Chapter 37

45.9K 2.4K 1.3K
                                    

Shower



Kaagad kong pinatay ang tawag nang marinig ko ang hikbi ni Ahtisia sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit imbes na maawa sa kanya ay mas lalo lang akong naiinis. Pakiramdam ko kasi ay peke ang iyak niyang iyon.

Pumasok si Hob na wala pa din ako sa aking sarili kaya naman naabutan niya akong hawak ang phone niya. Nakaramdam ako ng hiya dahil baka isipin niyang pinapaki-alaman ko ang gamit niya.

"T-tumawag si Ahtisia..." Nahihiyang sambit ko at kaagad na inabot sa kanya ang phone niya.

Hindi niya kaagad iyon nakuha sa akin, inilapag pa muna niya ang baso ng gatas sa may bed side table. Kinuha sa aking kamay at sandaling tiningnan bago niya muling binitawan.

"Tungkol daw saan?" tanong niya sa akin.

"Wala naman siyang sinabing iba...hinahanap ka lang," sagot ko sa kanya habang hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Umupo siya sa gilid ng kama sa aking gawi. Kinuha ang baso ng gatas at ini-abot iyon sa akin.

"Careful...medyo mainit," sabi niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko sa gatas pero ramdam ko ang tingin ni Hob sa akin. Maingat akong sumimsim doon. Mas masarap iyong inumin dahil medyo mainit.

"May problema ba?" tanong niya.

Sinalubong ko ang tingin ni Hob sa akin.

"P-paano kung sabihin niya sayong...gusto ka niya?" tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay natatakot ako sa kung anong pwede niyang isagot.

Tipid siyang ngumiti sa akin bago niya hinaplos ang aking pisngi.

"Ikaw ang gusto ko, Alihilani," paninigurado niya sa akin kaya naman uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata.

Mabilis kong inilapag ang baso sa bed side table bago ako napaluhod sa kama at yumakap sa leeg ni Hob.

"Baka kuhanin ka din sa akin..." sumbong ko.

Ayokong ipakita kay Hob na amsyado akong naaapektuhan sa presencya ni Ahtisia. Pakiramdam ko kasi ay nakaka-offend iyon sa part niya na para bang wala akong tiwala sa kanya.

Masyado lang talaga akong takot sa mga nangyari sa amin ni Nanay. Mahina kasi ang tingin nila sa amin kaya naman kinakaya-kaya lang nila kami. Madali para sa kanila na kuhanin ang lahat ng bagay na gustuhin nila.

"Walang kukuha sa akin sayo...Sayo ako, Alihilani. Pangako..." paninigurado niya sa akin bago niya ako mahigpit na niyakap.

Tahimik kaming dalawa ni Hob habang magkatabing nakahiga. Bukod sa wala akong lakas na magsalita dahil sa naramdam ko kanina ay ito na ata ang pinakamalapit naming pwesto sa isa't isa.

Nakayakap siya sa akin habang naka-unan ang ulo ko sa kanyang braso habang nakayakap naman ako sa kanyang katawan. Amoy na amoy ko ang bango ni Hob at ramdam din kung gaano katigas ang kanyang katawan dahil na din sa mga muscles nito.

"Hindi ka pa inaantok?" marahang tanong niya sa akin ng halikan niya ang aking ulo.

Umayos ako ng higa at mas lalong yumakap sa kanya. "Inaantok na..." sagot ko. Dahil sa lamig at sa epekto na din siguro ng gatas ay unti-unti na ding pumikit ang aking mga mata.

Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon pero ramdam ko pa din ang paninibago ko sa lugar kaya naman madilim pa lang sa labas ay nagising na ako. Malalim ang tulog ni Hob kaya naman malaya akong naka-alis sa yakap niya ng hindi niya namamalayan.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon