CHAPTER XII

1K 45 1
                                    

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

"Pabagal-bagal ka kasi e, tara na! ako na maglilinis diyan sa sugat mo" Biglang usap pa ni Janie kaya napapailing na lang naman akong sumunod sa kaniya.

Tahimik lang naman akong naupo sa upuan habang pinapanood siyang ayusin ang mga gamit niya, napapailing naman siyang humarap sa akin at agad na tinanggal ang mga nasa braso ko.

"Sure kang okay ka lang, Gabrielle? Hindi mo ba muna ipapahinga to?" Nag aalala ng tanong niya, umiling naman ako sa kaniya bilang sagot.

"Matigas nga pala ulo mo, bat ko pa ba kasi tinanong" Usap na lang niya kaya hindi na lang din ako sumagot sa kaniya.

"Alam mo bang nang galing dito si Gail?" Biglang tanong niya sa akin kaya napailing na lang naman ako bilang sagot.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya, hindi naman agad siya nakasagot dahil hinahanda na niya ang mga gagamitin niya sa paglilinis ng sugat ko.

"Sinamahan niya si Prof"

"Prof? As in Professor Madison Kim Acosta?" Gulat na tanong ko sa kaniya habang tumango naman siya bilang sagot.

Si Professor Madison Kim Acosta, ang isa sa pinaka magaling na professor sa kilalang unibersidad dito sa bayan ng Isidro, ilan beses na namin siya nakasama ni Gail sa mga proyekto nila na kinailangan din ng mga tulong ng kapulisan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Professor Madison Kim Acosta, ang isa sa pinaka magaling na professor sa kilalang unibersidad dito sa bayan ng Isidro, ilan beses na namin siya nakasama ni Gail sa mga proyekto nila na kinailangan din ng mga tulong ng kapulisan. Naging kaibigan ko na rin siya dahil sa dalas din namin mag usap pero sadyang iba ang mayroon sa kanila ni Gail.

"Tama, walang mali" Sagot niya, natawa na lang naman ako at napailing.

"Tanda mo pa ba yung lagi niyang sinasabi?" Natatawang tanong ko na kay Janie, natawa rin naman siya ng maalala na niya ang tinutukoy ko.

"AANHIN KO ANG PAG-IBIG, KUNG MAIIWAN KO LANG RIN NAMAN KUNG AKO'Y ILILIBING"

Sabay pa namin usap ni Doktora Janie na siyang lalong kinalakas ng mga tawa namin.

"May libing libing pa siyang nalalaman e obvious naman na patay na patay siya kay professor Acosta" Napapailing na lang na usap pa ni Janie habang nililinis na ang sugat ko.

"Pero alam mo, naiintindihan ko yung pinang gagalingan ng pag aalinlangan ni Gail kay Madison" Usap ko kay Janie na siyang nagpatigil sa kaniya.

"Pulis kami ni Gail, sa trabaho namin walang nakakaligtas, lalo na rito sa Isidro"

"Hanggat may mga makapangyarihan na opisyal na nagpapakilos sa mga sindikato, isang utos lang at pagkakamali namin pwede kaming mamatay" Paliwanag ko sa kaniya.

"Natatakot lang si Gail na may madamay, natatakot lang si Gail na mayron maiwanan" Dagdag ko pa. Humarap naman siya sa akin bago tuluyang huminga ng malalim.

"E, ikaw ba? May napupusuan ka na ba?" Tanong niya sa akin na siyang nagpatigil din talaga sa akin.

"Siguro, meron, pero okay na sa akin tong hindi ako sigurado" Sagot ko na siyang pinagtaka niya.

"Hindi ba't mas maganda kung sigurado?"

"Nakakatakot din kapag sigurado, Doktora" Nasabi ko na lang.

"Huh? Nakakatakot? Paano? Sige nga, paliwanag mo" Takang-takang tanong niya sa akin.

"Mas natatakot akong makasigurado dahil alam ko sa sarili ko na isa lang ang patutunguhan ng pagiging sigurado ko, maaring magawa ko ang lahat para sa taong yon, maaring siya nang siya na lang ang iisipin ko"

"Natatakot ako na baka hindi ko kayanin pagsabayin ang trabaho sa buhay pag-ibig ko, kaya mas okay ng hindi ako sigurado, may pagdadalawang isip, yung parang bahala na yung hangin kung paano siya iihip, kaya mas gugustuhin mo na lang talaga mahalin kahit na sa malayo" Nasabi ko na lang sa kaniya, napailing na lang siya at sinimulan ulit ang paglilinis sa sugat ko.

"Sino siya?" Tanong niya pero napapangiti na lang naman akong napapailing.

"Hindi ko alam, hindi pa ako sigurado e" Nakangiting sagot ko sa kaniya kaya napangiti na lang din naman siya.

"Kung sino man yan nasa isip mo, sana hindi pa huli ang lahat bago ka tuluyan makasigurado" Usap pa niya na siyang kinabigla ko.

Natapos na ang paglilinis ni Janie sa sugat ko at ganon din naman sila Cloie at doktora Amari.

Kung sino man yan nasa isip mo, sana hindi pa huli ang lahat bago ka tuluyan makasigurado

Kung sino man yan nasa isip mo, sana hindi pa huli ang lahat bago ka tuluyan makasigurado

"Gab?!" Sigaw sa akin ni Cloie, agad naman akong takang tumingin sa kaniya.

"Sabi ko labas tayo, matagal-tagal na kasi yung huling beses na sabay tayong kumain" Sabi niya kaya tumango na lang naman ako.

Mabait sa akin si Cloie Dale noon pa man, kahit mapa hanggang ngayon, kapatid na talaga ang turing ko sa kaniya dahil magkapatid naman talaga kami sa ina pero hindi ko siya magawang ituring na kapamilya dahil sa kaniyang sariling ama.

Mahal ko ang kapatid ko at sigurado ako na gagawin ko ang lahat para lang ligtas siyang sasaya.

Nang makarating na kami sa isang restaurant ay agad na rin kaming nag agahan. Napansin naman niya na panay na ang tingin ko sa relos ko at napapailing na lang siya binaba ang tasa ng kape niya.

"Mukhang nagmamadali ka" Usap pa niya, umiling naman ako at humarap na sa kaniya.

"Hindi naman, kailangan ko pa kasi asikasuhin yung sa kaso mo at doon sa nangyari sa atin sa hospital"

"Pero minsan na lang din naman tayong lumabas dalawa kaya sulitin na lang natin" Sagot ko na siyang nagpangiti talaga sa kaniya.

"Salamat, Gab" Biglang seryosong sabi niya kaya taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Trabaho ko yon, Cloie. At isa pa, hindi ko alam sasabihin ko kay Mommy kung sakaling may nangyari sayo non at wala akong ginawa" Sagot ko sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangan ilagay ang sarili mo sa kapahamakan dahil lang sa akin" Inis ng sabi niya.

"Kung sa ibang tao nagagawa kong isakripisyo buhay ko, sayo pa kaya na kapatid ko" Napapailing na lang na sabi ko.

AMARIWhere stories live. Discover now