Chapter 90:Christmas+First Kiss

617 23 23
                                    

Kyle's Pov
Nakaalis na kami and nagkahiwa-hiwalay kami kasi hindi kami kasya sa iisang van.Nahiwalay samin si darren,seth at lala dahil nasa kabilang van sila na nasa likod ng van na sinasakyan namin.

Si dad i mean tito adrian ang nagdadrive samin.Nasa shotgun seat naman si tita christine na katabi ni tito.Magkakatabi sila blythe grae at althea na nasa pinakaunahan,nasa pangalawa si jeremy jayda and justin,sa pangatlo si ac ken and erika at kami naman ni chin ang nasa pinakalikod.Buti nga dalawa lang kami dito para naman masolo ko sandali ang bala ko haha.

Medyo mahaba-haba pa ang biyahe namin.Its 7 pm and kung tatantsahin ko baka mga 9 pa kami makadating dun.

Binaling ko ang tingin ko sa bala ko na ngayon ay busy sa phone niya.

"bala inaantok ako"pagkukunwari kong humikab
"tulog ka muna bala"sambit niya at tinapik ang balikat niya

Napangiti naman ako at agad na hiniga ang ulo ko sa balikat niya kahit hindi naman talaga ko inaantok,gusto ko lang lambingin ang bala ko haha.

Ginalaw ko ang kamay ko at nilagay yun sa likod niya habang nakahilig parin ang ulo ko sa balikat niya.

Sinilip ko ang phone niya at nakita ko siyang nagbabasa ng wattpad,wala parin talagang pinagbago mahilig parin magbasa ang bala ko

"anong binabasa mo bala?"tanong ko
"i love you since 1892"sagot niya na nakatutok parin ang mata sa binabasa

Dahil trip kong inisin ang bala ko agad akong umayos ng upo at kinuha ang phone niya

"uyyy bala bakit mo kinuha yan"pagrereklamo niya

Napangiti na lang ako nang makita kong nakakunot nanaman ang noo niya.Mas nagiging cute ang bala ko kapag naiinis siya eh kaya minsan gusto ko rin siyang asarin

"eh kasi bala hindi mo ko pinapansin kasi busy ka sa phone mo eh"sambit ko at nagpout
"hay nako puro ka kalokohan ibigay mo na nga sakin yan bala"sambit niya na may pagkainis na sa tono

Pinilit niyang kuhain ang phone niya pero pilit ko itong iniiwas sa kanya para hindi niya makuha.

"bala bigay mo na akin na!"sambit niya na nagsisimula nang mainis na kinangiti ko
"ayoko nga"pagmamatigas ko na nakangiti nang mapang asar

Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang makita kong naiinis na siya,her cheeks turned red and parang umuusok na ang tenga sa inis dahil sa ginagawa ko.She's so cute.

"ibigay mo na sabi akin na!"inis na sambit niya habang pilit na kinukuha ang phone niya
"no ayoko gusto ko sakin ang atensyon mo"sambit ko na kinairap niya
"tumigil ka nga sa kalokohan mo,akin na phone ko ibigay mo!"inis na sambit niya nanaman
"akin na sabi eh!"inis na sambit niya nanaman

Pilit niyang kinukuha ang phone niya pero ako naman patuloy sa pag iwas nito para hindi niya maabot.Tawa lang ako ng tawa habang ang bala ko naman ay halos bumuga na ng apoy sa sobrang inis

"akin na yan"

"ayoko nga"

"bwis*t sinabi nang akin na eh!"

"kapag binigay ko sayo,dito nanaman ang atention mo at hindi sakin"

"tumigil ka na! ano ano pinagsasabi mo!"

"gusto ko lang naman maglambing bala eh"

"sapak aabutin mo kapag hindi mo binigay sakin yan!"

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now