G

2.9K 198 192
                                    

GAVIN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

GAVIN

Lagi kong naririnig na mabait ako at masunurin. Na hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko. Na kahit anong pagsubok ang itapon ng buhay, tititigan ko lang ito na parang kaya sa isang suntok.

Pero minsan nagiging masama din ako. Nagiging mahina. Gaya n'ong unang narinig ko ang balita at sinisi ko siya.

"Ayoko! Ayoko! Siya ang dahilan bakit namatay si Kuya! Kung hindi siya umalis sa bahay nila then Kuya wouldn't die!" sigaw ko mula sa kwartong kinukulungan. "Ayoko siyang makita! I hate her! I hate her!"

"Anak, come on..." Mama's voice was low and quiet. "Walang may gusto sa nangyari."

Isang linggo pa ang dadaan bago ko 'yon maintindihan. Pero during that day, that very hour that I received the message he died, I just locked myself in grief and hatred.

I know I shouldn't be angry at her. Mas marami siyang naramdamang pighati kaysa sa'kin... pero wala naman sigurong masama kung hahayaan ko muna ang sarili na magalit sa mundo. Kung hahayaan ang sarili na siya ang sisihin sa lahat ng nangyari.

My childish mind formed the thought that maybe, maybe if she wasn't here, Kuya would still be alive.

My childish mind thought that she was some beautiful curse who can only bring death to the people who loves her.

But it was also that childish mind that got hurt when she couldn't meet my eyes. Parang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo nang isisi ko sa batang 'to ang pagkamatay ni Kuya. Kasi eto siya, nakatayo sa harap ko at humihingi ng sorry habang nanginginig.

"Namamangha talaga ako kay Finley." I remember how my Kuya once said that.

Nakaupo kami no'n sa terasa. Pinapanood namin ang paglalaro nina Finley, Baste, at Ree. Siyempre kasama nila ako pero pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng juice nang madaanan ko si Kuya na nagmamasid sa'min. I focused my eyes on Finley, who was joining the game quietly, a chuckle leaving her every once in a while.

"Bakit, Kuya?"

Kasi maganda siya? Finley is really pretty, although not as a head-turner as Renée. May something lang sa kaniya na mapapahanga ka sa ganda. Siguro dahil sa sobrang adorable na mannerisms o sa ngiti niya.

"Isang beses ko lang siya nakitang umiyak mula nang mamatay ang magulang niya. Most of the time, she's just emotionless. Pero alam mo, kahit na nakatayo lang siya na parang bato sa gitna ng mararahas na alon, pinipilit niya pa ring harapin ang bawat sikat ng araw."

Since I met Finley, she was always quiet and timid. Konti lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. It was when her parents died that she completely stopped speaking for a while. She buried herself in that little world of hers, locking the door and not letting anyone in.

Kaya sobrang saya ko nang pumayag siyang makipagkaibigan sa'kin.

At nang titigan ko siyang nanginginig at naluluha sa harap ko, ako din ang naghirap. Nawalan na nga ako ng kapatid, mukhang masisira pa ang pagkakaibigan ko sa babaeng una kong minahal.

Rogue Wars OnlineWhere stories live. Discover now