Chapter 127:How It Ended

367 18 244
                                    

Last throwback na to hahaha and after this...back to present

Happy Reading!

Francine's Pov

Halos two months na din ang nakakalipas simula ng ligawan ako ni kyle,okay naman at masasabi kong mas madami siyang napatunayan at patuloy na pinapatunayan sakin.

Kasama ko na si criz ngayon at nilalakad na namin ang daan papuntang school...

"criz okay ka lang?"tanong ko pero ang loka nakatulala lang
"huy"sambit ko at kinabig ang braso niya na kinabalik naman niya sa realidad
"m-may sinasabi ka?"tanong niya na balisa pa din
"okay ka lang ba? bakit parang wala ka sa sarili?"tanong ko at tumango naman siya
"oo naman"sagot niya
"sigurado ka ba kasi iba ang sinasabi ng mukha mo,halatang anlalim ng iniisip mo eh"sambit ko
"wala to,dont worry okay lang ako"sagot niya ulit at napatango na lang ako
"s-sige pero kapag kailangan mo ng kausap andito ako ah"sambit ko at ngumiti naman ako
"hay angswerte swerte ko talaga kasi ikaw ang naging best friend ko at nagtathank you din talaga ako kay Lord na nakilala kita"sambit niya na kinangti ko pero andun yung pagtataka

Hindi naman ganito to eh,hindi siya madalas magsabi niyan kaya nakapagtataka lang nang konti...

"carrel kapag nagkahiwalay tayo iingatan mo palagi ang sarili mo ah at wag mo kong kakalimutan"sambit niya pa kaya mas lalo akong nagtaka
"criz bakit mo sinasabi yan?"kunot noong tanong ko
"wala lang,gusto ko lang sabihin"sagot niya pero hindi ako naniniwalang yun lang

May tanong ako dito sa isip kona ayaw kong itanong at ayoko ding mangyari...

"i-iiwan mo ba ko? magkakahiwalay ba tayo?"may kabang tanong ko
"h-hindi"sagot niya
"eh bakit mo sinasabi yan?"tanong ko
"wa-wala lang,basta if ever na mangyari ayokong malulungkot ka ah at kung magkahiwalay man tayo,promise ko sayo na babalik ako at magkikita tayo ulit"sambit niya
(Tutuparin mo pa yang pangako mo so i guess...see you sa Book 2, Criza!😉)

Alam kong may problema eh,alam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya masabi.Hihintayin ko na lang yung time na sabihin niya sakin at sana hindi yun yung iniisip ko ngayon dahil angsakit nun para sakin kung totoo man

"change topic na nga,masyadong madrama"natatawang sambit niya at tumawa na lang ako
"kamusta kayo ni kyle?"nakangising tanong niya
"o-okay naman"sagot ko at ngumiti na lang
"Okay na okay nga kayo noh kasi halos hindi na kayo magkahiwalay,nakakatampo na nga kasi parang mas gusto mo nang kasama si kyle kesa sakin"kunyaring pagtatampo niya na kinatawa ko
"luh to naman nagtatampo,syempre ikaw pa din number one ko noh"sambit ko at napangiti naman ang loka
"aba dapat lang,ilang taon mo na kong kasama tapos si kyle months pa lang pero sa bagay,kayo nga pala ang magsasama in the future papuntang forever yieee"mapang asar na sambit niya
"tumigil ka nga"sambit ko
"sus kinikilig ka lang eh"pang aasar pa nito
"kayo pala ng papa mo kamusta na?"biglang tanong niya at napawi naman ang ngiti ko
"hndi pa rin kayo okay noh"sambit niya at tumango naman ako
"Hindi pa din pero konti na lang siguro"sagot ko
"pansin ko nga na medyo nabawasan na yang sama ng loob mo at syempre with the help of your manliligaw.Alam mo carrel grabe yung impact sayo ni kyle noh and syempre bilang best friend antutuwa akong makitang may taong naninindigan at poprotekta sayo bukod sa pamilya mo,masaya din ako na makita kang masaya"sambit niya at awtomatiko naman akong napangiti
"speaking of poprotekta kailangan mo din palang matutong protektahan yang sarili mo diyan sa mga diyablong pakalat kalat kasi hindi sa lahat ng oras kasama mo kami.At ilang beses na kitang sinasabihan diyan sa pagiging mabait mo,walang masama sa pagiging mabait pero pangit dun kung sosobra.Hindi deserve ni lorin yang kindness na binibigay mo sa kanya carel,sobra na yang mga ginagawa niya sayo hindi na tama at kung ayaw mong kumilos pwes ako ang kikilos para sayo"dagdag niya na kinabuntong hininga ko

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now