Chapter 50

66.7K 2.8K 1.5K
                                    

Mom





Humigpit ang hawak ko sa mga paper bag na dala namin. Ni hindi ako makatingin nang maayos kay Sir Sebastian dahil kitang kita ko ang disappointment sa mukha niya. Wala naman akong dapat ika-takot dahil alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawang kasalanan. Iba lang siguro ang dating sa akin lalo na at magulang siya ni Hob at naging maayos ang pakikitungo nila sa akin noon.

"I will explain everything to you, Dad. We'll talk later...alone," sabi ni Hunter sa kanya.

Tumikhim si Mr. Jimenez na para bang problemadong problemado siya. Sandali akong sumulyap sa kanya at nakita kong mariing itong naka-pikit habang hilot ang kanyang sintido.

Gustuhin ko mang ipagtanggol ang aking sarili ay hindi ko na nagawa pa. Pagod na akong magpaliwanag. Pagod na akong ibahin ang tingin sa akin ng mga tao. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin. Ang mahalaga ay alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama.

Naramdaman ko ang tingin ni Mr. Jimenez sa akin, nagpabalik balik iyon sa mukha ko at sa tiyan ko. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa paper bag. Ayokong may sabihin siyang hindi maganda tungkol sa baby ko. Ayokong masaktan siya pag narinig niyang hindi siya tanggap ng lolo niya.

Pwede nilang sabihin ang kahit anong gusto nila tungkol sa akin. Pero sana naman ay wag nilang idamay sa galit nila sa akin ang bata dahil wala naman itong kasalanan.

"K-kamusta ang bata?" tanong niya. Ramdam ko ang galit niya pero ang concern din.

Nagulat ako kaya naman tiningnan ko siya. Naglalaban ang galit at pag-aalala sa mukha niya kaya naman hindi kaagad ako nakapagsalita.

"Kagagaling lang namin sa clinic, Dad."

Si Hunter na ang sumagot dahil sa aking pananahimik. Hindi nawala ang pagkakakunot nang noo ni Mr. Jimenez pero ramdam ko naman ang pagiging totoo niya at ang concern niya sa baby ko.

"M-maayos po ang baby ko," mahinang sagot ko sa kanya kaya naman napabuntong hininga siya.

"P-pasencya na. Hindi dapat idamay ang bata dito. Apo ko pa din iyan...Jimenez pa din iyan," sabi niya sa amin.

Marahan akong napayuko at napatingin sa tiyan ko. Masaya ako na hindi nakarinig nang masakit na salita ang baby ko mula sa Lolo niya. Naiintindihan ko din naman ang nauna niyang reaksyon.

"We'll talk about this, Dad."

Paninigurado ni Hunter sa Daddy niya. Nagpaalam siyang kailangan niya na akong ihatid.

"Dapat lang, Hundson. Dapat lang," giit ni Mr. Jimenez dito.

Mula sa pagiging matigas nang kanyang mukha ay dahan dahan itong lumambot nang muli nanaman siya mapatingin sa mga hawak naming paper bag na may lamang gamit pang bata.

Kita ang pagiging sabik niya sa apo kahit galit siya. Mabuti na lamang at kagaya ko ay naisip niyang hindi kasalanan ng baby ko kung ano ang naging sitwasyon namin ng Daddy niya.

"We'll keep in touch. W-wag mong ilayo sa amin ang bata. Please...Alihilani," sabi niya sa akin kaya naman napa-awang ang bibig ko.

Hindi kami nakapagsalita ni Hunter hanggang sa tumikhim na lamang ito at marahang tumango.

"Ill wait for your explanation," madiing sabi niya kay Hunter bago niya kami hinayaan na umalis na doon.

Nanlamig ang buong katawan ko nang tuluyan na kaming maka-layo kay Mr. Jimenez. Biglang naghalo-halo ang nararamdaman ko. Parang biglang gusto kong masuka dahil sa kaba.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now