzie Gabrielle" Napapailing na lang na sabi ko sa kaniya habang kunwari pa siyang walang naririnig.

"Ahm, masaya akong makita ka ulit, Cloie" Nakangiting usap na ni Sherryl sa akin kaya napangiti na lang naman ako.

"Ako rin, Sherryl" Nasabi ko na lang. Ilan saglit pa ay nagpaalam na siya at nagpalitan pa muna sila ng numero ni Mickenzie bago tuluyan itong umalis.

Nang makasakay na ito sa sasakyan niya ay agad naman akong inakbayan ni Mickenzie at ngumiti.

"Kung hindi na talaga pwede, baka may ibang tao talaga ang para sayo, ang dami diyan ohh tsaka kindatan mo nga lang mga babae rito pakakasalan ka na ng mga yon e" Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din naman ako.

"Alam mo? Siraulo ka talaga! Kaya ka napapahamak e, pinag alala mo kami ni mommy, gustong gusto ka namin puntahan kahapon pero ang tigas din naman talaga ng ulo mo, hindi ka pa talaga nagpahinga at inuna mo pa talaga ang pagbalik sa trabaho mo" Panenermon ko na sa kaniya.

"Blah blah blah, para ka ng si mommy, konsi. Tara na nga sa loob, hindi tayo gagaling dito sa labas e" Biro pa niya kaya natawa na lang naman ako, sakto naman na nakasalubong namin ang dalawang doktora kaya agad itong mga lumapit sa akin.

"Wow! Feeling ko proud na proud si Mrs. Delgado. Magkabilaan balikat oh!" Pagbibiro pa ni Doktora Torres habang tinuturo ang mga balikat namin ng kapatid ko.

"Ano nga pala ginawa ni Ms. Gomez dito? Hindi kasi namin natanong kanina sa labas e" Natanong ko na lang naman kay Doktora Asuncion at Torres. Narinig ko naman na natawa pa si Mickenzie kaya bahagya ko pa itong siniko.

"Ah si Architect? May lab test result lang siya kinuha, konsi" Nakangiting sagot ni Doktora Asuncion kaya napatango na lang naman ako.

"Tara na, konsi, check na natin yan balikat mo" Usap pa niya kaya sumunod na lang naman ako sa kaniya. Kita ko naman na sumeryoso na si Mickenzie habang nakatingin ito kay Doktora Asuncion, kaya hinarap ko naman na muna siya bago tuluyan sumunod kay Doktora.

"Gab? Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango at ngumiti.

"Oo, sige na, sige na, patingin ka na ron kay doktora, masungit pa naman yon, para matanggal na rin yang nasa kamay mo" Sunod sunod na sabi pa niya kaya sumunod na lang din naman ako kay Doktora Asuncion.

Okay? Mukha ngang masungit si Doktora Asuncion, hindi ko rin naman na maipagkakaila na sobrang ganda talaga niya.

Hindi na rin siguro masama na magpabalik-balik ako rito.

AMARIWhere stories live. Discover now