I CAN'T, AFTER ALL

115 29 1
                                    

CHAPTER SEVEN: I CAN'T, AFTER ALL

" I can't do this, I can't do this after all. "

"Yup."

"Yup?"

"Yup, Yael. Yes ibig sabihin ko--"

"Yeah that's what she meant, Yael."

Tumango kaming dalawa ni Jaxon sa isa't-isa, pero napansin ko kung gaano na siya katagal na nakatitig sa'kin kaya inialis ko ang mga mata ko sa kanya agad. Kanina pa siya titig ng titig sa'kin, ano bang meron sa'kin?

Perhaps it's because of what happened, we're both trying to remain calm and pretend that everything is normal pero parang siya yung 'di umaaktong normal eh.

Everytime na magkasama kami lagi siyang nakatingin sa'kin, tinitingnan ko siya at sinesenyasan na tigilan niya yung tingin tingin niya pero wala... wala talaga!

"Hey."

"Oh?" nabigla ako sa biglang bulong ni Silas sa may tenga ko.

Ba't ba ang lapit nang lalaki na 'to sa'kin? Ano nanamang kailangan niya? Tiningnan ko muna yung paligid ko just in case na nandito yung isa sa mga ex niya, the last thing I want is for his exes to come and find me just to fight me because of this player here.

"Anong meron sa inyong dalawa?"

"Anong merong pinagsasabi mo? Nung nakaraan ka pa, 'di naman tayo close."

"Nah, but we're close enough to kiss right now."

"Tangina mo--" ginamit ko yung magazine para inudnud sa bibig niya pati na rin sa ilong niya, papatayin ko talaga ang lalaking 'to.

Sinabi ko na sa kanyang 'wag niya 'kong landiin sa harap ng mga babaeng kaklase namin eh! Bwisit 'to! Pag ako nabully dahil sa kanya talagang masasapak ko siya.

"Nakamoto, Jules!" tinigil ko naman agad yung ginawa ko at binalik yung magazine sa lamesa na'min, masama ang tingin sa'min ng president ng photography club, I averted his gaze from me.

"Please, magfocus na lang kayo kaysa maglandian."

Kinindatan ako ni Silas pagkatapos, naku makakasaksak talaga ako today, dapat dinala ko yung tinidor na ginamit ko nung kumain ako eh.

Dapat nagdala na rin ako nang kutsilyo.

Manghihiram ako sa cafeteria mamaya.

"Jaxon, Chandria." Yael called us both.

Our eyes met again but I quickly cut our short eye contact, this is still awkward, I'm so embarrassed.

Naaalala ko nanaman kung paano ko hinablot yung kwelyo niya sa direksyon ko, tapos nagtama talaga yung mga labi na'm--

Nope, nope, tama na! 'Wag na na'ting pag-isipan, focus tayong magisip nang mga ideya para sa shoot for the club.

"What is up with the two of you?"

"What up? Anong meron sa taas?" joke ko pa pero sablay naman dahil blanko pa rin ang mukha ni Yael sa'kin.

"Kanina pa kayo-- no, kahapon pa kayo. Naiirita na 'ko, anong nangyari? Nag-away ba kayo?"

"Away?" Jaxon shook his head immediately.

"Di kami nag-away, matagal na kaming ganito."

OFF-LIMITS ✔️Where stories live. Discover now