Chapter 48

54K 2.8K 1.6K
                                    

Grant





(Flashback continuation)

Sandali pa kaming nanatili sa loob ng kanyang sasakyan para ubusin ang kape naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit kahit ngayon ko lang siya nakita ay kumportable kaagad ako sa kanya.

Hindi ako takot sa kanya na para bang pakiramdam ko ay ligtas ako dahil siya ang kasama ko. Masyado ko atang ibingay sa kanya ang tiwala ko kahit hindi ko pa naman siya gaanong kilala. Minsan kasi ay mararamdam ko din talaga iyon sa isang tao.

Sabay kaming nag lakad pabalik sa bar. Ramdam ko ang suporta nang kamay niya sa aking likuran kahit pa hindi niya iyon gaanong idinidikit sa akin. Binibigyan pa din niya ako nang privacy kaya naman mas hinangaan ko siya.

"Hobbes," tawag sa kanya ng isang kakilala.

"Uhm...una na ako," paalam ko sa kanya.

Tatalikuran ko na sana siya nang kaagad niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko.

"Susunod kaagad ako...wait for me," marahang sabi niya sa akin kaya naman bahagyang tumulis ang nguso ko.

At bakit ko naman siya kailangang hintayin?

Tumango na lang ako para bitawan niya na ako at makapasok na ulit ako sa loob. Hindi kagaya kanina ay mas ma-ingay ngayon at mas dumami ang tao sa loob. Nagkaproblema ulit ako sa paghahanap kay Ahtisia kaya naman kahit gusto kong bumalik sa pwesto ko kanina ay hindi ko magawa dahil marami na ding tao doon.

"Nasaan ka nanaman?" tanong ko sa kanya sa kawalan.

Sinubukan ko maging sa may dance floor kahit sobrang nagkakagulo na ang mga tao doon. Napahinto ako nang makita kong nakayakap siya sa isang lalaki at halos maghalikan na silang dalawa.

Napatakip ako sa aking bibig nang gawin nga nila iyon at halos ang kapatid kong si Ahtisia ang nagsimula nang halik. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sila o ano hanggang sa nilingon ko ang entrance at nakita si Hobbes na matalim ang tingin sa dalawa.

Kita ko ang galit sa kanyang mukha. Sa sobrang galit ay parang kaya niyang suntukin kung sino man ang haharang sa kanyang harapan. Sinubukan kong maglakad para makalapit sa kanya pero huli na ang lahat dahil galit siyang lumabas at umalis.

"H-hob!" tawag ko pa sana sa kanya pero walang wala ang sigaw kong iyon sa ingay sa paligid.

Hindi ko na ulit siya nakita pagkatapos non. Alam ko naman iyon una pa lang pero hindi ko din alam kung bakit ang bigat sa dibdib na iyon ang una at huli naming pagkikita.

"Sinasabi ko na sayo. Mapapagalitan tayong dalawa neto..." pamomorblema ko.

Halos sikatan na kami nang araw. Lasing na lasing si Ahtisia na kailangan pang buhatin nang mga body guard niya papasok sa sasakyan.

Napasapo na lamang ako sa aking noo. Sa mga panahong ito ay dapat napupuyat kami dahil sa pag-aaral at hindi sa ganito.

"Wag na lang po sanang malaman ni Tita Atheena," pakiusap ko sana sa mga bodyguard niya.

"Pasencya na po, Ma'm. Alam na po ito ni Ma'm Atheena," sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong napasapo sa aking noo at pagod na tumingin sa kapatid kong mahimbing na ang tulog.

Hinayaan ko na lang din muna at nagpahinga na. Kahit madaling araw na akong nakatulog ay maaga pa din akong nagising kinabukasan. Wala akong sinayang na oras at pagkatapos kumain at maligo ay nag-review kaagad ako.

"Hindi niyo binabantayang mabuti. Mga wala kayong silbi!" asik ni Tita Atheena sa mga bodyguard ni Ahtisia.

Tumayo ako yakap ang libro ko para sana salubungin siya dahil umaasa akong kasama niya si Tatay pero mag-isa lang siyang dumating.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now