Chapter 19

44.2K 2.3K 1.4K
                                    

Dress




Hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganoong kulay ng hard hat ang ipinasuot sa akin ni Hob gayong may ibang kulay naman para sa mga site visitor. Hindi ko din maiwasang punahin ang pakikitungo niya ngayon sa aking gayong alam ko naman na noon ay hindi din niya gusto ang presencya ko.

Matapos ang trabaho ay dumiretso na muna ako pauwi para tulungan si Nanay sa mga natitirang kurtina.

“Hindi ka dumaan kina Vera?” si Nanay.

Tipid akong ngumiti at marahang umiling sa kanya habang inihahanda ang mga tela.

“Nagsabi na po ako. At siguradong wala pa sila ni Gianneri sa bahay, kung saan saan nanaman po sigurado nagsuot ang dalawang iyon,” kwento ko sa kanya.

Si Vera at Gianneri ang nagpag-usapan namin ni Nanay. Maging sina Eroz at Gertie nga ay naitanong din niya. Noon kasi ay wala naman akong mga kaibigan kaya naman alam kong masaya si Nanay para sa akin dahil hindi lang kaibigan ang nahanap ko sa kanila, Pamilya. 

Muli kong nakita kung paano ilang ulit na napapikit ng mariin si Nanay habang nakahawak sa kanyang batok. Kaagad kong binitiwan ang lahat nang ginagawa ko para lapitan siya.

“Nay, ako na po ang tatapos. Magpahinga na po kayo,” marahang suway ko sa kanya.

Sandali pa kaming nagkaroon nang pilitan bago siya pumayag sa aking gusto. Inihatid ko pa siya sa kwarto at siniguradong makakahiga siya ng maayos. Kahit ilang minuto nang tulog si Nanay ay hindi ko pa din maiwasang manatili sa kanyang tabi.

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan habang natutulog siya. Sinisigurado ang kanyang bawat paghinga. Hindi ko nararamdaman ang lahat ng pagod. Pero sa tuwing nakikita ko siyang ganito at nanghihina…sobra pa sa pagod ang nararamdaman ko.

Marahan kong hinaplos ang ulo ni Nanay bago ko siya hinalikan sa noo. Kung mawawala siya sa akin ay baka hindi ko kayanin. Lahat nang ginagawa ko ay para sa kanya, hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung kagaya ni Tatay ay iiwan niya din ako.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa naming kurtina dahil kailangan na iyon ni Aling rita. Halos bumagsak na ang talukap ng aking mga mata dahil sa antok pero kaagad ko din namang nalalabanan sa tuwing umiinom ako ng kape.

Halos isang oras lang ang tulog ko. Late pa ako ng ilang minuto sa pagpasok sa factory kaya naman sinabihan ko na kaagad si Aling rita na sa tanghali ko pa maihahatid ang mga kurtina niya.

“Good morning, Alice!” bati sa akin ni Ericka pagkapasok ko sa may pantry.
Bumaba kaagad ang tingin niya sa bitbit kong plastick na may lamang kurtina.

“Ipagtitimpla kita ng kape,” sabi niya at kaagad na iniwan ang asawang si Junie na nagkakape din sa may lamesa.

Tiningnan niya ako kaya naman inirapan ko siya. Dahil sa aking ginawa ay kaagad siyang napaubo ng masamid.

“Ang sungit!” sita niya sa akin bago tumawa kaya naman muli ko siyang inirapan.

“Hindi ko na nakikita si Jacobus. Hihiramin ko siya bukas, ipapasyal ko sa mga Montero,” sabi ko kay Junie.

Nagulat pa ako nang hampasin nito ang lamesa. Akala ko ay magagalit siya pero kaagad kong nakita ang malaking ngiti sa labi niya.

“Oo naman! Maganda iyon at maaga pa lang ay maging close na sila ni Gianneri. Magiging mag balae na talaga kami ni Boss Eroz,” nakangising sabi niya kaya naman kaagad akong naghanap ng kung anong pwedeng ibato sa kanya.

“Anong akala mo sa akin? Hindi ko dadalhin doon si Jacobus para manligaw!” asik ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.

Pumayag din si Ericka na ipasyal ko si Jacobus sa mga Montero sa sumunod na araw kaya naman mas lalo akong naexcite. Tahimik lang ako pero kagaya ni Junie ay mukhang magiging supportado din ako sa dalawang iyon sa oras na dumating na sila sa tamang edad.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now