Chapter 54

74.9K 2.9K 1.7K
                                    

Sister





Isang malambing na halik sa ulo ang ibinigay sa akin ni Hob bago niya ako iginaya papasok sa may backseat. Ramdam ko ang supporta at pag-iingat niya sa akin. Inaasahan kong matataranta siya sa mga ganitong klaseng panahon pero hindi ko nakita iyon sa kanya.

Mas kalmado siya at ingat-ingat na sa amin ng Mommy niya.

"Alihilani, Hija..." tawag sa akin ni Mrs Jimenez pagkapasok ko.

Mabilis siyang tumabi sa akin para idantay ang braso niya sa aking balikat na para bang handa niya din akong protektahan.

Umikot si Hob patungo sa may driver seast at sandali pa kaming nilingon na dalawa bago siya nag-umpisang mag-drive.

"Anong nangyayari, Javier?" tanong ni Mrs Jimenez sa anak.

"Hindi tayo ang habol ng away na iyon, Mommy. Pero iuuwi ko na kayo kayo...I can't risk it," matigas na sabi niya.

Kita ko mula sa rear view mirror ang talim nang tingin niya sa may kalsada. Kahit pa tahimik ay ramdam kong malalim ang kanyang iniisip. Pansin din namin ang maya't maya niyang paglingon sa nakapaligid sa aming sasakyan. Tsaka lang nawala ang pangamba ko nang mapansin kong mga tauhan niya iyon.

"Alihilani will stay with us?" gulat na tanong ni Mrs. Jimenez pero ramdam ko ang excitement doon.

Kanina ko pa napansin na pauwi sa kanila ang daan na tinatahak namin. Naisip ko lang na baka una naming ihahatid ang Mommy niya bago niya ako ihatid kina Chelsea.

"She will stay with us," seryosong sagot ni Hob kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"Mas gusto ko kila Chelsea," diretsahang sabi ko.

Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking magkabilang pisngi nang matahimik silang dalawa. Mas lalo ko tuloy ipinaramdam sa kanila na ayoko talagang mag-stay sa kanila.

"Kahit ngayong gabi lang. I want to make sure that you're safe...please, Alihilani."

Hindi na ako naka-imik pa dahil sa marahang pakiusap ni Hob. Pansin kong naghihintay din si Mrs. Jimenez sa magiging sagot ko kaya naman tumahimik na lang ako.

Tahimik kaming tatlo hanggang sa pumasok ang sasakyan ni Hob sa kanilang malaking gate. Kahit pa nakapunta na ako rito noon ay hindi ko pa din maiwasan na mamangha sa ganda at laki ng kanilang bahay.

"Let's go, Hija. Welcome home..." alanaganin pang sabi ni Mrs. Jimenez sa akin na para bang takot din siyang may masabing mali sa akin.

Tipid akong tumango sa kanila. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa kanila, kahit noon pa man kasi ay tinanggap na nila ako sa tahanan nila. Iba ang pakiramdam pag welcome ka talaga.

Binuksan ni Hob ang pintuan ng backseat at hinintay na makalabas kami. Naglahad pa siya nang kamay sa akin para supportahan ang paglabas ko.

"Javier, wag ka nang umalis," sabi kaagad ni Mrs. Jimenez.

"May kailangan akong asikasuhin, Mommy."

Nag-angat ako nang tingin sa kanya at sinimangutan siya. Kahit ako ay sangayon sa sinabi ng Mommy niya pero mukhang matigas talaga ang ulo nito.

Tumikhim siya nang makita niya ang matalim kong tingin sa kanya.

"Uuwi din ako kaagad," marahang sabi niya sa akin.

Imbes na sumagot ay inirapan ko na lang siya. Tingnan mo yang Daddy mo, Anak. Kita mo yan? Wag na wag mong mamanahin ang katigasan ng ulo niyan.

Hinawakan ni Mrs. Jimenez ang kamay ko para hilahin ako papasok sa kanilang bahay. Nagbalik ang lahat sa akin, malinaw pa sa aking ala-ala ang una kong pagtungtong dito at kung paano din ako umalis.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now