Chapter 94:New Start

496 19 22
                                    

Grae's Pov
Mabilis na lumipas ang mga araw,akalain mo back to school nanaman kami ngayon.

We spent christmas with my friends,haha kapal ng mukha kong sabihing kaibigan ko sila kahit pinaplastik ko lang naman sila lahat.And also,we spent new year with them too at blythe's house.

Wala naman gaanong nangyari last year wala akong maishashare sa inyo sa naging buhay ko last year.Wala rin namang magandang nangyari sa buhay ko kasi wala ako ginawang maganda and hopefully this year,maayos ko na yung sarili ko,i need to free myself from dissatisfactions to be able to be a good person im wishing my self to be.Im starting a new life,its time for a new start.

Buong buhay ko ang pinuno ko ng galit kaya dumating sa point na naging masamang tao ako,na naging martir ako at dahil dun hindi ko namalayan na may tao na pala kong nasasaktan.Dahil sa pagiging desperado ko at pagiging baliw sa pag-ibig nakasakit ako ng tao at sobra kong pinagsisihan yun.

Sobra kong nagsisi sa mga nagawa ko specially kay seth,yung little bro ko na dati ay alagang-alaga ko at mahal na mahal ko.Pinangako ko sa kanyang poprotektahan ko siya pero nakakatawa lang kasi ako pa mismo ang nanakit sa kanya,nangako ako sa kanyang hindi ko siya pababayaan at hindi ko hahayaang malagay siya sa kapahamakan pero ako pala mismo ang nagsisilbing pahamak sa buhay niya.Binuo niya ang buhay ko at binigyang kulay ang mundo ko pero sinira ko ang buhay niya at binalot ng dilim ang mundo niya.

Alam kong kahit anong gawin ko hindi ko na pwedeng mabago yung mga nangyari na pero kayo kong baguhin yung sarili ko,magbabago ako hindi para sa sarili ko at hindi rin para kay blythe kundi para sa little bro ko na mahal na mahal ko.Pinagsisihan ko na lahat ng nagawa ko at handa akong gawin ang lahat para patunayan sa inyong nagsisi na talaga ko.Okay lang naman kung hindi kayo maniniwala dahil hindi naman kayo ang gusto kong maniwala sa akin kundi yung little bro ko.I want to show to him that his big bro is already changing for him.

Gusto ko kapag sinabi ko yung totoo sa kanya about sa totoong pagkatao ko,gusto ko yung sigurado na kong naayos ko na yung sarili ko at kapag humarap ako sa kanya gusto kong malaya niya na ulit akong maiituturing bilang big bro niya na handa siyang protektahan ano man ang mangyari

Gusto ko nang palayain yung sarili ko sa sama ng loob at gusto kong pakawalan yung puso ko na walang ibang laman kundi galit at sakit.At higit sa lahat handa akong mag let go kung kinakailangan,handa kong ipaubaya si blythe kung yun ang magiging dahilan ng kasiyahan niya.Mahal ko si blythe pero mas mahal ko ang little bro ko,mas mahalaga siya sakin kesa sa ano mang bagay dito sa mundo.

"grae"sambit ni justin at pumasok sa kwarto ko
"ayos ka lang bakit parang umiiyak ka?"tanong niya na may pag aalala
"wala to bro"sagot ko at ngumiti
"anyare sayo? parang bigla kang nag-iba?"tanong niya na may pagtataka
"gusto kong baguhin na yung sarili ko"sagot ko na kinagulat niya
"a-ano? t-totoo ba to?"di makapaniwalang tanong niya
"bakit parang hindi ka naniwalang kaya kong magbago?ganon na ba ko kasamang tao pra sayo?"tanong ko pero hindi niya ko sinagot sa halip ay yumuko lang siya
"pero naiintindihan naman kita justin,aaminin ko din na naging masama ako"sambit ko at tinapik ang balikat niya tsaka pilit na ngumiti
"alam kong imposible pero naniniwala ako sayo grae,sa kabila ng pagiging masama mo nakikita ko parin na mabuti ka talagang tao"sambit niya na kinangiti ko
"salamat justin dahil isa ka sa mga taong umintindi sakin at kahit kailan ay hindi ako pinabayaan kahit palagi akong mailap sayo,kahit napapahamak ka na dahil sakin,never mo kong iniwan"sambit ko
"kahit naging masama ka grae,aaminin ko minsan nang sumagi sa isip ko na bitawan ka na pero hindi ko ginawa dahil alam kong may natitira paring kabutihan diyan sa puso mo at alam kong balang araw ay magbabago karin at hindi nga ako nagkamali"dagdag niya
"kaya salamat sa hindi pag iwan at pagsuko sakin,promise ko sayo na this time magbabago na talaga ko"sambit ko at niyakap siya na kinayakap niya pabalik at biglang nagring ang phone ko

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now