Chapter 36

6.8K 241 87
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at kaagad naman akong sinalubong ng dalawang pares na mga mata na nakatingin sa akin. Si Sac. Nakaupo ito sa upuan malapit sa kama at nakatingin sa akin mabuti at nakangiti. Wala itong damit sa taas at tanging shorts lang ang suot nito. Bumalik lahat ng alaala ng nangyari kagabi at napatingin naman ako sa sarili ko na nakasaplot lang ng kumot. Lalo ko pang hinigpitan ang saplot ng kumot sa katawan ko na hubad sa ilalim nito.

"Good Morning." Nagsalita di Sac at tumitig ako rito. Nakangiti siya at palagay ko ay alam niya na disoriented pa ako.

"Good Morning..."Mahina kong sabi. Nanatili lang akong nakahiga. Nasulyapan ko naman ang damit ko sa may sahig, napapikit ako. Bigla akong nahiya.

"How are you?" Tumitig lang ako sa kanya sa tanong niya at nag-iisip ng sagot.

"I...I am good." Nahihiyang sabi ko. "Anong oras na? Late na ba?"

"It's eight."

"Eight? Late na." Pero hindi ko pa rin mautusan ang katawan ko na bumangon sa kama dahil sa alam kong wala akong damit at hindi ako makakilos dahil nakatingin si Sac.

"Hindi naman. Maaga pa." Sinundan ko lang siya ng tingin ng lumapit ito sa akin at naupo sa kama katabi ko. "You look refreshingly beautiful in the morning." Hinaplos niya ang pisngi ko matapos ay hinalikan ako sa labi. "I want to paint you like this."

"Like what? Iyon ganitong itsura na walang saplot at bagong gising?" Tinakpan ko ang bibig at tumawa siya sa ginawa ko.

"Yup, morning after the you know what..." Ngumiti siya sa akin na para bang natural lang sa kanya ang gawain na iyon sa amin dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What are you trying to imply?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita bagkus ay hinawi niya ang buhok ko sa may pisngi ko at sinukbit sa tenga ko. Ngumiti ito pero hindi ito nakatingin sa mga mata ko. Pinasadahan pa ng hintuturo niya ang leeg ko hanggang umabot ito sa collarbone ko at bumaba pa sa may dibdib ko.

"What I'm trying to say is I think it is much better if you abandon your room and we just share my room." Nakangiti ito matapos ay dinampi niya ang labi niya sa leeg ko.

"Oh..." Pagtanto ko. "Anong sasabihin natin kay Gracie 'pag nagtanong siya na magkasama na tayo sa kwarto?" Tiningnan lang ako nito at halata kong may handang sagot na siya sa tanong ko.

"Magulang niya tayo, Rachel, natural lang naman na magkasama tayo sa iisang kwarto." Natawa ako sa sinabi niya. "What? Totoo naman ha. Meroon bang mag-asawa na magkaiba ng tinutulugan?" Mag-asawa? Ngumiti ako sa termino na ginamit niya sa amin dalawa. "Ano na naman iniisip mo diyan at nangingiti ka?"

"Kung ganoon pala dapat dati mo pa sinabi na dapat sa iisang kwarto tayo."

"Well, papayag ka ba sa ganoon set-up...I mean...hindi naman..." Hinihintay kong matapos ang pagsasalita niya pero mukhang wala na siyang idudugtong. Palagay ko ay may nais siyang sabihin pero nag-aalinlangan siyang sabihin iyon.

"Kung hihilingin mo, Sac, oo..." Tumingin ako sa kanya at ngumiti at nabakas ko naman sa mga mata niya ang saya.

"Then it's settled. Simula ngayon kasama na kita sa kwarto." Pagkukumpirma pa nito sa akin.

"If that makes you happy, Sac." Tumitig lang siya sa mga mata ko na tila may inaalam.

"Will that make you happy?" Ngumiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Very." Hinaplos ko ng palad ko ang mukha niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinalikan iyon hanggang sa unti-unti itong tumaas sa braso ko at hindi pa rin siya tumitigil. "Sa-sac?" Tinanggal pa nito ang kumot na nakatapis sa akin na noon una ay ayonong bitawan pero namayani na rin siya at hinayaan ko na siyang tanggalin iyon. Tiningnan niya lang ako ng may paghanga. Wala akong saplot na kung ano at nahihiya akong makita niyang hubad sa liwanag. Tatakpan ko sana ang mga pribadong parte ng katawan ko pero hinawakan niya lang ang kamay ko at hindi niya ako hinayaan takpan ito.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon