Chapter 96:Paghahanap sa Katotohanan

432 19 44
                                    

Inhale exhale muna ahh medo intense ito..
okay happy reading and enjoy the ride hehe

Francine's Pov
Maaga kong gumising ngayon kasi may balak akong umalis nang hindi alam nila mom.Pupunta ko ng ilocos,tatakas ako,alam ko mali pero alam ko kaisng kahit anong gawin ko hindi papayag si mom kaya no choice ako.Ayoko siyang suwayin pero hindi ko mapigilan yung bugso ng damdamin ko na malaman ang katotohanan sa pagkatao ko.

Hindi rin alam ng mga kaibigan ko na may balak akong tumakas kahit ni blythe o ni kyle.Ayaw ko nang ipaalam sa kanila,kita sa mga mukha nila kahapon ang pag aalala sakin kaya ayaw ko nang sabihin sa kanila.Actually alam nila yung planong pagpunta ko ng ilocos pero hindi nila alam na ngayon ko balak pumunta,sabu pa nga nila sasamahan nila ko pero mas minabuti kong wag na.

Sorry guys pero sobrang desperado na kong malaman yung totoo.Sobrang nahihirapan narin kasi ako gusto kong maramdaman na buo na ko,ayaw ko nang maramdamang may kulang sakin dahil sa mga memorya kong ninakaw ng tadhana.

Akala ko dati magiging maayos lahat kahit hindi ko na alamin ang katotohanan kasi okay na ko na may pamilya ko.Pero akala ko lang pala yun dahil kahit kailan ay hindi ako matatahimik dahil hinahabol parin ako ng nakaraan ko

5 am palang ng madaling araw,saturday.Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at lumabas tsaka dahan dahang sinara yun.Dahan dahan din akong naglakad pababa para hindi ako makagawa ng ingay na makakagising sa kanila.

Dumiretso ako sa pinto at akmang bubuksan to ng biglang....

"sissy?"biglang sambit ni blythe na kinalaki ng mata ko

Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya...

"oh sissy aga pa ah bakit gising ka na"sambit ko at pilit na ngumiti
"hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan at san ka pupunta,bakit nakabihis ka?"mausisang tanong niya
"sissy..."sambit ko na pinag iisipan kung dapat ko bang sabihin sa kanya
"sissy wag mo sabihin saking aalis ka nang hindi nagsasabi samin"seryosong sambit ni blythe na kinayuko ko
"sissy sabihin mo sakin kung saan ka pupunta"sambit niya
"sissy sorry alam kong mali tong gagawin ko pero kailangan kong pumunta ng ilocos kasi dun ko lang makukuha yung mga kasagutan sa katanungan ko"sambit ko
"pero dapat magsabi ka parin samin hindi yung aalis ka nang hindi namin alam kasi mag aalala kami sayo"sambit niya
"alam ko kasing hindi na magbabago yung isip ni mom kaya humantong ako sa gantong desisyon"sagot ko na hindi mapigilang maluha
"masaya ko oo pero feeling ko may kulang parin sakin,feeling ko hindi ako to kasi hindi ko naman kilala yung sarili ko,sissy sobrang nahihirapan na ko"umiiyak na sambit ko
"sissy naiintinidihan kita wag ka nang umiyak please"maluha luhang sambit niya
"buti pa ikaw naiintindihan ako pero si mom kahit anong gawin kong paliwanag hindi niya maintindihan"sambit ko
"sissy wag kang ganyan mahal ka ni mom"sambit ni blythe
"alam ko naman yun sissy eh pero hindi ko lang kasi maintindihan si mom kung bakit ayaw niya kong payagan,hindi niya magawang ibaba yung pride niya para sakn"sambit ko at nagpunas ng mga luha
"naiintindihan ko si mom at naiinrindihan rin kita"sambit nya na kinangiti ko
"thank you sissy"sambit ko
"talaga bang itutuloy mo yung pagpunta sa ilocos?"tanong niya
"yes,alam kong mali but i need to do this"sagot ko
"okay fine pero hindu ko hahayaang umalis ka nang ikaw lang"sambit niya na kinakunot ng noo ko
"anong ibig mong sabihin?"tanong ko
"sasamahan kita"sagot niya
"sissy hindi na kaya ko na maiwan ka na lang dito"pagtanggi ko
"no hindi kita hahayaang umalis mag isa...sa ayaw at gusto mo sasama ko sayo and kapag hindi ka pumayag magsusumbong ako kila mom"sambit niya na kinabuntong hininga ko
"okay fine sige na"pagpayag ko
"dito ka lang magbibihis lang ako wag mong tangkaing umalis ah,mabilis lang ako"sambit niya at nagmadaling umakyat

Sobrang nakokonsensya ko kasi pati si blythe nadadamay ko pero kailangan kong gawin to,walang masama kung susubukan ko kesa naman yung naghihintay lang ako dito ng pagkakataon at nagsasayang ng oras.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now